Chapter Eighteen

13 2 0
                                    

Chap EIGHTEEN

"Dionne, sige naaaaa. Gusto ka kasing makilala ni Lexi, tsaka, andu'n din naman ako eh."

Kinukulit ko ngayon itong kapitbahay kong sumama sa'kin sa treehouse malapit lang dito sa'min, kasi nga tutulungan ko 'yung kaibigan kong baliw sakan'ya at first sight.

Nandito kami ngayon sa mumunting manukan ni Uncle na nasa harap lang naman ng bahay. Hinahaplos-haplos ni Dionne ang ulo nu'ng tandang ni Uncle. Nakasleeveless shirt s'ya ngayon na malaki ang opening.

"Do me this one and only favor, will you?" I really tried all my charms para lang mapapayag 'tong 'sang 'to.

"Bakit ba kailangan pa'kong pumunta do'n?" He said with a low-toned voice habang pinapatuloy ang paghahaplos sa ulo ng manok.

"Kasi gusto ka ngang makilala ni Lexi." Naglalakad-lakad ako at sinisilip ang mukha n'yang umiiwas naman, nagpatuloy ako sa pag-istorbo sakan'ya hanggang sa tumigil na s'ya sa pagda-divert ng attention n'ya at tumingin na din sa'kin. Napangiwi naman ako at napakagat-labi.

"I don't think there's a need for that."

He took a look at me and his tantalizing beautiful eyes are there to do hypnotism again. Linabanan ko ang titig n'ya at tumikhim pa kunwari para iwasan ang pagkailang. I looked away at nag-ipon ng lakas ng loob para makumbinsi s'ya.

"Hindi na kita pipilitin, pero gusto ko lang sabihing gusto din sana kitang makilala. I want to know my neighbor better. Kasi sa t'wing nakikita kita, so many questions cycle in my head, kung ano ba'ng buong pangalan mo, kung ano'ng ginagawa mo dati, kung saan ka galing, kung... dapat ka bang pagkatiwalaan. I know I shouldn't judge you though dahil hindi pa naman kita lubusang kilala, kaya, itama mo ang mga maling iniisip ko sa'yo, Dionne." I said that with all courage at para bang ibinuhos lahat ng pagkalito ko. I took a sigh and swallowed air bago ako tumalikod sakan'ya. I expected him to say something but I always end up failing when I do.

Bahala na nga s'ya, tss.

...

Nakaupo ako ngayon dito sa isang upuan gilid ng kalsada habang pinagmamasdan ang napakagandang kulay ng mga ulap. May pagka-pinkish ang mga ito at may halo pang light yellow, soooo beautiful. It's a quarter before 6pm which is kung kailan ang pinag-usapang tagpuan sana with Dionne. Sinabihan ko na si Lexi tungkol do'n at nalungkot s'ya, hindi nalang daw s'ya pupunta. Tss. Kaya ang ending, ako nalang mag-isa ang pupunta do'n, actually ako ang nagyaya kay Lexi eh at papayag s'ya kapag nando'n si Dionne, haaay. Pero malapit lang naman 'yun dito eh, mga ilang lakad lang. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapunta do'n, pinasara kasi 'yun para cleaning at tsaka lang binuksan nitong mga nakaraang araw. Besides, gusto ko ring matanaw 'yung napakagandang view ng dagat doon lalo na kapag sunsets, naku, wala talagang makakatalo.

Nandito na'ko sa treehouse at mag-isang nakaupo sa isang maliit na hut. Napakaganda talaga dito, para bang nakasakay ka ng barkong hindi umaandar pero ang sarap sa feeling. Napakalinis na din nito at napakalinaw ng tubig-dagat, wala na kasi 'yung mga basura na nastuck-up sa mga mangrooves kagaya noon, it's more beautiful. Iilan lang ang mga tao dito, iilan lang din kasi ang nakakaalam ng lugar na'to pero may dumadayong mga foreigners ha. Mga 15 ka kubo din ang nandito, may tindahan pero hindi 'yun napapalood sa treehouse, du'n 'yun makikita kung saan ka magbabayad ng 20 pesos para makapasok.

Ang lamig ngunit masarap sa pakiramdam ang simoy ng hanging umaakap sa balat ko. Kinuha ko ang cellphone ko at kumuha ng mga litrato, #alone_but_not_lonely, HAHAHA. Kung ano-anong angle ako kumukuha ng pix at pagkatapos ay tinignan ko ang mga 'yun habang nakangiti. Pero aksidente kong natap 'yung picture ni Dionne! 'Yung time na kinunan ko s'ya kunwari ng ebidensya kung sakali mang may mangyayaring masama sa'kin. Napangisi ako sa kawalan, ano kaya'ng pumasok sa isip ko nu'n? Tsh.

Pero bigla akong may naramdamang may kung ano sa likuran ko kaya lumingon ako doon.

"AY, KABAYO!"

Muntik ko nang mahulog ang cellphone ko sa dagat dahil sa gulat! Nandito si Dionne! Napapikit ako at suminghal sa inis at tsaka ko lang ulit narealize na nandito nga pala si Dionne. Naku! For sure ay nakita n'ya 'yun! Waaaah! Baka isipin n'yang nagfafangirl ako sakan'ya?!

"Wala 'yung meaning." Agad kong ibinulsa ang cellphone ko at kita ko naman ang pagtakip n'ya nang konti sa bibig n'ya para tumawa saglit ng hangin.

Napakunot ako ng noo at nagsimula naman s'yang maglakad ng dahan-dahan para umupo sa harapan ko. Tinignan muna n'ya ang paligid bago sa'kin.

"B-bakit ka nandito? Akala ko ba hindi ka pupunta?"

"Nasa'n na ba 'yang kaibigan mo?" Sus, ayaw pa n'ya kunwaring makita si Lexi kanina ta's ngayon? Hinahanap? Wow.

"Tetexan ko pa," kukunin ko na sana ulit ang cellphone ko pero nagsalita s'ya bigla.

"'Wag na, titignan mo lang naman picture ko." Seryoso pa kunwari ang mukha n'ya habang nakatingin sa'kin pero halatang-halatang inaasar n'ya 'ko!

Napairap ako sa hangin at napapikit, nagpilit ako ng ngiti sakan'ya para ituring nalang 'yung joke. Teka, kailan pa s'ya natutong magjoke?

Tinuloy ko na ang pagkuha sa cellphone ko pero nagulat talaga ako nang maramdaman kong bigla n'ya nalang hinawakan ang braso ko para pigilan ako. Dahan-dahan akong napatingin doon at sakan'ya, seryoso s'yang nakatingin sa'kin at wala namang tigil ang paglunok ko habang hawak-hawak n'ya pa rin 'yun. Bumilis ata ang pag-bomba ng dugo ng puso ko.

"A-ano?" Napalunok ko pang sabi.

"'Wag mo na sabi s'yang papuntahin,"

Inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa parte ng braso ko.

"Dionne, it's not what you think, okay? Don't get me wrong, I don't want to explain it pero it really isn't what you think." Kinlaro ko 'yun sakan'ya at nagtype na ng message para isend kay Lexi, I'm sure pupunta agad 'yun dito. Pero bago ko pa man pindutin ang 'send' ay natigilan na naman ako dahil nagsalita si Dionne.

"Ikaw muna, gusto mo'kong makilala 'diba? Gusto din kitang makilala, so let's do it, let's get to know each other better, Ezra."

Napatingin ako sakan'ya nang banggitin n'ya for the first time ang pangalan ko sa mismong harapan ko talaga. Nakaramdam ako ng init kahit pa ang lakas ng simoy ng hangin dito and I find it unexplainable.

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon