CHAPTER 29 (We Belong Together)

161 5 0
                                    


AFTER 2 WEEKS

Maayos na ang lahat.

Magaling na magaling na rin si Cyron.

Si Lander naman, kasalukuyang nakapiit para pagbayaran ang nagawa nito.

Hindi na sana nila balak na ituloy ang kaso laban dito pero hindi pumayag ang mama ni Cyron lalong lalo na si Dominic.

Bumalik na silang muli sa apartment at nangakong hindi na muling maghihiwalay pa.

Dahil sa mga nangyari, nagdesisyon si Carmen na payagang mag out of town silang magbabarkada.

Hindi rin ito nagbalak na sumama pa para mag-enjoy sila.

May Rest house sila sa Sablayan malapit sa Parola park. Magandang idea para makalanghap ng sariwang hangin.

Sagot din nito ang sasakyan nila.

Kaagad silang umalis nang makapagpadala sila ng kani-kanilang excuse letter. Kinausap rin ni Dexter ang school management para sa special na pagliban ng mga ito. Maimpluwensya kasi itong tao.

Magkatabi sila ni Cyron habang nasa gilid nila si Chay.
Sa bandang likod naman ay magkakatabi sina Xander, Jameson at Melvin.

Lahat ay nakatulog lang buong biyahe.

Hindi nila namalayan ang takbo ng oras.

Magtatanghalian na nang makarating sila.

Kaagad silang ginising ni Mang Ben, ang kanilang driver.

Kaagad silang pumasok sa mansyon.

"Mabuti naman at ligtas kayong nakarating rito" bati ni Mang Jun, ang caretaker ng bahay.

"Mag Jun!" natutuwang bati ni Cyron at niyakap ito.

"Oh, amoy pawis ako" sabi naman nito na halatang tuwang tuwa ring makita ang anak ng amo.

"Boyfriend ko po, si Denver" pakilala nito sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata nito. Napangiti lang si Cyron at kumindat.

"Kamusta po?" bati nya.

"M-mabuti naman" halatang hindi ito makapaniwala.

"Mang Jun!" lumapit din si Chay.

Kaagad itong yumakap.

Kung nagulat ito nang ipakilala sya ni Cyron bilang boyfriend nito, mas nagulat naman ito sa pagyakap ni Chay.

Wala itong masabi dahil hindi ito ang Chay na kilala nya.

"Kamusta po kayo?" tanong pa ni Chay nang kumalas ito.

"A-ahh, mabuti naman" hindi pa rin ito makapaniwala.

Ngumiti lang si Cyron kay mang Jun para sabihing nagbago na si Chay.

"Sige na, pumasok na kayo para makapagpahinga, magpapahanda na rin ako ng tanghalian" sabi ni Mang Jun.

"Salamat po" sagot ni Chay.

Para namang nakaharap ng multo si Mang Jun.

Natatawa na lang sila.

Pumasok sila sa loob at iniayos ang mga gamit.

Kaagad syang hinila ni Cyron papunta sa kwarto nito.

Ibinaba nito ang mga gamit nila at saka sya itinulak sa kama.

"Babyboy" sabi nya rito.

Ngumiti lang ito nang nakakaloko.

Dahan dahan itong pumatong sa kanya.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon