CHAPTER 12 (Bad Mood - Sweet Cyron)

167 4 0
                                    

Nagising sya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha nya. Dahan dahan nyang idinilat ang mata. Medyo masakit ang ulo nya marahil dahil sa epekto ng alak na nainom nya kagabi.

Nilingon nya si Xander, tulog pa ito at nakaharap sa direksyon nya. Ni hindi ito dumikit sa kanya habang natutulog sila. Pinagmasdan nya ang binata. Napakahimbing pa ng tulog nito. Ang gwapo gwapo nitong tingnan kapag malapitan. Magpinsan talaga sila ni Cyron, halos lahat ng features pareho ang dalawa, makapal ang kilay, matangos ang ilong at higit sa lahat, kissable ang mga labi.

Napangiti tuloy sya, si Xander ang katabi nya nya pero si Cyron ang ini-imagine nya ngayon.

Naalala nya ang paghalik ni Xander kagabi. Napaisip sya kung bakit hindi nya naramdaman ang pakiramdam na gusto nyang maulit sa halik na iyon. Hindi ito nagawang iparamdam sa kanya ni Xander. Dahil hindi naman talaga siguro ito ang lalaking hinahanap nya.

Biglang nagmulat ng mata si Xander. Nagulat sya dahil nakatitig sya rito. Ngumiti sa kanya.

"Good Morning" bati nito.

"Good morning" sabi naman nya.

Kinusot nito ang mata at naupo sa kama.

"Kamusta ang tulog mo?" tanong nito

"Ayos naman, ikaw? nakatulog kaba nang maayos?" 

"Oo naman, katabi kita eh" at tumawa ito.

"Sira ka talaga"

"Hindi ba masakit ulo mo?" tanong muli ng binata.

"Hindi naman gaano, nakatulog ako nang maayos eh" sagot nya.

Ngumiti naman ito.

Biglang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon, si Jameson pala.

"Gising na pala kayo, magkakape daw sabi ni Aling Myrna" sabi pa nito at agad ding umalis.

Agad naman silang tumayo at bumaba para magkape.

Parang walang nangyari kagabi, hindi man lang sila nagkailangan at masaya pa ring nagkwentuhan habang nagkakape. Nabawasan ang nararamdaman nyang sakit ng ulo marahil ay dahil sa hangover.

Pinakain na rin sila ng agahan bago sila umalis.

8:30 AM na nang makabalik sila sa apartment, si Xander naman ay umuwi na rin.

"Grabe yung halikan nyo kagabi ha" biglang sabi ni Jameson sa kanya habang umaakyat sila ng hagdan.

"Lasing lang talaga kami, kayo nga ang grabe eh" sabi nya. Natawa naman ang mga ito.

"hayyy, pero aminin mo na, nag-enjoy ka rin" pang-aasar pa nito.

"Tsss, tumigil ka nga, sige na dyan na kayo" sabi nya lang at dumiretso na sya sa kwarto nila. Ayaw nyang pag-usapan ang nangyari kagabi.

Bigla nyang naalalang magkasama nga pala si Cyron at Lander kahapon.

Paano kung magkasama pa rin pala sila ngayon? nagdalawang isip tuloy syang kumatok sa pinto.

Agad namang nagbukas iyon. Si Cyron agad ang bumungad sa kanya.

Para bang hinintay talaga nito ang pagbalik nya.

Agad syang sumilip sa loob at nakita nyang wala na doon si Lander. Nakatitig lang sa kanya ang binata.

Pumasok sya at umiretso sa kama nya.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi?"

Nagulat sya nang biglang magtanong si Cyron. Napatingin sya rito. Nakasando lang itong puti at naka-short pero ang lakas pa rin ng dating.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon