"Hello Xander" nakangiting bati nya sa binata ng tumawag ito.Nakatingin lang si Cyron sa kanya habang inaayos nito ang sariling higaan.
"Talaga? bakit di mo naman sinabi in advance?" tanong nya rito. "Okay, okay, sasabihan ko sina Jameson" ibinaba nya ang cellphone.
Nakita nyang nag-aasikaso na sa kusina si Cyron. Nagtimpla ito ng kape at saka nagsimulang magluto ng agahan.
6:30 palang kaya naman malamig pa rin. Lumapit sya sa binata dahil nakita nyang dalawa ang kapeng tinimpla nito.
8:00 pa naman ang pasok nila kaya hindi sila naghahabol ng oras.
"Ahmm, pupunta kaba?" tanong nya rito. Pero sa halip na sumagot ay tanging tingin lang ang ibinato nito sa kanya saka muling tinuon ang atensyon sa pagluluto.
"Birthday pala ni Xander ngayon baka lang-"
"I'll be busy today until night" putol nito sa sinasabi nya nang hindi manlang sya hinaharap. Para naman syang nabuhusan ng malamig na tubig. Parang nag-init ang magkabilang tainga nya sa narinig.
Kahapon naalala nyang napakasweet at palangiti ni Cyron, ipinagluto pa sya nito ng request nyang nilagang baboy. Subalit ngayon, para itong pinagsakluban ng langit at lupa dahil parang may galit na naman ito sa mundo.
"Anong problema mong mokong ka?" tanong nya sa isip habang pinagmamasdan ang ginagawa nito. Nagpiprito ito ng sunny side up egg, habang nakasalang na rin ang kanin sa rice cooker.
Hindi nya matanya ang ikinikilos ng binata. Parang ayaw sya nitong lingunin man lang at kahit maging ang kausapin sya kagaya nang pakikipag-usap nito kahapon ay hindi man lang nito magawa.
"Kumain na tayo" sabi nito at saka naglagay ng mga plato. Wala naman syang nasabi at naupo nalang.
Kakaibang pakiramdam na naman ang bumabalot sa kanya ngayon. Biglang nawala ang tuwang kahapon lamang ay namayani sa pagitan nila ng binata.
Hanggang matapos silang kumain ay wala na syang narinig na anuman sa binata.
Pumasok ito ng banyo pagkatapos habang inililigpit naman nya ang pinagkainan nila.
Hindi nya maiwasang magtaka at tanungin ang sarili habang naghuhugas sya ng pingan.
"Ano bang nangyayari sa kanya? may problema ba yung mokong nayun?" mga tanong na pabalik balik sa isip nya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
Ilang sandali pa ay lumabas din ito ng banyo, pagkakataon naman nya para magamit ang banyo. Inihanda nya ang ang kanyang uniform at pumasok na rin sya sa banyo para maligo.
Madali lang naman syang natapos at lumabas na rin ng banyo. Nakita nyang handa ang binata sa pagpasok.
Tumingin pa ito sa kanya habang inaayos ang buhok nito.
Naisip nya tuloy na baka may problema ang binata kaya biglang naging cold ang pakikitungo nito sa kanya.
Ilang saglit lang ay lumabas na ito ng kwarto. Naiwan syang nagtataka pa rin. Hindi nya talaga alam ang nangyayari sa binata.
Inayos nya ang sarili at agad na rin lumabas ng kwarto para pumasok. Napabuntong hininga pa sya nang i-lock nya ang pinto dahil naalala nya ang nawawala nyang susi.
Agad syang naglakad palabas ng apartment. Wala na ang kotse ni Cyron. Malamang na ayaw rin nitong makasabay syang pumasok.
Pinaandar nya ang motor at umalis na rin.
********
"Uy Der, bakit tulala ka ha? " biglang tanong ni Jameson sa kanya nang mapansing hindi sya kumikibo.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomanceAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...