Chapter Eight

9 2 0
                                    

Chap EIGHT

"Rang,"

Rinig ko ang tawag sa'kin ni Auntie kaya't pinunasan ko ang mga mata ko at napagising.

"Thank you po, Papa G sa panibagong araw." Pumikit muna ako sandali at nagdasal nang nakangiti.

"Bakit po, Tie?" Humikab ako at umupo ng kama para suotin ang tsinelas ko.

Tumayo ako at binuksan ang pinto, tumingin ako sa ibaba at nandoon nga si Auntie at may pinagkakaabalahan sila ni Nanay Del.

"Rang, bumaba ka muna dito." Tumingala sa'kin si Auntie at bumaba nga ako gaya ng iniutos n'ya.

"Good Morning Tie at Nanay Del, bakit n'yo po pala ako tinawag, Tie?" Nakababa na'ko nang tuluyan sa hagdan at lumapit sakanila. I smiled at Nanay Del and I kissed Auntie's cheeks.

"Eto, sabaw." Kita ko na linalagyan n'ya ng tinolang sabaw ang isang bowl habang nakangiti.

"Para saan 'yan, Tie?" Napakunot ng konti ang noo ko.

"Ihatid mo'to doon sa bagong lipat," inilagay n'ya na sa mga kamay ko 'yung bowl.

"Sige po." Ngumiwi ako, sadyang napakamaasikaso kasi talaga nitong si Auntie.

Maganda ding dumisiplina si Auntie, kahit nand'yan si Nanay Del ay hindi n'ya kami pinapayagang maging dependent. May sari-sarili pa rin kaming mga gawain.

Nakalabas na'ko at nagsimula nang maglakad papunta do'n sa bahay na pinarentahan ni Auntie.

Nasa tapat na ako ng pinto nito ngayon, nakaramdam ako ng kaba kasi what if multo din pala 'yung rumenta dito kaya hindi s'ya natakot? Argh, I'm paranoid.

Natawa ako sa naisip ko. I took a deep breath first before I knocked the door.

No'ng unang mga katok ko ay parang wala lang, walang bumukas ng pinto. Kumatok pa ako ulit at muntik pa ngang natapilok papunta sa loob dahil bigla itong bumukas, mabuti nala't hindi ako na outbalance, tsh.

Tumingala na ako nang bigla kong napagtanto kung ano ang nasa harapan ko ngayon. Gosh, gano'n ba talaga ang mga lalaki? Ano pa ba'ng gamit ng mga damit? Yes, nakatopless ang nasa harapan ko ngayon at sa hindi pa ako nagkasala ay tumingala na agad ako sa mukha ng lalaki. Napakunot ang noo ko nang kaunti kasi pamilyar 'tong lalaking 'to sa'kin! Napagalaw pa ako sa ulo ko at pilit na inalala kung sa'n ko s'ya nakita.

At bigla kong naalala 'yung nangyari kahapon...

"'Yung nakabike kahapon," napatango-tango ako sa kawalan at tsaka ko lang nalaman na para akong sinto-sinto dito ngayon. Napalunok ako at sinubukan ko nang buong lakas na tignan s'ya sa mata kahit hindi s'ya nakatingin sa'kin.

"I-ikaw ba 'yung bagong lipat?" Argh, bakit ba ako nanginginig?!

Bumaling na s'ya ng tingin sa'kin at parang may kuryenteng dulot 'yung mga tingin n'ya. Napakaganda kasi ng mga mata n'ya at nakakamangha.

Pero para akong binuhusan nitong sabaw na dala-dala ko sa insulto dahil sinarhan n'ya ako bigla ng pinto!

"Wow," I smirked sarcastically. "Mas mabuti pang ipakain ko 'to sa aso kesa nitong 'sang 'to, eh." Napapikit ako sa inis.

Ano'ng problema no'n? Inano ko ba s'ya? S'ya na nga 'yung muntik nang makabangga sa'kin kahapon.

Kakatok pa ba ako? Para akong tinapakan eh, tsk.

Bahala na nga s'ya. Ngumiwi at kumawala ako ng isang malalim na singhal at aalis na sana nang biglang tumunog 'yung pinto sa likuran ko.
Awtomatiko akong napatingin doon at nakita kong 'yung lalaking snob ay nakasuot na ng t-shirt. Nagbihis lang pala s'ya? Akala n'ya ba pinagpantasyahan ko 'yung katawan n'ya eh hindi nga ako tumitig do'n, pft.

Naglakad ako ulit palapit sakan'ya.

"My Auntie wanted to give this to you." Nilamon ko na ang lahat ng kaba ko, kayo ba naman makipag-usap sa isang stranger? Tapos lalaki na at muntik ka pang sagasaan no'ng nakaraan?

Papa G, may you erase this pissed feeling I have for this guy. Hindi ko pa naman s'ya lubusang kilala kaya hindi ko s'ya pwedeng husgahan.

For the last time ay tinipon ko lahat ng lakas ng loob ko para tignan s'ya pero tinignan n'ya lang ako, 'yung tingin bang kung hindi ako 'yung iiwas ay buong oras s'yang magiging ganoon kaya nginitian ko s'ya konti nang pilit at tumalikod na.

Hindi man lang ako nakarinig maski isang salita galing sa bibig n'ya. What if may disability pala s'ya, 'diba?

...

Dumaan ang mga araw at hindi ko pa rin s'ya nakikiimikan, ni hindi ko nga alam ang pangalan n'ya. Narinig ko pa naman sina Nanay Del at Auntie na pinupuri s'ya, mabait daw 'yun, pero bakit sa'kin parang hindi? Hindi ko alam, pero baka naman isa akong instrument ni Papa G para matulungan s'ya. Anyways, destiny will find a way.

Weekend na at si Nanay Del ay umuwi na naman. Si Auntie naman ay may lakad kasama si Uncle sa San Carla City, sa isang hotel doon na daw sila matutulog, naku, baka magkaroon pa ako ng pinsan. Hehe, nothing's impossible kaya, si Sara nga, nagkaanak pa sila ni Abraham kahit matanda na. Sina Prophet Zachariah at si Elizabeth nga din eh.

It's 3 in the afternoon at nandito ako sa kwarto ko, mag-isa lang ako sa bahay, well, physically. Nakapanlumbaba ako ngayon habang nakatingin na naman sa bintana pero nakuha nu'ng bagong lipat ang atensyon ko. Lumabas kasi s'ya sa bahay n'ya.

Nacucurious na naman ako sa personality n'ya, I feel something's incomplete within him somehow eh.

I pouted my lips nang biglang may tumunog, it's my phone at may tumatawag.

I grabbed it since nasa mesa lang naman 'yun nakalagay, I found out it was Yvonne Buenavista, she's a friend of mine at ilang buwan na din kaming not in touch.

I answered the call.

"Hi Yve! Napatawag ka yata?" Nakangiti kong ani.

'Hey, Ezraaaaa! What's up?' Rinig ko ang pagsigaw n'ya sa kabilang linya.

"Kumusta na pala?"

'Hmp. Don't you remember anything today?'

Napakunot ako ng noo at pilit na inisip ang ibig n'yang sabihin.

Napatakip ako sa bibig ko at napatawa.

"Oh! I'm sorry, Yve. Happy Birthday by the way."

'It's not accepted, Ezra.' Nagtatampo s'ya.

"Eh, sorry na. What could I possibly do for you?" Pilit ko s'yang kinukumbinsi, I'm truly feeling sorry kasi nakalimutan ko 'yun. Yvonne was a great friend, actually, she's the cousin of my hopelessest romantic. Well, if may word nga na gano'n pero wala eh, ugh bastaaaa.

'I know you are the most innocent type, Ez.' I knew I wouldn't be liking what she would say next.

"Huh?"

'I'm having a party.'

I knew it. Yvonne is the party girl type and I'm not saying na masama na s'yang kaibigan, it's just that, I'm not into those stuffs kahit na magkaibigan pa kami.

"Yve---,"

She cut me off and what she said was the thing I never knew would convince me.

'Isaiah will be coming with his fiancé, it'll be your chance for closure.'

I was silent for a bit. Hindi naman na ako gano'n ka baliw with Isaiah pero may epekto pa rin s'ya sa'kin eh, gano'n naman siguro talaga 'yun if the person once made you happy.

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon