Naupo sa kama si Denver.Magulo ang isip nya ngayon.
Ayaw nyang maniwala na nasa reyalidad sya.
Gusto nyang lokohin ang sarili nya na walang katotohanan ang mga sandaling iyon.
Biglang bumukas ang pinto. Alam nyang ang binata ito.
Maghapong wala sa apartment si Cyron mula nang umuwi ito sa kanila.
Pumasok ito at kaagad syang nakita.
"Ahmm, nakabalik na ako" sabi nito at dumiretso sa sariling kama, ngumiti pa ang binata.
Halos hindi nya matingnan nang diretso ang binata.
"M-may problema ba?" tanong nito.
Nagtiim-bagang lang sya.
Ayaw nya itong kausapin.
******FLASHBACK*****
"S-sino ka?"
Gulat na gulat nyang tanong sa panauhin.
Tumingin lang ito nang diretso sa kanya.
Pinagapang nito ang tingin mula ulo pababa sa katawan nya at napako ang mga mata nito sa dibdib nya.
Agad nyang tinakpan ng kamay ang mga kiss mark na namumula pa.
Ngumiti ito nang bahagya pero halatang napaka-sarkastiko ng dating niyon.
"Those are kiss mark, aren't they?" tanong nito sa malamig na boses.
Dahan dahan itong tumayo.
"Sorry, pero h-hindi kita kilala, sino kaba?" sabi nya lang rito. Medyo kakaiba na ang pakiramdam nya sa kaharap na panauhin ngayon.
Mukha naman itong disente pero dahil sa mga kilos nito ay hindi nya maiwasang mag-alinlangan.
"I think, I am supposed to be the one asking you that question, Sino ka?" balik nito ng tanong sa kanya.
Unti unti itong lumapit sa kanya.
Napa-atras naman sya sa ginawa nito.
"Easy, hindi ako nangangagat" ngumiti pa ito.
"Well, I thought, this unit belongs to my brother"
Nagulat sya sa sinabi nito.
"K-kapatid mo si C-Cyron?" maang na tanong nya.
Ngumisi ito.
"Didn't he tell you?" naupo itong muli. "Oo, kapatid ko sya, Step-brother, to be precised" Paliwanag nito at ipinagdiinan pa ang salitang "step brother".
Napakunot-noo lang sya.
"Anyway, I am Chay, wag kang mag-alala, hindi ako yung tipo na dapat kinatatakutan mo" tumitig ito sa kanya. "Boyfriend mo ba si Cyron?" tanong nito.
Para namang nalunok nya ang sariling dila dahil hindi sya makaimik sa tanong nito.
Naalala nya rin ang sinabi ni Cyron na hindi pa alam ng pamilya nya ang tungkol sa kasarian ng binata.
Napatitig lang sya rito dahil naguguluhan sya. Hindi pa rin nya maproseso ang mga nangyayari.
"Na- starstruck ka ba?" tanong nitong muli.
"Hindi!" mabilis nyang sagot. Nagtaas naman ng isang kilay ang binata. "H-hindi ko boyfriend si Cyron, w-wala kaming relasyon" Paliwanag nya. Nagawa nyang magsinungaling nalang dahil hindi naman sya sigurado sa mga dapat nyang gawin.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
DragosteAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...