Chapter Fifteen

14 2 0
                                    

Chap FIFTEEN

Umupo na si Uncle sa kama n'ya at sinimulan ko na s'yang painumin ng gamot.

"Talaga bang nagsasabong si Dionne, Uncle?" Taka kong tanong sakan'ya pagkatapos.

Nilunok muna n'ya ang tubig bago magsalita. "Bakit naman ako magsisinungaling, Rang? Mabait na bata 'yang si Dionne, gusto ko nga s'ya para sa'yo, eh."

"Ayan ka na naman, Uncle eh. Hindi pa nga natin kilalang lubos si Dionne, he's too myterious, baka may asawa na nga 'yung tao." Napangiwi ako at alala pa 'yung mga nangyari sa pagitan namin, 'yung malapit n'yang pagbangga sa'kin noon at 'yung kagabi, ang galing n'yang makipaglaban, yes, naisip ko na ring dahil 'yun sa pagkalalaki n'ya pero hindi eh, mukhang naka-under go s'ya ng training, pwede din namang nag-aral s'ya no'n, argh, naguguluhan na ako.

Napatawa si Uncle at nahawa naman ako sa tawang 'yun. "Mabuti pa't magpahinga muna kayo, Uncle."  Sabi ko at linapitan s'ya.

"Kaya ko na, Rang. Dalhin mo na lang 'yang baso do'n at gagawin ko 'yang sinasabi mo."

"Sige ho, Uncle." Nginitian ko s'ya at kinuha 'yung baso para dalhin sa lababo.

Pinihit ko na ang doorknob pero pagkalabas ko pa lang ay bumalik na naman 'yung pagkabog ng dibdib ko kanina. Argh!

Nakita ko sina Genesis at Dionne na nakaupo at kumakain ng tanghalian!

Kasama nila si Auntie at hindi ko alam kung ano na'ng nabulgar ni Auntie sa kanila. Knowing Auntie, makwento talaga s'ya.

"Rang, nand'yan ka na pala, mabuti pa't sabayan mo na sa pagkain sina Genesis."

Kilala n'ya na agad?! Tsk.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sakanila habang nakatingin si Genesis sa'kin at si Dionne naman ay kain lang ng kain, malakas palang kumain ang mga alien, 'noh? Choss.

Sa tabi ako ni Genesis pumwesto at kaharap ko si Dionne, bale oblong-shaped kasi itong mesa, kaharap ni Auntie na katabi ni Dionne si Genesis.

"Maiwan ko na kayo, may bulaklak na naman kasing idedeliver si Mareng Daisy, galing pa daw 'yung Manila." Tumayo at inayos ni Auntie ang inupuan n'ya, "Asikasuhin mo nang maayos ang mga nagagwapuhang mga bisita mo, Rang." Nginitian n'ya ako at ilang naman akong sumukli ng ngiti sakan'ya.

Sinara n'ya na ang pinto. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan lalo na't mga misteryoso itong mga kasama ko ngayon.

"Ang saya pala ng pamilya mo, Ezra." Nagsalita si Genesis kaya napatingin ako sakan'ya. "Oo naman," nginitian ko s'ya.

"Salamat nga pala ulit sa paghatid sa'min, Genesis," ang gwapo talagang pakinggan ng pangalan n'ya at kahit banggitin mo 'yun ay kakaiba.

"Sus, sabing 'Gene' nalang eh, tsaka bawing-bawi 'yun sa hinanda ng Nanay mong kare-kare," sabi n'ya matapos lunukin 'yung kinain n'ya.

"Ah, hehe," hindi ako makatingin sakan'ya ng maayos, hindi naman siguro n'ya inaakalang Nanay ko si Auntie, 'noh? Marami namang types of Nanay, I can call Auntie 'Nanay' kahit hindi ko s'ya Auntie pero dahil tiyahin ko pa rin s'ya pero hindi pa siguro panahon para i-open up ko sakan'ya ang history ng buhay ko, siguro kapag pinagkita na ulit kami ni destiny at feel ko na. 'Wag muna ngayon.

Konti nalang talaga at malilimutan ko nang may isa pa kaming kasama dito, speaking of which, tinignan ko si Dionne. His expression is so puzzling, well, palagi naman, pero iba 'to ngayon eh, para bang may tinatago s'yang inis pareha nu'ng kanina sa bus.

"'Di ka ba kakain, Ezra?" Inagaw ulit ni Genesis ang atensyon ko at kinakagat-kagat ang paa ng manok at ang cute n'yang tignan.

Actually, kanina pa ako ginugutom, hindi naman kasi ako kumain ng agahan kanina dahil dito kay Dionne tapos iinisin n'ya lang pala ako. Mamaya na'ko kakain 'pag nakaalis na silang dalawa, nakakahiya kay Gene eh, tapos kapag si Dionne, para lang din naman akong kumakausap sa hangin.

"Ah, b-busog pa'ko," pinilit kong ngitian s'ya at ramdam ko naman ang tingin ni Dionne sa'kin.

"Maiwan ko muna kayo, lalabas lang ako saglit." Tumayo ako at nginitian sila nang konti bago lumabas.

Parang mawawalan ako ng hangin sa loob eh.

Nahagip ng mga paningin ko si Nanay Aida, nasa may tubigan s'ya at naglalaba. Dito s'ya naglalaba, isang araw sa isang linggo.

"Nay!" Sigaw ko nang nakangiti habang palapit sakan'ya. "Tulungan ko na po kayo d'yan," nagsquat ako sa isang banda.

"Okay lang ano ka ba, Rang," nakangiti n'yang ani.

"Sus, minsan nga lang tayong magkita eh." Nagpout ako at nginitian din s'ya pagkatapos.

"Ang ganda mo talagang bata ka, nakaalis na ba 'yung mga manliligaw mo?" Tanong n'ya nang nakangisi at kinukuso-kuso ang linalabhang t-shirt.

"Tss, ano'ng manliligaw? Kaibigan ko po 'yung isa sa kanila," si Genesis ang ibig kong sabihin.

"Tapos 'yung isa 'yung manliligaw?"

"Nay!" Suway ko sakan'ya at sumimangot. Kita ko naman ang pagtawa n'ya, nagpout lang ako.

"Rang, alam mo ba? Nawiwirdohan ako du'n sa---"

"Exactly, Nay. Ang wirdo nga naman talaga ni Dionne, agh! Ang hirap ispelengin." Napairap ako at napakamot pa sa singit.

Nagkwentuhan pa kami ni Nanay Aida sa mga bagay-bagay, kung kailan ako mag-aaral ulit, tungkol din kay Zach at Zeph.

...

"Nay, babalikan ko muna 'yung mga misteryoso kong bisita." Tumayo ako at kita ko naman ang pagtango ni Nanay.

Agad din naman akong bumalik sa loob ng bahay, pero nang papalapit na ako sa pinto at pipihit na sana ng doorknob ay dinig kong nag-uusap ang dalawa. I find it bizzare, I mean, hindi naman siguro imposibleng makipag-usap si Dionne kay Genesis 'diba? Pero the way I notice how he give him looks, hindi 'yun magagandang pangitain eh. Argh.

Hindi ko masyadong klaro ang usapan nila kaya't idiniin ko sa pinto ang tenga ko at sinusubukang marinig 'yun.

"Umalis ka dito, alam ko na ang gagawin," dinig ko ang pagsabi ni Dionne nu'n.

Ano'ng ibig sabihin n'ya?

I became even more puzzled, lalo na nang marinig ko ang susunod n'yang linya.

"Akin s'ya."

Parang nadikit na sa pinto ang tenga ko dahil sa narinig kong 'yun, sa hindi mawaring dahilan ay ramdam ko ang tindi ng pagkabog ng puso ko. Ano ba'ng pinag-uusapan nila?
Ano ba'ng trip mo, Dionne?

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon