"Masarap naman pala magluto itong si Cyron eh" tanging nasambit ni Jameson nang matapos silang kumain.Nagpasya syang dito na pakainin ng hapunan ang dalawa para naman matikman rin nila ang luto ni Cyron. Pumayag din naman ang binata sa plano nya kahit medyo nahihiya talaga ito.
"Masarap din namang magluto si Melvin ah" sagot nalang ni Denver.
Tumingin naman si Jameson dito
"Aba syempre naman, hindi ko ipagpapalit luto neto" bahagyang pinisil pa nito ang pisngi ng nobyo.
Tahimik namang nagmamasid si Cyron sa kanila. Para bang curious itong malaman kung anong meron sa isang relationship gaya ng kina Jameson at Melvin.
"Oh pano, salamat sa pagkain ha, uwi na kami" paalam ni Jameson.
"Salamat sa hapunan, ang sarap ng luto mo Cyron" sabi naman ni Melvin.
"Salamat" sagot naman ng binata at bahagyang ngumiti.
"Sigurado ka bang okay kana Der?" tanong pa ni Jameson.
"Oo, okay na, salamat" sagot nya lang.
"Hmm, pasalamat ka at may maalaga kang guardian angel" baling naman nito kay Cyron.
Nagulat naman sila pareho.
"Opps, sige na alis na kami, bye bye" kaagad nitong hinila si Melvin palabas.
Naiwan silang walang kibo.
Tiningnan nya si Cyron, nakatingin lang din ito sa kanya.
Kakaiba ang tension na nararamdaman nya ngayon, hindi nya maiwasang mailang kay Cyron. Kanina lang ay nagtapat ito sa kanya ng lahat, at hinalikan pa sya nito.
Napakabilis ng pangyayari.
"Ahmm, ako na magliligpit nito" agad nyang sabi para putulin ang katahimikan.
"No, ako na, magpahinga kana lang, at heto, uminom ka pa rin ng gamot" pigil nito sa kanya saka iniabot ang gamot at isang basong tubig.
Wala naman syang nagawa kundi ang tanggapin iyon.
"Ahhmm, Y-yung" Huminga ng malalim ang binata.
Napatigil sya sa ginagawa nang magsalita si Cyron. Hinintay nya kung ano ang sasabihin nito.
"Y-yung, satin" tumingin ito sa kanya. "pwede bang, tayo lang muna ang m-may alam nito?"
Halos mabulunan naman sya ng iniinom na tubig dahil sa sinabi ng binata. Mabuti nalang at nakapagpigil sya.
Hindi sya makapaniwalang dahil lang sa halik na iyon kanina'y magiging sila na ni Cyron.
"A-atin?" tanong nya.
"Oo, hindi ba, s-sabi mo, g-gusto mo- hayyy nevermind" putol nalang ng binata at saka kinuha ang mga pinggan para iligpit. Humarap na ito sa lababo.
Napakunot noo naman sya dahil doon.
Huminga sya nang malalim.
"So kami na ba? yun ba ang ibig nyang sabihin?" tanong nya sa isip. " Hmmm wag muna mag-assume, hindi ka na naman sigurado".
Naglakad nalang sya papunta banyo at nag ayos ng sarili. Ipinagpatuloy naman ng binata ang ginagawa.
Hindi talaga nya alam kung paanong pakikitunguhan si Cyron. Alam nyang hindi na ito galit sa kanya, in fact, may feelings din ang binata para sa kanya.
Nahihirapan lang sya dahil parang napakabilis ng lahat.
Ayos lang naman kung maging sila, pero ang hindi nya lang kayang tiisin, ay ang ideyang magkasama sila sa iisang kwarto.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomanceAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...