Chapter Three

12 3 0
                                    

Chap THREE

"Sa'yo ba 'to, Miss?"

Napadilat ako nang makarinig ako ng boses galing sa ibaba. Pero natunganga ako nang marealize ko kung sino 'yun. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin dahil S'YA 'yung tinutukoy kong GWAPONG NILALANG kanina.

Nagdedaydream ba ako?

"Miss?"

I then came back to my senses and just slapped myself, that was shameful of you, Ezra! Don't drool over him.

Since nando'n na din lang s'ya, hindi naman siguro masama kung hihingi ako ng tulong sakan'ya 'diba? I think asking him for help would be better than walking barefoot, isn't it?

Okay, kainin mo ang buong pride mo, Ez.

Humugot ako ng kapal ng mukha sa kung saan pwede. It took me several minutes until I finally opened my mouth.

"I...am sorry, but...can I ask you a favor?" Napalunok ako ng isang dambuhalang rambutan.

Omygosh, ohmygosh, Papa G, tulooooong poooooo.

It may sound advantageous but I took the chance at pinagmasdan ko ang napakaamo n'yang mukha, mas gwapo pala s'ya sa malapitan, though hindi naman talaga kami gano'n kalapit. Wala naman sigurong patakaran na nagsasabing bawal tumitig sa mga taong inaasahan mong titingin din sa'yo.

"Ano'ng favor?" Nakangiti n'yang tanong. NAKANGITI, yes, NAKANGITI.

I'm not being delusional right now, am I?

I suddenly forgot how to breathe properly.

"T-that, can I have the slipper?" Goshes, 'wag ka namang magpahalatang naiinfatuate ka agad, Ez.

"Can I ask for a favor too?" Nagsalita na naman s'ya habang nakangiti, yes, NAKANGITI. Argh.

Inhale, exhale, inhale...

Kinunot ko ang noo ko para magtanong kung ano 'yun.

"Can I have your name in exchange?"

Bahagya akong natulala, parang tumigil ang buong sistema ko sa pag-andar at nagboomerang sa utak ko ang sinabi n'ya.

Gumising na naman ako kanina 'diba? O baka hindi pa naman talaga? Panaginip lang ba 'to? Hindi pa ba ako gising?

I pinched my cheek but I really am awake, WIDE AWAKE.

...

"Ez?" Dinig ko ang tawag sa'kin ni Zeph mula sa labas ng kwarto.

"Let's eat dinner na?" Binuksan n'ya 'yung pintuan at agad naman akong tumingin sa'kanya.

"What time...is it?" Balisa akong nagtanong at para bang wala sa sarili na tumingin sa kawalan.

Napatingin ako ulit sakan'ya at kumunot ang noo ko.

Isang oras na pala akong nandito sa kwarto n'ya at nakatulala?! What?

"Oy, anong reaction 'yan, Ezra?" Nagtaas s'ya ng kilay at huminga naman ako ng malalim. Nginitian ko s'ya, oo, pilit 'yun but I can make it look like a real one. I have done that almost everyday in my life and I am an expert already.

"Reaction ng gutom. Tara, let's have dinner."

Tumayo ako at inakbayan s'ya papunta sa sala. Kita ko ang pagtataka sa reaksyon n'ya so I squeeshed her cheeks--which is one of the things she hated most.

Klarong-klaro ko ang pagsaka ng dugo n'ya sa ulo n'ya at ang mga usok na parang lumabas mula sa tenga at ilong n'ya. I couldn't help but laugh at her, nagpout naman ang babae at akmang pipisil na din sa mga pisngi ko para gumanti. Agad akong nagmadali sa pagtakbo para iwasan s'ya hanggang sa nakarating na ako sa sofa at kinuha ko 'yung unan doon para ibato sakan'ya.

"Gano'n pala ah?" Rinig kong sabi n'ya kaya't tumakbo na talaga ako at bumalik nalang sa kwarto n'ya at inilock 'yung pinto.

Natatawa ako habang dinig ko ang pagsigaw n'ya at pagpukpok ng pintuan sa labas. Totoong tawa 'yun, yes.

Kapatid na ang turing ko kay Zephaniah, mga bata pa lang kami ay s'ya na ang kasama ko sa halos lahat ng bagay. Matapos mawala ng mga magulang ko ay kinuha ako nina Auntie at pinalaki nang maayos, mas naging malapit din kami ni Zeph sa isa't-isa kasi magkatabi kami kung matulog. May kapatid si Zeph at 'yun si Zachariah, Zach, for short. Nasa Manila s'ya at meron na ngayong sariling pamilya, malapit din kami ni Zach pero mas malapit kami ni Zeph.

Naawa ako kay Zeph kaya't binuksan ko ang pinto. Kita ko ang mukha n'yang hindi maipinta at mukhang inis na inis na talaga s'ya pero alam kong may mali eh.

Naglakad s'ya nang dahan-dahan palapit sa'kin at... KINILITI ANG LEEG KO! Argh! That's my weakest spot!

Wala na'kong nagawa kun'di tumawa nang tumawa! My involuntary muscles are betraying me!

"S...stop iiitt!..s-stop...AHAHAHAHAH!" I couldn't speak properly dahil panay ang pagtawa ko.

And thank God dahil maya-maya'y natapos na n'ya din akong i-torture.

Hinabol ko ang hininga ko at nakatawa nang wagas ang babae dahil nakaganti s'ya.

"HAHAHAHAHA!!!" Tawang-tawa pa rin s'ya at pinapalo-palo pa ang kama n'ya habang nakahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa hingal.

"O, ano na Ez?" Nagtaas s'ya ng kilay at nag evil smirk.

"Argh." Pinanliitan ko s'ya ng mga mata ko.

"Gutom ka na 'noh? Tara na. Don't challenge me, Couz'." Nagmayabang pa talaga s'ya at birong inirapan ko s'ya.

Naglakad naman ako palabas at kumuha ng tubig sa ref. Gosh, that was tiring!

Inayos naman ni Zeph ang mesa at nagprepare na sa mga utensils.

"Bakit pala dito ka na naghapunan? 'Diba kakadate n'yo lang ng jowa mo?" Tanong ko at pinahiran ang bibig ko dahil sa ininom na tubig.

"Wala na ba 'yung pera? Ubos na?" Tunawa ako.

"Luh. Excuse me Couz', for your info, si Xy lang naman ang kabunso-bunsong anak ng isa sa investors ng City Mall."

Nagbikit-balikat ako at umupo na.

"Ezra, sa'n ka ba pumunta kanina?"

Natigilan ako sa tinanong n'ya.

"Naglakad lakad lang. How did...you know?" Tinginan ko s'ya nang mata sa mata.

"Sinabi sa'kin ng isa sa mga staff na kaibigan ko."

Tumango-tango naman ako. Siguro isheshare ko sakan'ya ang nangyari kanina, hmm.

"Actually, I saw a guy earlier..."

By that time ay hinulog n'ya ang hawak n'yang kutsara't tinidor.

OA talagaaaa.

"Gwapo?" Pinanliitan n'ya ako ng mga mata at interesadong interesado s'ya. Duh, pa'no kaya sila nagtagal ng boyfriend n'ya?

I knew this would be her reaction.

"Uhm, oo." Napangiwi ako.

Napatakip s'ya sa bibig n'ya.

"Ano'ng pangalan?"

Napaisip ako sa tinanong n'ya. Hindi ko naman alam ang pangalan no'n eh pero unfair kasi alam n'ya 'yung sa'kin.

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon