Chap FIVE
Hindi lang 'yung napakagandang ngiti nu'ng lalaki or should I say ni 'Genesis' ang bumungad sa mga paningin ko kun'di ang matatalim din at nanlilisik pang mga tingin sa'kin ng pinsan ko.
I didn't drool, did I?
I came back to my senses at tinuon ang pansin kay Zeph, umubo-ubo pa ako kunwari para magpatay malisya.
"Hmmmm," nang-iintrigang tono na sabi n'ya at nakapwesto pa ang hintuturo sa pisngi n'ya.
"Kain ka na, Zeph." Sumubo na ako at nasasarapan pa ako kunwari sa pagkain ko, well, masarap naman talaga.
"Ang saraaaa---"
"S'ya ba 'yung lalaking tinutukoy mo kahapon?" She cut me off at natigilan naman ako sa pagnguya.
"Yes." Inilagay ko ang kutsara sa pinggan at kumuha ng tissue para pahiran ang bibig ko.
Hindi ko maipinta ang itsura n'ya because I'm not an artist, duh. Charotness lang, para kasing kilala n'ya in personal si Genesis.
"Do you know him personally?" Hindi ko na pinigilang magsalita ang bibig ko.
Ilang segundo din bago s'ya sumagot at laking gulat ko nang...
"WAAAA---"
Bigla s'yang TUMILI!
Dahil doon ay napatingin sa'min lahat ng tao malapit sa kinaroroonan namin kaya tinakpan ko ang bibig n'ya.
Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata at kinunotan pa ng noo habang tumingin-tingin sa paligid. Bahagyang napapikit pa ako sa kahihiyan.
Inalis ko na ang pagkakatakip ng bibig n'ya at sinamaan s'ya ng tingin.
"Sorry Couz', I just got carried away." Hinahabol n'ya ang hininga n'ya.
"Why would you? Nakakahiya 'yun, Zeph." Mahinang bulong ko sakan'ya at mas kumunot pa lalo ang noo.
"Sorry. Patawad, hindi ko kasi akalaing ang bonggacious pala ng taste mo."
"Psh." Napapikit ako sa hiya at sinubukan nalang kumain para madivert ang attention ko.
Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ni Zeph pero I'm certain that gumagalaw s'ya, oorder pa siguro s'ya, argh bahala na nga s'ya.
Pero biglang nakarinig ako ng tunog kung saan gumalaw 'yung inuupuan n'ya at tumayo pala s'ya.
"Mag si-CR muna ako, Ez." Paalam n'ya at tinanguan ko naman s'ya.
Susubo na sana ako ulit nang hindi ko talaga akalain ang sumunod na nangyari! Napatingala ako sa taong nakaupo ngayon sa harapan ko (sa inuupuan ni Zeph) at laking gulat ko dahil si Genesis 'yun!
Suot-suot n'ya pa rin ang napakagwapong ngiti n'ya, wait, pang-ilan ko na bang puri sakan'ya?
Nanatiling nakadilat ang mga mata ko at hindi ko man lang ito makisap-kisap.
"Hi... Ezralynne, right?"
Oh my gosh his voice is so husky.
"Y-yes. So, you are Genesis?" Napaturo ako sa namepin na nakasabit sa suot n'yang uniform.
"Gene nalang, Genesis is too long." Nakangiti pa rin ang gwapong nilalang. Napatitig naman ako sa kabuoan n'ya at hindi ko maiwasang mapamangha sa lahat ng struktura ng mukha n'ya. Ang ganda ng mga mata n'ya, sakto lang din ang tangos ng ilong, gusto ko ang kulay ng balat n'ya, and his lips.... oh, Papa G ilayo n'yo po ako sa tuksoooo, inhale, exhale, Ez.
"I love it."
YOU JUST SAID WHAT EZRA?!
"I-I mean it's a nice name." Dinugtungan ko 'yun agad at ngumisi pa ako nang naiilang. Hindi ako nag-iwas tingin dahil baka mahalata pa.
Stop being marupok, Ezralynne!
"Thank you for that."
His smile! Mygosh, para akong sinusundo ng mga anghel ngayon, com'on!
"So, you are a waiter." Napatango-tango ako.
"Hindi naman talaga waiter. I do a lot of stuffs, racket-racket lang para makatustos sa pag-aaral."
"That's...great." Nginitian ko s'ya.
"Ikaw? Ano'ng propesyon mo sa buhay?"
"Uhmmm, Bachelor of Arts in Psychology." Nginitian ko s'ya at ramdam kong lumitaw ang dimple ko.
"Ang taas mo pala." Napatawa s'ya ng mahina at napakamot pa sa ulo.
"Hindi ah, mag-aaral pa naman ako."
"Pero kahit na, malinaw talaga kasing pursigido kang matupad ang mga pangarap mo."
Napasmile ako.
"Ikaw? I...mean ano ba'ng pangarap mo?" Gosh, hope he didn't take it the wrong way.
"Gusto kong maging isang matagumpay na businessman."
Napatango-tango ako at napatingin sa pagkain ko.
"Wait, have you eaten? Baka gusto mong kumain? It's on me, pambawi man lang sa ginawa mo the other day."
"Ah, hindi na. Gusto lang naman kitang maging kaibigan."
Napaawang ako sa bibig ko at napalunok.
"Bakit naman gusto mo'kong maging kaibigan?"
"Kasi....alam kong may something sa'yo."
Something? Hindi naman siguro something sa ulo ang tinutukoy n'ya 'noh?
"Ah, hehe."
"Napasarap ata ang kwentuhan natin. I need to go back to work already. It was nice meeting you again, Ezralynne. Sana may next time pa." Ayan na naman ang nakakasilaw n'yang ngiti sa'kin.
"Nice meeting you too, Genesis. Magkikita pa tayo in God's plan." Ngumiti din ako pabalik sakan'ya at dahan-dahan na s'yang tumayo. I followed him with my vision at nagtrabaho na s'ya ulit, he glanced at me one more time at nag-iwas na ako ng tingin. Hoo, muntik na 'yun ah.
But his name is just so adorable, 'Genesis', the beginning, could this be the beginning of something good? Or sad? Papa G, could this be a sign? S'ya na kaya ang itinadhana mo for me?
...
"Oh, so, how is he, Ez? Mabait ba s'ya just like what you fantasized?" Nakakunot ang noo ni Zeph habang naghihintay sa isasagot ko.
"He's kind." Napatango-tango ako at napakagat sa ibaba kong labi habang nakatutok sa TV.
"Argh, bibitinin mo ba talaga ako? Hey, nag-effort ako na maglakad sa CR para lang pag-usapin kayo, duh."
Bahagya akong napabaling ng tingin sakan'ya.
"You set it all up?" Nakakunot-noo kong tinignan s'ya.
"Well, yep. I will receive your utmost gratitude." Nag-bow pa talaga s'ya.
I sighed in unbelief. "Muntik na akong mawalan ng malay kanina, Zeph. I was so unprepared and...and, argh!" Napatakip ako sa buong mukha ko.
"I know you did well, Couz'. You know very well to take control of your emotions."
Nang marinig kong sabihin n'ya 'yun ay tinanggal ko ang pagkakatakip sa mukha ko at napaisip.
Didn't I act like a weirdo earlier?
"Anyway, kung ayaw mong sabihin sa'kin, I'll respect it. But let me remind you that the more you keep it, the more it will be hard." She gave me a half smile. "Wait, kailan ka nga babalik sa Jillaetan?"
"The day after tomorrow." Ngumiwi ako.
Yes, uuwi na'ko and somehow I'm sad kasi maiiwan mag-isa ang babaeng 'to dito.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a Criminal
Teen FictionEzralynne Beleazar, a lawyer to be is also to be in love with a criminal. Which one? There are lots of them. Started: 24 July 2019 Ended: 7 November 2019