Chapter Seventeen

12 3 0
                                    

Chap SEVENTEEN

"Rang?"

I was preoccupied with what I just heard. Naalala ko nalang bigla 'yung mga lalaking ginulpi ni Dionne noon, is it possible that they are related?

"Rang?"

Tsaka ko lang narinig ang pagtawag sa'kin ni Auntie. "H-ho?"

"Ano'ng nangyari sa'yo?"

"Wala," I smiled immediately.

"Nakakatakot nga naman 'yun. Hoo, pero poprotektahan naman tayo ng Panginoon kaya 'wag ka nang mag-alala." Ngumiti nang konti si Auntie at mas lumapad naman ang ngiti ko.

Natatakot ako para sa inyo, Tie. Ayokong may masamang mangyari sa inyo. Papa G, alam ko pong hindi Mo pababayaan ang mga nagmamahal sa'Yo, kaya sana mawala na'tong pag-aalalang nararamdaman kong hindi naman dapat.

"S'ya nga pala, may ipapabigay nga pala ako kay Mareng Daisy, Rang. Pwede bang ikaw muna 'yung pumunta? Masakit kasi'ng balakang ko eh."

"Opo, ako na'ng bahala, Tie. Pupuntahan ko nalang kayo sa kwarto n'yo kapag natapos ako dito," nginitian ko s'ya ng pilit.

"Manonood nalang ako ng TV sa itaas Rang, exercise para sa balakang." Dahan-dahan na s'yang tumayo nang nakangiti at pinagpatuloy ko naman ang paghuhugas.

Napabuntong-hininga ako at napakagat ng kaunti sa labi.

Pa'no kung balikan si Dionne ng mga lalaking 'yun? Tapos dadami na sila at hindi na 'yun kakayanin ni Dionne?

Argh.

...

Naglalakad ako ngayon papunta kina Aleng Daisy, siya ang lola ni Alexis. Nang palabas na ako ng eskina ay napatigil ako sa paglalakad saglit dahil nakita ko si Dionne.

Napalunok naman ako at napansing kasama n'ya pala si Alexis.

Pinupulot n'ya 'yung mga nahulog na bouquet ng bulaklak na dala-dala ni Alexis. Tinitigan ko si Lexi at pansin ko ang iba ng kinang ng mga mata n'ya habang nakatingin kay Dionne na pinupulot 'yung limang mga bouquet.

"Thank you," rinig kong sabi niya mula dito.

Tinanguan naman s'ya ni Dionne at hindi ko makita ng maayos ang ekspresyon ng mukha n'ya ngayon. Atleast, ngayong una nilang kita ni Lexi ay may ginawa s'ya tapos nu'ng ako? Matapos n'ya 'kong muntik sagasaan, hindi n'ya nga man lang ako tinignan. Psh.

Tapos ano pa 'yung sinabi n'ya nu'ng nakaraan? 'Akin s'ya'? Seryoso? So, he's silent but deadly. As if naman naapektuhan ako du'n.

Napangiwi ako sa kawalan at nang mapansin kong padaan na si Dionne dito ay agad akong nagtago. Nang maramdaman kong nakapasok na s'ya sa eskina ay naglakad na'ko paunti papunta kay Lexi.

"Lex," tinawag ko s'ya pero para lang s'yang walang narinig habang nakatingin pa sa isang banda at nakangiti. Tinignan ko naman kung sa'n s'ya nakatingin at kay Dionne 'yun!

Akala ko ba nakapasok na s'ya? Posible bang nakita n'ya 'ko?

Tinignan ko ang ekspresyon n'ya at blanko lang 'yun habang nakatuon sa'kin. Agh, what's with that?

Napalunok ako at tumingin kay Lexing katabi ko ngayon, parang kumikinang ang mga mata n'ya at para bang ibabayaw na s'ya sa langit habang nakatitig doon. Tsk, crush n'ya si Dionne? Hindi naman gaanong kaattractive 'yun ah. Maganda lang ang mga mata at kilay tapos medyo mahaba pa 'yung buhok na bagay din naman sakan'ya, magaling pang makipaglaban na para bang action star, marunong din sa mga gawaing bahay kagaya ng panghuhugas, tapos---

Pang-ilang puri na ba 'yun, Ezra? Tapos ano namang pake mo kung gusto n'ya nga s'ya? Oo nga naman, wala. Even from the start, I had nothing to do with him, and until now he's still a stranger for me. He is too reticent.

Napasinghal ako at pumikit sa konting inis. Kinunot ko ang noo ko at sumigaw nang malakas para maagaw ko ang atensyon n'ya. "Lauriza Alexis Delgado!"

At liningon n'ya nga ako pero matapos nang mawala si Dionne sa paningin naming dalawa.

"Paepal ka naman sa napakagandang view, Ezra eh." Tinaas n'ya ang gilid ng labi n'ya at pinanliitan ako ng mga mata. Tinadyak pa n'ya talaga ang paa n'ya.

"So mas pipiliin mo pa 'yung lalaking 'yun kesa sa sarili mong kaibigan? Gano'n?" Binigyan ko s'ya ng isang nakakaguiltyng look.

"Agh, kahit kailan ka talaga, Ez," umirap s'ya sa hangin at inayos ang pagkakahawak ng mga bouquet.

"Akin na nga 'yang iba! Sa'n ka ba galing?" Kinuha ko 'yung dalawang bouquet ng preskong mga rosas at sunflower. Hindi naman ako nakapagpigil na singhutin ang mahahalimuyak na bango ng mga 'yun.

"Agh, ang babango neto, Lex." Para akong nahihypnotize ng mga bulaklak na yakap-yakap ko.

"Ano bang hindi mabango sa hardin ni Lola?" Napasmirk na sagot n'ya pa. "S'ya nga pala, sa'n ang punta mo?"

"Sa inyo, may pinapabigay si Auntie sa Lola mow." Ngumiwi ako.

"Ah, samahan mo na'ko. May itatanong din kasi ako sa'yo." Ngumiti na s'ya at alam kong iba ang meaning no'n. Nagsimula na kaming  magsilakad nang mabagal.

"Ez, alam mo namang pagkatapos namin ni Ice ay matagal na rin bago ako...you know, nagkagusto ulit." Napalunok ako. 'Ice', that's how she calls her recent ex-boyfriend, Isaiah. Uhu, my longest unrequited love which only I, Zeph and Yvonne know.

"And," tumigil s'ya sa paglalakad at humarap at tumingin sa'kin nang mata sa mata. "I think I'm in love again." Ngumiti s'ya sa'kin nang napakawagas.

"I'm sure nakita at kilala mo 'yung guy kanina. That hot...and handsome one." She smiled at me slyly.

Napataas naman ako sa dalawa kong mga kilay. "Ha? A-Ah, Dionne ang pangalan n'ya, rinerentahan n'ya 'yung haunted house."

"As in?" Napasinghal at napatawa s'ya unbelievably. "So, he's brave. Alam naman nating pareho that nobody dared to enter the house again matapos nu'ng nangyari. Oh, I'm turned more on." Nakangisi pa n'yang ani and I was left speechless.

Napakagat s'ya sa labi n'ya. "Alam mo? Napakagwapo n'ya, Ez, as in." Sabi n'ya na para bang hindi makapaniwalang may gano'n pala kagwapong lalaking nag-eexist.

Really?

"Kwentuhan mo naman ako tungkol sakan'ya, oh." Binangga pa n'ya ang balikat n'ya sa'kin. Kilig na kilig talaga ang peg n'ya.

"Tss, hindi naman kami close nu'n eh. Kung gusto mo, I'll find a way para magkausap kayo, com'on Lex, kung magpapatulong ka sa lovelife mo, we both know it's not me you should approach." I smirked at her.

"You are the best, Ezra! Kahit pa noon, you never failed to make me happy." Sumimangot s'ya at aakap na sana sa'kin kung wala pa s'yang bitbit na mga bouquet.

Napanguso naman ako sa ka-oa-han n'ya at naalala ko noon kung pa'no ko s'ya tinulungan kay Isaiah. Ako kasi 'yung naghahatid ng mga loveletters na ginagawa ni Lexi para sakan'ya. Lexi was one of the reasons kung bakit tinatago ko lang all along 'yung feelings ko kay Isaiah, hanggang ngayon hindi n'ya pa rin alam tungkol do'n, she might take it the wrong way if that happens, past is past na din naman eh.

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon