Chapter Thirteen

10 2 0
                                    

Chap THIRTEEN

Nasa bus na kami ni Dionne and you won't believe na magkatabi pa talaga kami. Hindi 'yun sinasadya, sadyang 'yun nalang talaga ang natirang bakante. I had no choice, kesa naman mag-inarte ako at tumayo kahit may mauupuan pa.

Pumikit ako saglit at nagdasal sa isip para sa gabay ni Papa G sa buo naming araw.

Tahimik pa rin si Dionne dito sa tabi ko habang itong isang katabi ko pang lalaki sa may bandang bintana ay natutulog at pumapadausdos pa sa upuan habang nakasandal sa'kin, medyo may katabaan s'ya at sa pagdausdos n'ya ay nasiksik ako sa tabi ni Dionne!

Nanlaki ang mga mata ko at pumasiklap ako ng tingin kay Dionne, and as usual, parang wala lang sakan'ya at nasa harap lang ang atensyon n'ya. Baka naman ako lang talaga ang may problema? Maybe this shouldn't be a big deal.

Ilang mga minuto din kaming gano'n ang posisyon and it's so uncomfortable. Papa G, tulong pooo, I feel like I am running out of breath.

Then a miracle just happened, tumigil ang bus at may nakita akong sumakay na ale, she was obviously finding it hard to carry two baskets and a bag while in standing ovation. Ang laman ng mga basket na 'yun ay mga gulay, ititinda n'ya siguro ang mga 'yun. Inilibot ko ang paningin ko at wala man lang akong nakitang nagvolunteer para tumayo kapalit ni Ale.

Lumunok ako at tumayo kahit na alam kong magigising ko 'tong isa kong katabi. "Dito na po kayo, Ate." Ngumiti ako nang konti at ramdam ko ang titig ng iba pang mga pasahero sa'kin.

"Aba'y salamat, ija." Nginitian ako pabalik nu'ng ale at pumalit na s'ya sa upuan ko. Mas dumami pa ang mga pasahero kaya't nasiksik na naman ako palapit kay Dionne!

Humawak talaga ako nang maigi sa upuan kaharap ko para pigilan ang kung ano mang malatelenovelang magaganap.

Pumasiklap na naman ako kay Dionne at kita ko ang halos pagdugtong ng makakapal n'yang mga kilay. Ano'ng problema n'ya?

Galit ba s'ya sa'kin?

Kita kong mahuhuli n'ya na sana akong nakatingin sakan'ya kaya't binaling ko agad ang tingin sa bintana.

...

Bumaba na kami ng bus. "Saan ka maghahanap ng trabaho?"

"Just don't mind that,"

Napakunot ako ng noo. Argh, ang lakas talagang makabadtrip nitong lalaking 'to, ang labo n'ya, daig pa ako kapag may dalaw!

"Ano ba talaga'ng trip mo, Dionne?"

"Sumunod ka nalang sa'kin." Nagsimula na s'yang maglakad at napakunot pa rin ako ng noo.

Like, what? Am I some kid?

Napapikit ako sa inis at suminghal, kahit labag man sa loob ay sinundan ko s'ya. Sumakay kami ng trisikad at wala akong kahit na katiting na alam kung saan kami pupunta at kung ligtas ba'ko ngayon.

Kinuha ko ang phone ko dahil tatawag ako ng pulis, charr, hindi, pipicturan ko si Dionne nang palihim para kung sakaling may mangyari sa'king masama ngayon ay alam na nila agad kung sino ang suspect.

"Bakit ba ang hina ng connection?" Kinunot ko pa kunwari ang noo ko at naghanap raw ng spot kung saan mabilis ang connection kahit ang totoo ay naghahanap naman talaga ako ng pinakaperfect spot para makakuha ng litrato ni Dionne.

At tagumpay nga 'yun, nakakuha ako ng isa nang hindi n'ya namamalayan.

Itinigil kami ng tricycle sa isang grocery shop at wala man lang akong maisip na kahit konting rason para magpunta kami dito. Tinignan n'ya ako para sumenyas na mauna akong bumaba, matagal bago ko nakuha ang ibig n'yang sabihin no'n  dahil para akong dinala ng mga mata n'ya sa kalawakan. At kumurap ako nang marinig kong magreklamo ang driver dahil ang tagal daw naming bumaba. Argh, bakit ba ang wagas makatitig nitong si Dionne? Champion siguro s'ya sa staring game pangkalawakan 'noh?

"Dionne... I better just go." As I said that to him, he then fixed his gaze and stood up to get out of the tricycle.

Napalunok ako, I feel guilty Papa G, aaaaHHHhhh. Pero ang labo n'ya naman kasi eh, bakit n'ya pa kailangang magsinungaling kay Uncle?

Sinundan ko s'ya ng tingin at inakala kong aalis na s'ya nang tuluyan pero liningon n'ya ako, those eyes again, agh, para n'ya akong minamagnet! There's really something behind him, hindi ko alam kung ano, my instinct just tells me.

I didn't notice what and how it happened basta ay ngayon, nakahawak na s'ya sa braso ko at parang bumlangko ang sistema ko bigla dahil do'n, what's happening to me? The chills his touch brought to me is unexplainable, ramdam ko ang lamig at kinis ng palad n'ya. Why does it seem like I always end up praising him all the time?

"I never agreed,"

Hinihigop ako ng mga tingin n'ya, idagdag pa 'yung boses n'yang ang mature at nakakahypnotize?!

Sunod-sunod ang lunok ko sabay ang sunod-sunod ring pintig ng pulso at puso ko, nababaliw na siguro ako... at biglang tumunog na pompyang, "Ang tagal n'yo, sinasayang n'yo lang ang asyete ko!" Sumigaw 'yung tricycle driver kaya agad akong napababa at napapikit sa hiya. From now on, note to self: 'wag titingin sa mga mata ni Dionne.

Pumasok nga kami sa loob ng grocery shop, ngayon ko lang napansin ang beltbag na suot n'ya, I wonder kung ano'ng laman no'n.

"Upo ka,"

Taka ko s'yang tinignan at dahan-dahang sumunod sa sinabi n'ya. Dionne might be an alien.

Pagkatapos n'yang sabihin 'yun ay pumunta s'ya sa kung saan. Siguro mamatay nalang ako pero hindi ko pa nalalaman ang sikreto ni Dionne kung bakit gan'yan s'ya.

Sinundan ko s'ya ng tingin at napatitig na naman ako sa kabuoan n'ya, formal pala ang suot n'ya, isang puting polo at denim pants, para s'yang isang CEO sa tindig n'ya, naalala ko tuloy si Genesis.

'Can I have your name in exchange?'

Kusang pumorma ng ngiti ang mga labi ko habang inaalala ko 'yung unang pagkikita namin ni Genesis.

What if s'ya na 'yung the one?

Papa G, ano ba ang sign para malaman kung s'ya na?

I came back to my senses nang biglang may naramdaman ako sa likuran ko. Nandito na agad si Dionne? Ba't ang bilis naman?

"Dio---," natigilan ako bigla nang malaman ko kung sino 'yung kumalabit sa'kin!

"Long time no see, Ezra."

I was nailed into his direction at hindi ako nakagalaw, how could this possibly happen?

Ito na ba 'yung sign, Papa G?

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon