Chap TWENTY-SEVEN
Lumipas ang halos isang linggo bago ako tuluyang pinalabas ng hospital. Sa mga araw ding 'yun ay hindi ko na nakita pa si Dionne.
Kakadating lang namin sa bahay sakay ang kotse ni Uncle.
Actually kasama namin si Zeph ngayon, umuwi talaga s'ya by the time na nalaman n'ya ang nangyari.Pero iba ang nalalaman nila, it was the half truth. Hindi nila alam ang buong storya, hindi din nila alam ang koneksyon ni Dionne sa mga nangyari sa'kin. Ang alam lang nila ay na dinukot ako for ransom ng mga taong 'yun at iniligtas ng mga POLICE. Hindi naman na ako tinanong ng mga pulis at hindi na din 'yun inopen up sa'kin nina Auntie kahit na alam kong marami silang tanong. Pero alam kong mas ikabubuti nilang 'wag nang malaman ang totoong mga nangyari. Ang ipinagtataka ko ngayon ay kung nasa'n si Dionne? What happened to him?
"Yang, 'wag kang lumayo kay Rarang," sabi ni Auntie nang isara n'ya ang pinto.
"At baka kukunan na din namin kayo ng guards para---,"
"Naku po, Uncle." Suway ko naman at napatawa pa ng konti.
"Aba'y dapat natin siguraduhing ligtas kayo, pa'no kung balikan ka no'n, Rang?" Liningon n'ya ako at hindi naman ako nakaimik. Si Auntie na ang nagsalita,
"Dasal, Heart."
Napatingin kaming tatlo kay Auntie at bahagya akong napangiti.
"Hindi n'yo naman maaalis sa'king mag-alala, s'yempre, importante kayo. Your safety matters."
Napabusangot naman ako sa kasweetan ni Uncle. "Awwwee,"
"Okay lang talaga ako, Uncle. Alam ko din namang pareho tayong naniniwalang everything happens for a reason at na every pain has a purpose, 'diba po?" Nakangiti kong ani habang isa-isa silang tinignan.
Pinisil naman ni Uncle ang pisngi ko nang malakas at pinanliitan ko s'ya ng mga mata dahil do'n.
"Pumasok na nga tayo," ani Auntie nang nakangiti at inakbayan si Zeph at naglakad na. Susunod na din sana si Uncle pero tinawag ko s'ya nang mahina kung saan kami lang ang makakarinig. Liningon n'ya naman ako.
At lumunok muna ako bago tuluyang magsalita tungkol sa tanong na matagal nang nananatili sa isip ko.
"Uhm, Uncle. Kasi...uhm, s-si ano," napakamot ako ng ulo at tinuro 'yung banda ng bahay ni Dionne. Awkward akong ngumiti sakan'ya.
"Ay, s'ya nga pala. Hindi ko pa nga pala nasabi sa'yo ano? He moved out already---,"
I immediately cut him off.
"HO?!" Napakunot ako ng noo at tsaka lang narealize ang nasabi.
Napakisap ako ng mata nang sunod-sunod. "A-ang ibig kong sabihin, bakit...ang bilis lang?" I didn't look away para hindi magmukhang sinungaling when I actually am.
Napatawa nang konti si Uncle, "Actually, hindi ko din alam. Sayang, nagkakasundo pa naman kami nu'ng batang 'yun lalo na pagdating sa mga sabong."
Hindi na ako nakasagot at bigla lang natulala.
"Pero, babalik daw s'ya mamaya para kunin ang iba n'ya pang mga gamit." Nang sabihin 'yun ni Uncle ay napabaling ako sakan'ya.
"Uncle, may duplicate key pa naman si Auntie sa bahay na 'yun 'diba?" I looked at him sincerely at naghihintay ng sagot.
...
"Oh, ayan." Inilahad sa'kin ni Auntie ang susi sa bahay ni Dionne at nakangiti ko na man 'tong tinanggap.
"Thank you, Tie."
Inutusan ni Auntie si Zeph na bumili ng iilang mga groceries para sa lulutuin n'yang paborito ko kaya wala s'ya dito ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a Criminal
Novela JuvenilEzralynne Beleazar, a lawyer to be is also to be in love with a criminal. Which one? There are lots of them. Started: 24 July 2019 Ended: 7 November 2019