CHAPTER 9 (Roommates - Cyron's Other Side)

185 7 3
                                    

Nang makapasok na sariling kwarto sina Jameson at Melvin ay dumiretso na sya patungo sa kwarto nila. Habang binabaybay nya ang hallway ay kung anu ano ang mga naiisip nya. Kung anong mangyayari ngayong magkasama na sila ni Cyron,  kung magkakasundo ba silang dalawa o mananatiling antipatiko pa rin ang binata. Kahit na hindi sya sigurado sa kahihinatnan ng mga nangyayari, wala naman syang ibang choice kundi ang makishare sa kwarto nito.

Nakita rin nyang ipinapalinis na ang dati nyang kawarto. Malamang ay darating na rin agad ang mga kamag-anak ni Alex kaya agad itong inaayos.

Naalala rin nyang pupunta nga pala dapat sya sa bahay nila para kamustahin ang ate Diane nya pero di na nya nagawa dahil sa nangyaring paglipat nya kanina. Niyayaya rin sya mamayang gabi ni Xander para magkape. Mabuti nalang at nakilala nya ang taong iyon, may nagpapagaan ng loob nya bukod kina Jameson na wala nang ginawa kundi pakabahin sya.

Nang makarating sya sa pintuan ng kwarto nya, saka nya lang naalala ang susing ibinigay ni Cyron sa kanya. Duplicate iyon ng susi ng kwarto. Agad nyang hinanap sa bulsa ng pantalon nya. Ngunit halos halughugin na nya ang lahat ng bulsa niyon ay hindi pa rin nya ito makita.

"Hala, nasan yun?" medyo kinabahan agad sya dahil alam nyang malilintikan na naman sya kay Cyron kapag nalamang nawala nya ito. Paulit ulit nyang hinanap sa mga bulsa nya ngunit wala talaga ito. Bigla nyang naalala na dumukot sya sa bulsa nya kanina para kunin ang wallet nya at dahil sa mga iniisip nya'y baka napasama ito at nahulog nang hindi nya namamalayan.

"Tssk, ano ba, hindi pwedeng mawala yun!" gigil nyang sabi sa utak.

Napatingin sya sa relo, malapit nang dumilim. Hindi pwedeng malaman ni Cyron na nawala nya ang kabibigay pa lamang nitong kopya ng susi sa kanya.

Maya maya, narinig nya ang pagparada ng kotse sa harapan ng apartment. Nanlaki ang mga mata nya at lalo syang kinabahan. Alam nyang kay Cyron iyon.

"Mag-isip ka Denver! antanga tanga mo kasi!" sabi nya sa sarili. Bigla nyang naisip si Jameson. Nagkaroon sya ng ideya.

Patakbo nyang tinungo ang kwarto ng mga ito. Dapat hindi sya maabutan ni Cyron kaya agad syang kumatok. Pero hindi agad sya pinagbubuksan ng mga ito.

"Jamessss!! buksan moto!" sigaw nya naman sa kaibigan kasabay ng sunod sunod na katok buti nalang at bumukas iyon.

"Ano bang-"

Hindi pa ito nakakapagsalita'y mabilis syang pumasok sa loob na saktong pagdaan naman ni Cyron sa kwartong iyon.

"Anong drama yan? wag mo sabihing dito ka pa matutulog ngayon?" tanong agad ni Jameson.

"Wag kang maingay, sandali lang laman" sabi nya sa kaibigan.

Nakita nyang nasa kama si Melvin.

"Naistorbo ko ba kayo?" tanong nya rito.

"Hmmm, hindi naman" sagot naman nito.

"Ano ngang ganap? bakit may patago tago epek ka dyan ha?" tanong ulit ni Jameson.

"Kasi ano..., kasi nawala ko yung duplicate na susi ng kwarto" mahina nyang sabi. Nanlaki naman ang mata ni Jameson.

"Anoo!?"

"Shhh, wag ka ngang maingay, kaya nga dito muna ako, para makapasok muna sya bago ako umuwi, para di nya malaman, wag ka ring magsasalita tungkol dito lalo na kapag kaharap sya ha, wala ka pa namang preno" paalala nya pa rito.

"Der naman... tapos nagtataka kapa kung bakit ganun yung trato nung tao sayo, kita mo ngayon, susi nalang ng kwarto naiwala mo pa. Kabibigay lang nya sa yo yun" giit nito.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon