Chapter Sixteen

12 2 0
                                    

Chap SIXTEEN

Dahil sa pagkatulala ay hindi ko namalayang natulak ko pala ang pinto na naging dahilan ng pagtingin sa'kin nu'ng dalawang nakatayo pala at mukhang muntik nang magsuntukan kung hindi pa ako nakialam.

Nanalaki ang mga mata ko, baka isipin nilang napakachismosa koooo.
Napalunok na lamang ako.

"Kanina ka pa ba, Ezra?" Tanong sa'kin ni Genesis.

"Hinde," sinagot ko naman s'ya nang mata sa mata. Magaling akong magpanggap, kaya naging law student ako eh, kasi alam ko kung paano itago ang sakit sa kabila ng mga ngiti ko.

Nabaling ko ang tingin ko kay Dionne na blangko na naman ang ekspresyon at nakatingin sa hangin.

"Ah, paalis na pala ako, Ezra. Nag-usap lang kami ni Dionne saglit."

"Tungkol saan?" Agad ko s'yang tinignan.

I can see that he can't find any words to say. Eto na naman ako, nang-iinterogate nalang bigla.

"Sorry, hayaan mo na'kong ihatid ka sa labas, Genesis."

Tumango s'ya nang dahan-dahan at nagsimula nang maglakad palabas, nang madaanan n'ya ako ay pumasiklap ako kay Dionne saglit na ngayon ay nakatingin na sa'kin.

Umiwas ako at sinundan na si Genesis palabas.

"Thank you pala ulit, Genesis." Nakapamulsa ako at nakangiti sakan'ya habang nakaupo na sa driver's seat.

Sinuklian naman n'ya ako ng isang napakagwapong ngiting pangcommercial ng toothpaste. "Thank you, Ezra," ang sarap pakinggan ng boses n'ya.

"Hoping to see you again, Ezralynne Beleazar." Inistart n'ya na ang kotse at hindi naman natanggal sa mukha ko ang ngiti.

S'ya nga pala, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang buong pangalan n'ya, ang daya naman, psh.

Pero kung hindi s'ya dumating, ano na siguro'ng nangyari kay Uncle. He's an angel in disguise, indeed.

Nang umandar na ang kotse n'ya ay nagwave ako at kumaway din naman s'ya habang nakatingin sa'kin sa side mirror.

Tuluyan na s'yang nakaalis at bumalik na ulit ako sa bahay. Nando'n pa kaya si Dionne?

Binilisan ko ang paglalakad and as expected, wala nang tao sa bahay.

Linigpit ko nalang ang kinainan nina Dionne kanina at manghuhugas na sana nang marealize kong nawala ang balde sa lababo. Napakunot ako ng noo, kinuha kaya ni Nanay Del?

Maglalakad na sana ako palabas pero napaawang ako ng bibig dahil sa nakikita ko sa bintanang paparating...

Si Dionne na buhat-buhat ang baldeng may laman ng tubig!

I rubbed my eyes to test if my vision is right and if I am only hallucinating.
At totoo nga ang nakikita ko.

Bumukas 'yung pinto at alam ko nang papasok s'ya kaya kumurap ako at linapitan s'ya.

"What are you doing, Dionne?" Taka ko talagang tanong.

Pumasok nga s'ya at inilagay muna 'yung balde sa lalagyan nito. Huminga s'ya nang malalim at tumingin sa'kin, hindi ko s'ya tinitigan nang matagal kasi nga natuto na'ko kanina, may mahikang dala ang mga mata n'ya at ayoko nang matamaan no'n.

"Hindi ka pa nakakakain 'diba?"

Napalunok ako at hindi alam kung ano'ng sasabihin o kung magsasalita ba ako.

"Kumain ka na."

So far, ito ang pinakamay-emosyon n'yang sinabi.

"Pero hindi mo kailangang---,"

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon