Chapter Nine

13 2 0
                                    

Chap NINE

'I'll take that as a yes.'

Napaawang lang ako ng bibig sa sinabi ni Yvonne as soon as she ended the call.

Tinignan ko pa muna ang screen ng phone ko at affected pa rin sa sinabi n'ya.

"Papa G, what do I do?" Napakunot ako ng noo at tinama ko ang ulo ko sa mesa nang mahina.

Pero bigla na namang tumunog ang phone ko, text 'yun, inayos ko ang pagkakaupo at binasa 'yun. Galing pala 'yun kay Auntie.

'Rang, kunin mo 'yung duplicate key para sa bahay ni Dionne. Nawala n'ya daw kasi. Nasa kwarto namin 'yun at nakalagay sa unang drawer.'

Dionne? 'Yun ba ang pangalan nu'ng bagong lipat?

In fairness, maganda pakinggan ah.

But

Ano ba'ng susuotin ko para mamayaaaaa?

...

Inaabangan ko 'yung Dionne na 'yun dito sa bintana ko, hindi pa rin kasi s'ya bumabalik sa kanila. Oo, kitang-kita ko talaga ang pintuan n'ya mula dito.

Tinext na ni Yvonne kanina ang address ng bar kung saan gaganapin ang party n'ya mamayang gabi, sinabihan ko na rin si Auntie na may lakad ako.

Alas singko na ng hapon at wala pa ring Dionne na umuuwi. Bakit ba ngayon pa talaga s'ya nawalan ng susi? At saan ba s'ya nagpunta?

Bahala nga, magbibihis na'ko.

Tumayo ako at hinalughog ang closet, ano ba'ng susuotin ko?
Ayoko namang tawagan si Zeph dahil alam kong masyadong revealing ang isusuggest n'yang suotin ko.

I wore a simple bear-designed white t-shirt and a denim skirt which is only until the knee at sexy na talaga 'to para sa'kin. I also put on light make-up para bumagay naman sa'kin.

Tumingin ako sa salamin at napatitig na doon. I look so beautiful pero ano kaya'ng gagawin ko kapag nakaharap ko na si  Isaiah?

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapatatag ang loob ko. "Kalma ka lang dapat, Ez." Pinalo ko pa ang dibdib ko nang mahina at ngumiti nang pilit sa salamin.

...

Sumakay ako ng pedicab and it took me 20 minutes bago tuluyang nakarating sa bar na sinabi ni Yvonne.

Inilibot ko ang paningin ko at may parking lot dito at marami-rami din ang sasakyan. Wala masyadong tao dito sa labas kasi siguro nasa loob na sila. Alam ko naman na ang bar na'to noon pa pero ngayon lang talaga ako makakapasok dito, dahil yata kay Isaiah lahat ng rules na binreak ko.

Pero hindi naman talaga ako magpapakalasing dito, I'll just maybe stay for an hour?

Pumasok na ako at maganda nga naman ang lighting sa buong lugar. Narinig ko din ang tugtog ng speakers kung saan halos wala na akong marinig sa lakas ng ingay, lumakas din ang tibok ng puso ko dahil rito.
Iginala ko sa paligid ang mga paningin ko at nakita ko si Yvonne na kumakaway sa'kin sa isang banda.

Nakahinga din ako nang maluwag dahil nahanap ko na s'ya.

Nagsimula na akong maglakad patungo doon at tinignan ko pa kung sino ang mga kasama n'ya.

Pero natigilan ako at mas lumakas pa lalo ang tibok ng puso ko dahil nakita ko s'ya, nagsimula nang magmalfunction ang sistema ko at dahil sa kaba ay ramdam ko na nanginginig ako.

Nakatingin lang ako sakan'ya at nu'ng mapagtanto ko na titingin na rin sana s'ya sa'kin ay agad kong inilipat kay Yvonne ang tingin ko.

I actually lived my life avoiding Isaiah nu'ng highschool pa kami. I was scared kasi na mabreak 'yung rules na sinabi sa'kin ng parents ko before they died and I was also scared to break my heart. I knew I could've made Isaiah feel the same for me but I chose not to, I was uncertain with my feelings for him, I was scared that I might not be strong enough to catch him when he falls at na baka hindi naman ako ang talagang magpapasaya sakan'ya, I had that mindset.

Pero iba na ngayon, I should stop that, I should prevent even this nervousness kapag nand'yan s'ya.

I took a deep breath at nakangiti akong tumingin sakanila.

"Happy Birthday, Yvonne." Linakasan ko ang boses ko para marinig n'ya. Ngumiti ako sakan'ya at nagpout pagkatapos kasi wala akong gift na dala.

She looks gorgeous on her silver spaghetti fit dress and makeup.

"Glad you came!" Sumigaw s'ya para din marinig ko. Tinapik n'ya pa ang isang banda ng sofa para upuan ko PERO SA TABI 'YUN NI ISAIAH!

Omygosh, what am I gonna do?

Hindi ko naman first time na uupo sa tabi n'ya but aaaccckkkk, matagal naman na 'yun.

So, not having a choice, umupo ako doon at ngumiti pa kunwari nang walang malisya kay Isaiah. Gas! At ngumiti s'ya pabalik, ngiti, napakagwapong ngiti, yes.

Nakatingin ako sakan'ya nang biglang nag-iba ang music.

*now playing Lips Of An Angel*

Napatingin ako sa maliit na stage at tumutugtog pala ang isang banda. Isang babae ang bokalista at may iba namang mga lalaking naggigitara pero nakafocus kasi sa bokalista ang spotlight kaya hindi masyadong klaro ang mukha nu'ng iba.

Mabuti nama't hindi na  masyadong maingay.

"So, everyone, sa hindi pa nakakakilala, she is Ezralynne Beleazar." Nagsalita si Yvonne at pinakilala ako sa iba pang kasama namin. Mga sampu lang ata kami dito, ang pito ay ibang mga friends ni Yve.

"Ezra, this is Luigi, Marx, Ria, Halsey...," pinakilala sila sa'kin isa-isa ni Yvonne at nginitian ko naman sila.

"Isaiah's fiancé wasn't able to make it here but her name is Gabriella," dagdag pa n'ya.

Napatango ako, ahhh, yeah, Isaiah's fiancé.

"Single?" Napabaling ako do'n sa lalaking nagtanong na hindi ko na matandaan ang pangalan.

"Oh, don't mention it." Tumawa naman si Yvonne at sumingit. "She's in the eighty's."

"And... what do you mean by that?" Napakunot-noo naman 'yung lalaking nagtanong sa'kin nu'n.

"She doesn't like you," nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Isaiah na s'yang nagsalita.

"Err, she's not available, Marx." Umirap si Yvonne.

Tumalon-talon pa bahagya ang puso ko at lumabas na ito umano sa katawan ko, charot.

Nakisabay naman sa nararamdaman ko 'yung lyrics ng kanta ng banda.

'...well, my girl's in the next room
Sometimes I wish she was you
I guess we never really moved on...'

Nakamove-on naman na kasi ako eh.

Pero napatingin naman ako nang biglaan do'n sa bandang nasa stage kasi nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.

'..it's really good to hear your voice saying my name
It sounds so sweet
Coming from the lips of an angel
Hearing those words it makes me weak
And I never wanna say goodbye
But girl you make it hard to be faithful
With the lips of an angel..'

And guess what? I saw an angel singing that part. Akala ko, hindi ko na s'ya makikita, nandito pala s'ya. Tadhana na ba'to? Papa G? S'ya na ba?

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon