Magkasabay na naman sila ni Cyron na lumabas ng kani-kanya nilang kwarto. Hindi nya ito tiningnan. Nauna sya sa paglalakad. Kung sya lang ang masusunod ayaw nyang makita ang pagmumukha nito dahil nababadtrip sya kahit yata sa anino pa lang ng binata.
Binilisan nya ang paglakad. Nang makarating sya sa parking lot, agad nyang pinaarangkada ang motor at umalis na. Hindi na nya napansin sina Jameson at Melvin na paalis pa rin lang.
Masama pa rin ang loob nya. Hanggang ngayon, paulit ulit pa rin sa isipan nya ang mga bagay na sinabi ng binata sa kanya kagabi.
"Akala mo kung sinong perfect!" inis nyang sabi. "Pasalamat sya at hindi ako tinopak kahapon! gusto ko syang sapakin!" gigil na gigil nyang kinakausap ang sarili. Mabilis rin ang pagpapatakbo nya sa motor nya.
Biglang may bumusina sa likuran nya. Nagulat sya dahil sa lakas niyon. Nag-over take ito at dun nya nakitang si Cyron pala iyon. Lalong nag-init ang dugo nya kaya naman, binilisan nya lalo ang takbo at inunahan naman ito. Nagulat ang binata sa ginawa nya.
Dahil walang masyadong dumadaan, sinabayan sya nito. Kitang kita nyang tinitingnan sya nito mula sa bintana ng kotse. Hindi sya nagpatinag at mas lalong binilisan ang takbo. Pero wala namang laban ang motor nya sa isang kotse kaya naman nauna pa rin ito.
Inis nyang hinubad ang helmet at ipinatong iyon sa motor nang makarating sya ng parking lot. Naghihintay naman doon ang nakatayong si Cyron. Nakatingin ito sa kanya na parang naiinis na hindi nya maipaliwanag.
Hindi nya ito pinansin at dumiretso sya sa paglalakad.
"Are you trying to commit suicide?" biglang tanong nito at napatigil sya sa paghakbang. Hinarap nya ito.
"Oo, bakit? gusto mong sumama?" nakaismid nyang sagot.
Naningkit naman ang mga mata nito sa isinagot nya. Lumapit ito sa kanya.
"Ganyan ka ba talaga? hindi mo kayang tanggapin ang mga mali mo?" tanong nito at titig na titig sa mga mata nya.
Napangiti naman sya para asarin lalo ito.
"Bakit? ano ba yung mali doon? sayo ba yung daan?" sagot nya rito.
Huminga lang ito nang malalim dahil sa ayaw nyang magpatalo.
"Alam mo, kesa sa patuloy mong pinupuna ang pagkakamali ng ibang tao, magfocus kana lang sa sarili mong buhay. At isa pa, tingin mo perfect ka? di ka nagkakamali?" tuloy tuloy nyang sabi. Sumama naman lalo ang tingin nito.
"Sana kasi hindi ka nakakaabala ng ibang tao at kung gusto mong magpakamatay, try not to involve any innocent people, ginulat moko kanina nung nag-overtake ka, at isa pa, know your limits, learn to give way, alam mo naman yatang hindi papalag yang scooter mo sa kotse ko!" mahina pero madiing sabi nito at bakas ang matinding inis sa mukha ng binata.
"Come on, ganun na ba ako kahalaga para pagtuunan mo ng atensyon? hindi mo naman kailangang pansinin ang mga pinaggagagawa ko eh. Alam mo mabuti pa, mula ngayon, wala na tayong pakialaman. Wag mo nang ipamukha sakin kung magkamali ako, kasi wala naman talaga akong pakialam, and one thing, kung inaakala mong cool ka, tsss, tigilian mo nga ako sa pa-English English mo, napakabaduy mo kaya. Yang bang kotse mo ang ipinagmamalaki mo? eh ano naman kung mas mabilis sa motor ko? Pagbutihin mo nalang ang pag-aaral mo okay ba? kasi ako? may grades kasi ako na kailangan kong i-maintain. Sige na baka malate pa ako sa klase ko" hinawakan pa nya ang balikat nito bago sya tumalikod at naglakad palayo. Naiwan si Cyron na walang imik. Inis itong pumunta rin sa room nito.
Hindi nya napansin na kanina pa sila pinapanood nina Jameson at Melvin. Tulala ang mga ito dahil sa mga sagutan nila.
"Insultuhin ba naman pati ang motor ko? tskk magkakakotse din ako nuh! akala nya ha, hindi nya kilala ang isang Denver Custudio." napangiti sya dahil pakiramdam nya, nakabawi sya sa binata.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomantikAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...