Chapter Twelve

10 2 0
                                    

Chap TWELVE

"RANG!"

Napalugod ako sa mga mata ko nang marinig ko ang natatarantang tawag sa'kin ni Auntie.

Parang nagsigising lahat ng mga hormones ko dahil do'n, ano'ng nangyari?! Bumalik ba 'yung mga lalaki kagabi?

Agad akong gumising at dali-daling tumayo pero hindi pa pala ako nakakapray kaya pinilit kong kalmahin ang sarili ko at pumikit kahit nakatayo na. "Thank You for this new day, God." I said that as I smiled and then rushed to go outside.

Nang makalabas na ako ay naabutan ko si Auntie na papunta din sa'kin.

"AUNTIE? ANO PO'NG NANGYARI?" Napakunot ako ng noo at nagkakarera ang mga tibok ng puso ko sa bilis!

"'Wag kang mabibigla, Rang."

Hindi ko maipinta ang ekspresyon ng mukha ni Auntie ngayon at kinakabahan ako sa kung ano man ang lalabas sa bibig n'ya.

"Auntie, ano po 'yun? Papatayin n'yo po naman ako sa curiosidad eh." Napapikit at napasinghal ako.

"Eh kasi, Rang..."

"Auntie---," puputulin ko na sana ang sasabihin n'ya pero ako ang nabigla do'n.

"Si Dionne ay nasa labas at hinahanap ka!" Abot-tenga ang ngisi ni Auntie nang sabihin 'yun sa'kin. Napaawang naman ako sa bibig ko at hindi ko alam ang magiging reaksyon. Tumingin ako sa labas pero hindi ko s'ya klaro mula dito dahil na din sa kurtinang nakatakip sa mga bintana.

"Ako po?" Napaturo ako sa dibdib ko at tumango naman si Auntie. "P-pero bakit?" Napailing-iling ako.

"Magpapatulong daw s'ya sa'yo,"

"Ho? Anong tulong?" Napakunot ako ng konti sa aking noo.

"Maghahanap daw s'ya ng trabaho."

"Bakit naman po ako?"

"Aba'y hindi ko rin alam. Mabuti't maligo ka nalang at magbihis, ikaw na ang magtanong sakan'ya n'yan." Nagbow ng konti si Auntie at klaro ang double chin n'ya dahil do'n. Hinawakan n'ya ang magkabilang mga balikat ko at pinaikot para bumalik sa kwarto. Nagpadala lang naman ako sakan'ya at napabalik n'ya nga ako sa kwarto tsaka iniwan.

Napabugha ako ng singhal, bakit parang kakaiba? I mean, bakit s'ya magpapasama sa'kin? This is too impossible, I mean---argh. Parang kagabi lang napakacold n'yang tignan tapos--- what's up with you, Dionne?

...

Tapos na'kong magbihis at pababa na ako ngayon ng hagdan, shems, para naman akong nasa telenovela nito dahil nakaupo si Dionne sa isang sofa sa baba kasama si Uncle at---NAKATAWA?

Why are you so mysterious, Dionne? That even watching your laugh makes me feel like I just found a rare jewelry in a lost island?

Habang nagtatawanan ay kita kong napunta sa'kin ang paningin n'ya at laking taka ko dahil ang tawang 'yun ay napalitan ng---NGITI.

Argh, I'm being ignorant!

Kahit ilang ay nginitian ko nalang din s'ya at tuluyan nang nakababa. Nagmano ako kay Uncle at tsaka napatitig kay Dionne nang saglit.

"N-nasa'n nga po pala si Auntie, Uncle?"

"Umalis, pumunta sa kabilang bahay."

Awtomatiko akong nabigla. "You mean kina Alex po?" Alexis is my childhood pinakafriend, nasa Manila kasi s'ya ngayon nag-aaral at kung umuwi nga s'ya dito I shall visit her.

"Oo, pero lola n'ya lang ang nando'n."

"Ay," napangiwi ako. I then fixed my gaze at Dionne, hindi na s'ya nakangiti gaya kanina.

"Tayo na?" I asked him at hindi ako nakarinig ng kahit ano mula sa kanilang dalawa. Papalit-palit ko silang tiningnan nang nakakunot-noo.

"Ang bilis naman ata, Rang?"

Mas napakunot ako sa sinabi ni Uncle. Like---WHAT? SRSLY?

"UNCLE!" Nakasimangot ko s'yang sinuway at tumawa naman ang napakagwapo kong Uncle na parang matatanggal na ang pustiso. Tumingin ako kay Dionne at kita kong nakatakip s'ya sa bibig n'ya at mahinhing natatawa.

Argh, what's with them?

Ano ba talaga'ng trip mo, Dionne?

Bumugha ako ng isang malalim na singhal at nakatingin pa rin kay Dionne. Napansin ko na naman ang mga kilay n'yang ang kakapal at naalala ko 'yung pagligtas n'ya sa'kin kagabi, argh, I should thank him than think of him as a bad person.

Nang mapansin kong nakipagtitigan na s'ya sa'kin ay kumurap ako, woah, ngayon pa lang ba talaga ako kumurap sa kakatitig sakan'ya? Bakit ba kasi ang ganda ng struktura ng mukha n'ya?

"A-aalis ba tayo?" I looked away at kita ko sa peripheral vision ko na tumayo na s'ya at inilagay pa ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

"Tayo na,"

Dali akong napatingin ako sakan'ya nang nakakunot-noo at napaawang ako ng bibig dahil nakangisi s'ya, argh. Ang dugo ko ay sumaka sa utak, chaross. Napapikit nalang ako at rinig kong nagsmirk pa si Dionne.

"Alis na po kami, Tito." Ngumiti s'ya nang konti at nagbow din ng konti ta's tumalikod.

So, magalang ka pala, Dionne?

Bumeso naman muna ako kay Uncle bago sumunod kay Dionne palabas.

At nang nasa labas na kami, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong paligid. And so I broke the ice,

"Dionne, bakit ang tahimik mo kapag tayo lang dalawa?" Pinanliitan ko s'ya ng mga mata habang hinahabol ang tingin n'ya at hindi man lang n'ya 'yun tinuon sa'kin. So babait lang s'ya kapag nand'yan sina Auntie?

"Babait ka lang ba kapag nanonood sina Auntie?" Hindi ko na mapigilan ang mapanghusga kong tono at napatigil naman s'ya sa paglalakad.

"Nando'n ba sila kagabi?" He looked at me and that made me swallow fluid. I wasn't able to look at him directly and so, he continued his way. I chased after him.

"Eh bakit ba---," hindi ko natapos ang pagsasalita dahil bigla lang s'yang tumigil sa paglalakad at nabangga ang noo ko sa likuran n'ya.
Liningon n'ya ako ulit at napakamainsulto ng tingin n'ya, 'yung para bang napakasagabal ko dito ngayon.

"Dionne, ayaw mo naman sigurong kasama ako, 'diba? Bakit ako pa ang pinasama mo? Eh hindi mo nga ako iniimik." Hininaan ko ang boses ko sa pinakahuling mga salita. Err, ang gulo n'yaaaaa!

Napalunok ako at tumingin sa kawalan kita ko sa peripheral vision na nasa harap naman ang tingin ni Dionne pero hindi pa rin s'ya nagsisimulang maglakad.

Napangiwi ako habang nag-iintay sa isasagot n'ya, sasagot pa ba kaya s'ya?

Sinilip ko ang ekspresyon ng mukha n'ya pero blanko lang 'yun. Haaay.

"Pinasama pa ako, eh ayaw naman sa'kin," bumulong ako sa hangin, alam kong pwede n'ya 'yung marinig pero sana hindi nalang.

"Sino'ng nagsabi na ayaw ko sa'yo?"

Natigilan ako at hindi ako makasagot sa sinabi n'ya. Kung ayaw n'ya sa'kin......, GUSTO N'YA AKO?

Argh, duh, Ezra stop it. You're over reacting, mas OA ka na kesa kay  Zeph.

Nagsimula na s'yang maglakad at nang mapagtanto kong nasa gate na s'ya banda ay tumakbo ako at hinabol s'ya habang sinisigaw na intayin n'ya ako pero s'yempre, hindi na naman n'ya ako pinakinggan.

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon