Chapter Twenty-Five

6 2 0
                                    

Chap TWENTY-FIVE

"Ii-intiroga ka ng council bukas ng umaga." Lumabas na s'ya ng pinto at inakala kong hindi na babalik pero bumalik s'ya. At ngayon ay may dala-dala s'yang paper bag.

Binuksan n'ya ulit ang pinto ng rehas at inialok 'yun sa'kin. "Kailangan mong kumain." Inabot ko naman 'yun ng walang pag-aalinlangan at inilock n'ya na ulit 'yun.

"Salamat," nginitian ko s'ya ng tipid at nagdasal na bago kainin 'yung bigay n'ya. Take out pala 'yung galing Chowking, kanina ba'to?

"Kanina 'to 'noh?" Natatawa kong sabi.

"Oo, ang lakas mong maka-cinderella eh. Nu'ng una, sa seaside, ta's 'yung sa bar, ta's 'yung sa grocery store, ta's kanina." Sagot naman n'ya at ramdam kong out of friendly tone na 'yun.

"S'yempre, nalaman ko kasing kikidnapin mo'ko." Pabiro ko s'yang sinagot pero natahimik lang s'ya at tsaka nagsalita matapos ang ilan pang mga segundo.

"Hindi ka ba talaga natatakot o nalulungkot, Ezralynne?"

Nagsimula na'kong kumain.

"Hmm?"

"Isipin mo nga ang sitwasyon mo ngayon, hindi mo masisigurong makakalabas ka pa dito ng buhay." Seryoso n'yang ani.

Nginuya ko naman ang kinakain ko bago magsalita. "Tss, sa totoo, wala naman nang mawawala sa'kin eh. Matagal ko na ngang hinintay na mag-upgrade na ng titirhan, 'yung pangforever ba." Ngumiwi ako at tumingin sakan'ya. "May katapusan naman talaga ang buhay ng tao, Genesis."

"Unbelievable," 'Yun lang ang tangi n'yang sinambit.

"Sus." Pinagpatuloy ko na ang pagkain pero nagsalita na naman s'ya kaya't napalingon ako.

"So, that's why the ice melted." I saw him smile half at taka ko s'yang tinignan. What's he meaning by that?

---

Kinabukasan ay gumising ako dahil may mga lalaking humawak sa mga balikat ko at sinusubukan akong dalhin sa ibang lugar nang sapilitan.

Hindi ako nagsalita at pumikit muna saglit para magpasalamat sa panibagong araw sa kabila ng mga nangyayari. I asked for strength para matanggap ang kung ano'ng itinadhana ni Papa G sa'kin.

"Sasama ako sa inyo, hindi n'yo na'ko kailangang kaladkarin." Kalma ko silang sinabihan at agad naman silang bumitaw sa pagkakahawak sa'kin at kusa na akong tumayo.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang pool, pool na may mga kuryente. Napalunok ako at nagsitayuan ang mga balahibo ko, this would be very painful.

"Ezralynne Beleazar..." may narinig akong boses at tumingin naman ako kung asa'n 'yun galing at nakita ko ang isang lalaking nasa 40s at hindi pamilyar ang mukha. S'ya kaya ang leader ng Venom?

"...future attorney sana, kaso baka hindi na matuloy." He had that playful look on his face.

"Sino ka?" Nakakunot-noo kong tanong. Nagpatuloy s'ya sa paglalakad palapit sa'kin.

"Mister M is what they call me." He pasted on a fake smile.
"Let's not beat up the bush anymore. I need the thumb drive, Ms. Beleazar." Agad na nawala ang ngiting 'yun at napalitan na ng isang tahimik at seryosong mukha, napakaseryoso, naalala ko tuloy si Papa kapag nagagalit.

"Nakita mo naman 'yun 'diba?" Pagpapatukoy n'ya pa sa nasa pool pero hindi ko naman binago ang ekspresyon ng mukha ko.

"Hindi ka natatakot d'yan? P'wes..." may binunot s'yang kung ano sa bulsa n'ya at isa 'yung remote control.

"Ano y-'yan?" Napalunok at utal-utal kong sabi.

"Sa isang pindot ko lang naman nito ay pwede nang sumabog ang pinakamamahal mong pinsan." Nagbikit-balikat pa s'ya at walang pake kung may madamay mang iba.

Tumigil sa pagsirkula ang utak ko sa sinabi n'ya, no, hindi pwedeng madamay ang iba dito, lalong-lalo nang hindi pwedeng madamay ang pamilya ko!

Papa G, no'ng nawala ang mga magulang ko, sila lang ang naglakas ng loob para buhayin at itaguyod ako. Hindi pwedeng ito ang masusukli ko sa lahat ng kabutihan nila, Papa G, kahit ako nalang ang masaktan, kahit ako nalang sana, please.

Naalala ko nalang bigla 'yung verses sa book of Jeremiah,

"...I will come to you and fulfill my gracious promise to bring you back to this place. For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Then you will call upon me and come and pray to me, and I will listen to you.

You will seek me and find me when you seek me with all your heart.

I will be found by you," declares the LORD, "and will bring you back from captivity. I will gather you from all the nations and places where I have banished you," declares the LORD, "and will bring you back to the place from which I carried you into exile..."

And again, for an enigmatic reason, I felt goosebumps which led me to close my eyes. Hindi ko talaga alam pero biglang naalala ko pa ang ibang mga encouraging verses na nabasa  ko sa Bible...

"For I am the LORD your God who takes hold of your right hand and says to you, Do not fear; I will help you." Isaiah 41:13

"Ye shall not fear them: for the Lord your God He shall fight for you." Deuteronomy 3:22

"Have I not commanded thee? Be strong and of a good courage; be not afraid, neither be thou dismayed: for the Lord thy God is with thee whithersoever thou goest." Joshua 1:9

...

At napadilat na ako, nawala lang nang parang bula ang pag-aalala at kabang nararamdaman ko.

"Kapag napasabog mo na, ay mas lalong hindi ko sasabihin kung nasaan ang flash drive." Tiningala at tinignan ko s'ya ng seryoso.

Klarong-klaro ko ang nagliliyab na apoy sa mga mata n'ya sa galit.

"Magkamatayan na, sigurado naman akong wala ding kapayapaang magaganap kapag nagtagumpay kayo sa mga masasamang binabalak n'yo at makuha nga 'yung flash drive, hindi n'yo naman ako hahayaang mabuhay, sigurado ako do'n, kaya ano pa ang silbi ng pagsasalita ko?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga 'yun.

At agad na dumampi sa pisngi ko ang mainit na palad ng lalaking 'yun. Mapwersa din n'yang hinawakan ang mga pisngi ko gamit ang isa lang n'yang kamay at umuusok na talaga s'ya sa galit kaya masakit 'yun.

"Mabilis maubos ang konsensya ko, babae." Puno ng galit ang mga mata n'ya at kita ko mula sa peripheral vision na  may binubunot s'ya sa bulsa n'ya,

At isa 'yung baril.

Agad n'ya nang binunot 'yun nang tuluyan at idiniin sa sentido ko.

"Sa tingin ko, pwede ding dito," nakangiwi n'yang sabi at inilipat ang baril sa noo ko matapos bitawan ang pisngi ko.

Tinignan ko lang s'ya nang mata sa mata at parang naging manhid na ang damdamin ang puso ko sa mga nangyayari. Hanggang sa narinig ko ang boses na kanina ko pa hinahanap-hanap, boses na kahit hindi pa kailanman sumigaw ay ang lakas na ng impact sa'kin.

"Nasa'kin ang flash drive."

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon