Chap SIX
Nag-eempake ako ngayon ng bag ko habang nakasimangot naman si Zeph at nakatingin sa'kin. Nakasandal s'ya sa dingding malapit sa pintuan at nakangiwi.
"Ang bilis mo namang umalis." Pansin ko ang tono n'yang malungkot.
"Mas kailangan ako nina Auntie. Kaya mo naman ditong mag-isa eh, pero 'yung Mama at Papa mo, alam mo namang may edad na ang mga 'yun, Zeph. Hindi ko sila pwedeng iwan nang matagal para lang sa'yo." Bumaling ako sakan'ya habang nagpapatuloy pa rin sa paglagay ng mga gamit sa bag ko.
"Psh. Alam ko, okay na, okay?"
Napasmirk ako at natapos na din sa ginagawa. Umupo ako sa kama n'ya.
"Walang mga kababalaghan kayong gagawin nu'ng Xyrille na 'yun, Zeph." Seryoso ko s'yang tinignan.
"I know my limits, Ezra." Nanliit pa ang mga mata n'ya.
Mas matanda ako kay Zeph pero age doesn't matter between us kahit lamang ako ng tatlong taon. September ang birthday n'ya at December naman ang akin.
Ngumiti ako at tumayo na. Dinampot ko na ang bag ko, linapitan ko s'ya para akbayan at lumabas.
Nang nasa labas na kami ay pinaandar n'ya na ang scooter n'ya at sumakay naman ako. Ihahatid n'ya na sana ako sa terminal but because of what happened just few days ago, I preferred na ibaba n'ya nalang ako sa bus stop.
Bumili ako ng iilang mga pasalubong para ibigay kina Auntie at Uncle. I bought rosquillos which they both love, piyaya at ampao para kay Auntie at biscocho at barquillos naman para kay Uncle.
For myself ay salted and coated peanuts lang ang binili ko, sa Bais City ko na bibilhin ang iba.
Air-conditioned bus ang nasakyan ko and I prayed for a safe trip.
...
"Naku, Norman, matanda ka na, tigilan mo na nga 'yang pagsasabong." Rinig ko ang suway kay Uncle ni Auntie Zenny.
"Matanda na nga ako gang, kaya dapat mas lalo akong magsaya sa buhay ko."
'Gang' ang endearment nilang mag-asawa, in short for 'langga' which means 'care' in Bisaya.
"Jusmeyo marimar." Dinig ko din ang malalim na singhal ni Auntie.
Kusang gumuhit ng ngiti ang mga labi ko dahil namiss ko ang ganitong usapan nilang dalawa.
Pinihit ko na ang door knob at sumigaw,
"Auntieeee!" Inakap ko s'ya agad.
Bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat dahil hindi naman ako nagpasabi na dadating ako ngayon
"Ikaw talagang bata ka, I almost had a heart attack!" Nakasigaw ngunit tuwang-tuwa naman n'ya ring bungad sa'kin.
Kumawala na ako at bumeso naman kay Uncle.
"Ezra, hindi ka naman nagpasabing uuwi ka pala." Nakangiti naman si Uncle sa'kin. Kita ko ang pag-aayos n'ya nu'ng mga karton na paglalagyan ng mga manok. Certified sabongero kasi talaga 'to si Uncle noon pa lang.
"Baka magpapiyesta pa kasi kayo Uncle, eh." Biro ko namang sabi at nagmano.
"Kumusta naman si Yang doon, Rang?" Nagsalita si Auntie at binalik ko sakan'ya ang atensyon ko.
'Rang' ang tawag nila sa'kin, palayaw ko 'yun dito. 'Yang' naman ang kay Zephaniah, pero mas prefer naming dalawa na magtawagan gamit ang mga tunay naming pangalan.
"Ah, okay naman po s'ya."
"Wala naman s'yang jowa doon 'diba?"
Natigilan ako sa tinanong ni Auntie, argh, sa lahat ay sa kanila pa naman pinakaayaw kong magsinungaling.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a Criminal
Teen FictionEzralynne Beleazar, a lawyer to be is also to be in love with a criminal. Which one? There are lots of them. Started: 24 July 2019 Ended: 7 November 2019