CHAPTER 14 ( The Party - The Surprise )

176 7 0
                                    


Nasa labas palang sila ng gate ay naririnig na nya ang tugtugin mula sa bakuran ng mansyon. Alam nyang malaking party ang nag-aabang sa kanila sa loob. 21st birthday ni Xander ngayon, mas matanda pala sya ng buwan rito.

"Madami ka bang bisita?" tanong nya agad nang makababa sila ng sasakyan.

"Hindi naman masyado, mga kaklase ko lang, tas yung mga tropa, remember noong isinama kita sa party ng tropa ko, si Francis? andyan sila" nakangiting sagot naman nito.

"Okay tara na sa loob?" yaya nya naman sa binata.

"let's go" sabi naman nito.

Pagkapasok nila ay dumiretso sila sa garden, naroon kasi ang set up ng party. Hindi sya nagkamali ng hinala, napakaraming bisita nga ang naroon, maliban sa mga tropa ni Xander, wala na syang ibang kilala. Napakagara ng ayos ng lugar. Halatang malaki ang nagastos sa dekorasyon palang. Pumukaw rin ng atensyon nya ang mahabang table sa likod na punong puno ng iba't ibang pagkain, kasama na doon ang cake na talaga namang napakaganda ng design. Hindi talaga babastahin ang pamilya ng mga ito. Dahil debut ni Xander, bongang bonga ang celebration. Hindi naman sya bago sa ganitong mga event dahil engrande rin naman ang naging debut nya. Natutuwa lang sya na makasaksi ng ganoong pagdiriwang sa ibang tao.  Lahat ay nakabihis talaga. Maraming mga bumati kay Xander habang naglalakad sila. Napatigil sila nang makita ang mommy nito. halatang natuwa rin ito nang makita syang kasama ni Xander.

"Hijo! ang gwapo gwapo talaga ng apo ko" bati agad ng lola ni Xander nang makita sila. "Denver, buti naman at narito ka ulit, akala ko hindi ka makakapunta eh" sabi naman nito nang mapansin sya.

"Naku, hindi po Auntie, baka magtampo itong apo nyo" nakangiting sagot naman nya matapos ibeso ang matanda.

"teka, si Cyron, bat wala pa? hindi nyo ba kasama?" tanong pa nito.

"Ahhm, I sent him the invitation through text, pero hindi sya sumagot, I guess hindi sya makakarating mommy" sagot naman ni Xander.

Naalala nya tuloy noong niyaya nya ang binata at tumanggi ito.

"Tinawagan ko sya kanina, sabi ko wag syang mawawala. Hayyy, siguro masyadong busy ang pinsan mo" giit pa ng lola ng binata.

"Okay lang naman mommy, mag enjoy nalang tayo" sabi lang ni Xander. Tumingin pa ito sa kanya, nginitian nya nalang ito.

"Oh pano, kumain na muna kayo, para sabay sabay na kayo ng mga bisita mo, sigurado ako gutom na gutom na sila, nagluto ako ng masasarap ng putahe para maraming pagpipilian bukod sa gawa ng catering service" alok naman ng matanda.

Nagsimula na ang kainan. Maraming mga table para sa mga bisita, Kanya kanya nang business ang mga ito, sila naman ay naupo kasama ng mga tropa ni Xander. Natuwa pa ang mga ito nang makita syang muli.

Inilibot nya ang mata sa paligid. Lahat ay nag-eenjoy, tuwang tuwa ang mga ito sa dami ng masasarap na pagkain. Gaya nalang nya noong unang matikman ang mga luto ng lola nila Xander, alam nyang ganoong din ang nararamdaman ng mga bisita ng binata ngayon.

Maya maya ay nagsalita ang host, kinuha ang atensyon ng lahat para sa pag blow ng candle ni Xander. Agad namang tumayo ang binata at lumapit sa gitna para magwish at hipan ang kandila.

Tumingin pa ito sa kanya at bakas sa mukha nito ang sobrang saya. Tuwang tuwa rin ang lola nito.

Agad namang hiniwa ang cake at saka nagsilapitan ang mga bisita para tikman iyon.

Bumalik si Xander sa table nila bitbit ang isang slice ng cake.

"Happy Birthday" bati nyang muli.

"Salamat, Tikman mo to" alok naman ng binata sabay lapit ng tinidor sa bibig nya, nagulat sya dahil kahit maraming tao'y sinusubuan sya ngayon nito. Nahiya naman syang tumanggi kaya hindi na sya nagdalawang isip na tanggapin iyon.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon