Chapter Eleven

11 3 0
                                    

Chap ELEVEN

"H-who are you?" Nangingilid na sa mga mata ang mga luha ko.

Hindi ko klaro ang mga mukha nila at wala akong lakas para ituon sakanila ang ilaw na hawak-hawak ko.

"Bakit kayo nandito?"

"May dinadalaw lang kaibigan." Sumagot ang isa sakanila pero alam kong merong ibang ibig sabihin 'yun. Si Dionne? Kaibigan nila?

Dahan-dahan silang naglakad palapit sa'kin at naglakad naman ako nang nanginginig paatras. 'Yung isa sakanila ay sinara ang pinto na mas nagpakaba sa'kin.

"Hindi ka makakalayo, babae." Rinig ko ang sabi ng isa sakanila. Napalunok lang ako at dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ko. Nanginginig ako, I'm in a life-death situation!

Patuloy lang akong naglakad paatras  hanggang sa...ramdam ko na ang dingding sa likuran ko.

Papa G, if I'm gonna die now, I want to say that I enjoyed my life, the life you've given me.

Klaro ko nang konti na isa sakanila ay may kukunin na mula sa bulsa at hindi ko alam kung ano 'yun hanggang sa may narinig akong crack....ng baril.

Takot na takot ako ngayon, dying this way is terrifying.

"Papakinabangan ka muna siguro namin bago ka mawala, Miss." I could feel the perverted breath of the guy who is about to come near me.

All I could ever do was sob.

"'Wag kang umiyak, Miss. Ahhhh, pasasayahin ka nalang namin." Nagtawanan silang dalawa ng kasama n'ya.

"God is watching you, stop this, please." I took a deep breath kahit hindi mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko.

Rinig ko pa ang mas paglakas ng tawanan nila. "Diyos? Walang diyos, Miss." Nagpatuloy sila sa pagtawa.

"He will save me," tinignan ko sila ng buong tapang.

"Tignan lang natin," ramdam ko ang pagngisi nu'ng nagsabi no'n at sinimulan n'ya nang hawakan ang magkabila kong balikat!

"Ang bango mo, Miss ah." Ramdam ko pa ang pagsinghot-singhot n'ya sa leeg ko, itinulak ko s'ya palayo.

"Miss, pumayag ka na kasi---,"

"TULOOOONG! TULOOOOOOONG!" Sumigaw ako habang umiiyak at nagbabakasakaling may makarinig pa sa'kin.

"TULOOooong," my voice cracked at napatakip ako ng mukha ko sa pag-iyak. Papa G, tulong po, hindi ko po kaya.

My heart ached even more and all I could do was cry and call God in my mind.

Dinig ko ang tawanan ng dalawang lalaking nasa harap ko ngayon, pero hindi 'yun ang nakaapekto sa puso ko, kun'di ang kakaibang pakiramdam na dama ko ngayon, I stopped crying at naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa hindi mawaring dahilan.

At parang nag-slow motion ang lahat nang narinig ko ang malakas na lamba ng pagbukas ng pinto! Pareho kaming napatingin doon at nakita ko ang isang taong nasinagan ng konting liwanag ang mukha, pero sa konting liwanag na 'yun ay klarong-klaro ko ang mahaba n'yang buhok na pang old-school at kapal ng kilay n'ya na ngayon ko lang napansin.

"Uy---," dinig ko ang tawag nu'ng lalaki sakan'ya pero hindi pa man n'ya tinapos ang pagsalita ay agad nang tumama ang kamao ni Dionne sa mukha nito. Reresbak na din sana 'yung isa pero kita ko ang pagpatid n'ya sa sikmura nito kahit nakatuon sa sinapak n'ya ang mga paningin n'ya.

"Aghhhh!" Sumigaw 'yung isa na pinatid n'ya at sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na madescribe kung paano n'ya napadapa 'yung kanina lang ay sinapak n'ya na ngayon ay sumisigaw sa sakit dahil inapakan pa ni Dionne ang likuran nito. Nagkamali ako nang isipin kong papalampasin n'ya lang 'yung muntik nang tumarantado sa'kin pero hinawakan n'ya 'yung isang kamay n'yang hindi nakahawak sa bandang sikmura at binalibag ito.

Mas lumakas ang sigaw nilang dalawa, "tama na, Dionne! Araaaaay!" Nakasigaw pa 'yung isa at nagmakaawa sakan'ya. Wala silang binatbat kay Dionne, ni hindi nga sila nakatira, ang galing n'yang makipaglaban.

At hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, wala lang 'yung muntik na n'yang pagsagasa at hindi n'ya pag-imik sa'kin sa ginawa n'yang pagligtas sa'kin ngayon. God made him an instrument para iligtas ako and I'm so grateful dahil humihinga pa ako ngayon. Mas dumaloy pa ang mga luha ko sa pisngi at humagulgol ako.

Kita kong natuon sa'kin ang paningin ni Dionne at wala lang s'yang kaekspre-ekspresyon, para lang n'yang hindi narinig 'yung mga lalaking ilang minuto nang sumisigaw para pakawalan n'ya.

I knew nothing about him, I admit, I saw him as a cold and stone-hearted person but what happened now just changed all of those.

Nang bitawan n'ya na ang mga 'yun ay agad silang nagsitakbuhan at nakaakbay 'yung sinikmuraan ni Dionne do'n sa binalian n'ya siguro ng braso at sabay silang tumakbo kahit ang bagal.

Tumigil ako sa paghagulgol at napahawak sa dibdib habang hinihingal. Tumingin ako kay Dionne na naglakad sa isang banda para magpailaw at para bang wala lang nangyaring sinara ang pinto.

Ilang mga minuto din ang lumipas bago ako tumigil sa kakahingal at natulala nalang. Sa mga minutong 'yun ay hindi pa rin nagsalita si Dionne kaya inunahan ko nalang s'ya, atleast man lang, mapasalamatan ko s'ya.

"T-thank you," dahan-dahan akong lumingon sakan'yang nakaupo ngayon sa couch at nakaakbay pa doon.

He glanced at me for a bit at tumingin lang ulit sa harap n'ya. I  have a lot of questions in my mind right now pero I don't feel like asking him, 'yung para bang nasisigurado ko nang may mabuti s'yang dahilan sa kabila ng mga 'yun.

Inilibot ko sa paligid ang paningin ko. Hindi pala ito singliit ng inakala ko, mukha lang maliit tignan sa labas pero maganda pala sa loob at malawak tignan.

"S-s'ya nga pala." Naglakad ako nang dahan-dahan palapit sakan'ya at kinuha 'yung susi na nasa bulsa ng saya ko. Inalok ko 'yun sakan'ya at tinignan n'ya muna 'yun bago kunin. Nagbow ako sakan'ya nang konti.

"Salamat, Dionne." I sincerely said that to him and stared at his eyes which was the meaning of beauty.
I managed to smile at him at ewan ko kung saan ako humugot ng lakas ng loob, those were just my involuntary muscles betraying me. Hindi ko napansin ang ganda ng mga kilay n'ya noon kasi siguro sa haba ng buhok n'ya pero ang mga mata n'ya, parang magnet eh, hinihigop ako para tignan ang mga 'yun.

Tumalikod na ako sakan'ya at nang akmang bubuksan ko na ang pinto para lumabas ay hindi ko inasahan ang pagsalita n'ya.

"Huwag mo akong pasalamatan. Hindi ako kagaya ng iniisip mo." His voice gave me an unexplainable feeling, hindi ko alam kung paano at bakit but I can't help praising even his voice.

Hearing him speak and say that made me more curious about him. Sino ka ba talaga, Dionne? Why do you seem so mysterious? What do you mean by what you just said?

Napatigil ako no'n sa paglalakad at lumingon sakan'ya. "Pero hinding-hindi ko makakalimutan ang pagligtas mo sa'kin," I stared at those beautiful eyes again which appeared to have looked at me even before I did.

At lumabas na nga ako nang tuluyan, sinara ko ang pintuan n'ya at parang nawala ang lahat ng takot na naramdaman ko kanina, kahit nakakatrauma pa rin 'yung nangyari ay hinding-hindi naman mawawala sa isip at puso ko na God will never forsake me.

I closed my eyes in this place which is full of darkness at napangiti. I then opened it at tumingala sa langit, ang ganda ng sinag ng b'wan, isama mo pa ang nakamakikislap na mga bituin, I feel very blessed. Thank you, Lord.

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon