Chap FOUR
"Huy, ano'ng pangalan sabi?" Inip na n'yang tanong dahil nakatulala na naman ako.
"I d-don't know." Nagsimula na akong sumubo at nagpatay malisya lang.
"I'm happy for you gurl!"
Napatingin ako sakan'ya na nakakunot ang mukha dahil sa pagngisi. Psh.
"Bakit naman?"
"Kasi may nagugustuhan ka na ulit."
Napatawa naman ako ng konti sa sinabi n'ya.
"Hindi ko naman talaga 'yun gusto, let's just say attracted ako sakan'ya dahil sa outer appearance n'ya. Gano'n naman talaga tayo eh, we get attracted with the outer beauty."
"What do you mean?"
"Outer beauty catches our attention but for me, character catches my heart." Nakangiti ako sakan'ya habang banggit ko 'yun.
Hindi 'yun malala kagaya nu'ng kay Isaiah, wala na sigurong makakapantay sa naramdaman ko sakan'ya noon. Pa'no ko ba naman s'ya ma-uuncrush, eh ang gwapo ng ngiti n'ya, tapos mabait pa s'ya, maganda rin ang boses, magaling sumayaw, gentleman, friendly, matalino, oh, ano pa ba'ng hahanapin ko?
Kaya nga't napakaswerte no'ng babaeng nagustuhan n'ya, sana maging masaya si Isaiah palagi. His name will always be carved on the wall of my heart.
Noon, I thought that when you love a person, you should be with that person always against all odds and no matter what happens but after I met Isaiah, I realized that love is about being selfless. Noong gusto ko pa si Isaiah, umiiwas ako sakan'ya, besides dahil nahihiya ako sakan'ya at na baka mawalan ako ng malay sa harap n'ya, I respected his status. Inisip ko kasi na kung ako 'yung girlfriend, hindi ko magugustuhang may umaaligid-aligid sa boyfriend ko.
Argh, Isaiah again, pa'no ba ako makakamove on nang tuluyan nito?
"Tss. Okay, Miss poetic." Sarcastic s'yang nagsalita at nagsimula nang kumain.
Naikwento ko sakan'ya ang lahat ng mga nangyari kanina at para nang magugunaw ang mundo sa mga tili n'ya.
"Kyaaaaaahhhhh!!!!"
"Tumahimik ka nga, kumakain tayo babae ka," nakakunot noo ngunit nagpipigil-ngisi kong suway sakan'ya.
"Oh my gosh, Ezralynne. Sana oooiiil!"
Napatawa ako sa napaka-oa n'yang reaction.
"May boyfriend ka kaya!"
"Pero kinikilig pa rin ako sa inyo, Eeeezzzz!" Pinalo-palo n'ya pa ang mesa.
"Can I have your name in exchange?" Ginaya-gaya n'ya pa kunwari ang sinabi nu'ng lalaki at tumili na naman s'ya. HAHAHAHAHAHAH, Zephaniah, tsk, tsk.
Patuloy ang tawanan naming magpinsan hanggang sa natapos na kaming kumain.
Ako na ang nagprisintang maghugas kasi konti lang naman ang huhugasin tapos nababaliw naman kakatawa ang isang 'to.
"Tapos, ano pa 'yung pinag-usapan n'yo?" Nakatuksong tono n'yang tanong.
"Sinabi ko na ibigay n'ya muna 'yung tsinelas mo bago ko sabihin ang pangalan ko at pumayag naman s'ya." Nagsalaysay ako habang sinasabunan ang mga plato.
"Tapos? Bakit 'di mo tinanong ang pangalan?"
"Duh. Ang easy to get ko naman tignan kung ginawa ko 'yun, tsk." Lumingon ako sakan'ya at nagpatuloy sa pagsabon.
"Pero, what if maging s'ya 'yung 'the one that got away' mo? Tsk. Sumayaaaang."
Ibinaba ko ang hawak kong mga plato at liningon na naman s'ya ulit.
"Sorry, hindi kasi ako kasing confident mo, Miss Montessa." I sounded sarcastically.
"Duh. Couz', maganda ka, napakaganda mo nga eh. Kulang ka lang sa landi."
Pinanliitan ko s'ya ng mga mata at napakunot-noo ako sa sinabi n'ya.
"Totoo naman ah? Bagay na bagay sa'yo 'yang natural straight hair mo, sakto lang din ang tangos ng ilong mo, maputi ka, malaki ang lips mo at ang ganda ng pagkakaporma tapos makapal pa ang mukha--este kilay, hehe."
"Compliment ba 'yun, Zeph?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"S'yempre couz', normal naman kasing makapal ang balat ng mukha ng mga tao 'noh?" Nagngising aso pa s'ya.
"Whatever." Tinuloy ko na ang paghuhugas.
...
Nagdasal at natulog na kami ni Zeph matapos magkulitan tungkol do'n sa gwapong nilalang na naka-usap ko kanina.
...
Bumangon na ako and as usual, knocked out pa rin ang pinsan ko sa kama. I prayed to Papa G and thanked him for another day, I also asked for the protection of my whole family, blood-related or not.
Noong lalabas na sana ako ng kwarto ay naggising ang pinsan ko bigla. She yawned first at tsaka nagsalita.
"Ez, sa labas na tayo magbreakfast." She said that with her 'just woke up' weak voice at nagstretch pa.
"Sure?"
"Of course, ako pa." Umupo na s'ya sa kama at wala man lang muta sa mga mata ng beauty queen kong pinsan. Sana oil.
"Sige, maliligo muna ako." Pumunta na ako sa banyo at naligo na. After 30 minutes ay natapos na din ako nang fresh at may ngiti pa sa labi.
"Ang tagal mo, Ezraaa!" Sigaw ni Zeph at nginisihan ko lang s'ya. Padabog naman s'yang naglakad papasok ng CR at mas lalo akong natawa do'n.
Nagbihis na ako at simpleng cropped top at 'yung high-waist jeans lang na binili ko no'ng isang araw ang sinuot ko.
Nagcellphone muna ako habang naghihintay kay Zeph na matapos, 30 minutes na s'ya sa banyo, gosh.
Tumawag din sa'kin si Auntie Zenny, kinukumusta n'ya kami ng anak n'ya at sinabihan ko namang naliligo si Zeph ngayon dahil pupunta kami ng mall.
...
Nandito na kami sa mall matapos ang isang buong araw na pagbibihis ng pinsan kong beauty queen.
Hindi na'to breakfast, it's brunch already. Tsh.
"Sa Mang Inasal tayo," sabi ko at kumikinang pa ang nga mata ko habang tinitignan ang billboard nila.
"You know hindi ako kumakain solely ng chicken at meat, let's have Chowking Couz', okay?" Nginitian n'ya ako at hindi na naman ako pumalag dahil masarap din doon, argh, kahit saan pa 'yan basta makakakain.
Hinila n'ya ako at pumasok na kami sa Chowking.
Isang chicken lauriat at pineapple juice ang inorder ko habang kay Zeph naman ay fried rice lang at tubig. Kinuha na namin ang mga order namin at nag-occupy na ng table pero bago pa man ako makakisapmata ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na itsura, 'yung mukha nu'ng lalaking kumuha nu'ng suot kong tsinelas na nahulog sa dagat kahapon lang!
Napako ang mga paningin ko sa direksyon n'ya at sa ginagawa n'ya, nagliligpit s'ya ng mga kinainan ng mga tao dito sa Chowking at kahit sa suot n'yang uniform ay tumitingkad pa rin ang kagwapuhan n'ya.
Nang makita kong mahuhuli n'ya na sana ako ay nag-iwas agad ako ng tingin at nagdasal na sa isipan ko.
'Papa G, maraming salamat po sa lahat ng blessings na binigay n'yo sa'min. Papa G, tulungan n'yo po ako dahil pinapahamak ako ng hypothalamus ko, waaah.'
I did the sign of a cross at nabigla ako dahil pagmulat ko ng mga mata ko ay s'ya kaagad ang una kong nakita. Liniligpit n'ya 'yung nasa katabi lang namin na table at NAKANGITI S'YA SA'KIN! Para s'yang nag-aadvertise ng colgate dahil sa puti ng ngipin at sa saya ng ngiti n'ya.
Kahit ilang ay nginitian ko naman din s'ya, I would be very rude kung iiwan ko lang s'ya sa ere, ayoko namang makasakit.
At sa ilang segundong ngitian na 'yun ay nakaramdam ako ng mga paru-parong nagliliparan sa t'yan ko. Napansin kong may namepin pala s'ya sa uniform n'ya and so I took the chance to know his name, my smile widened at parang destiny talaga na parehong Biblical ang mga pangalan namin. Mine is 'Ezra' and his name is
'Genesis'
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a Criminal
Novela JuvenilEzralynne Beleazar, a lawyer to be is also to be in love with a criminal. Which one? There are lots of them. Started: 24 July 2019 Ended: 7 November 2019