Chapter Twenty-Three

8 3 0
                                    

Chap TWENTY-THREE

"IKAW ang tumigil, Dionysus." He looked at Dionne so pissingly.

"Would you please stop playing clean? 'Diba't ginamit mo lang din naman s'ya?"

And that hit me, oo, ginamit n'ya ako pero hindi naman n'ya ako ipinahamak.

"HININGAN...KO S'YA NG TULONG p-para maialis si Dianne dito, b-bagay na hindi mo...magawa-gawa." Pagtatama pa ni Dionne nang maawtoridad kahit hirap sa pagsasalita.

Dianne?

Papalit-palit ko silang tinignan at kita ang kompetisyon sa mainit na pagtitinginang 'yun.

Hindi kaya...girlfriend s'ya ni Dionne? Tapos may gusto pala si Genesis a.k.a Ivan doon? Pinag-aagawan nila s'ya?

Natahimik lang ako at natulala habang nag-uusap sila tungkol sa babaeng nagngangalang Dianne. Nagbangayan ang dalawa at si Genesis ang mas madaming sinabi, it was all the negative sides of Dionne.

"Mas mahal mo s'ya? Nasa'n ka ba nu'ng naghirap s'ya para sa inyong dalawa? Palagi mo pa s'yang sinasaktan, napakamakasarili mo, Dionne! Pa'no mo nasabi 'yun? Sa mga panahong 'yun, ako, ako ang karamay n'ya. Tapos magagalit ka sa'kin dahil mas pinili n'ya pa ako?" Napakahabang sabi ni Genesis na mas nagpatanto sa'kin sa katotohanang hindi ko talaga alam kung sino sila ni Dionne. Kaya mas lalong hindi pupwede 'tong  nararamdaman ko para sakan'ya. I can't just like someone I don't know, pero mapipigilan ko ba naman 'yun? Argh.

Andaming tanong sa isipan ko, andami kong gustong malaman, pero kasabay ang mga 'yun ay ang tindi ng pagsakit ng ulo ko. Napapikit nalang ako dahil do'n at dahan-dahan nang tuluyang naging madilim ang paningin ko.

...

"Pag-ibig. Para sa inyo, ano ba 'yun? Paghahalikan, pagyayakapan, pagsasabihan ng 'mahal kita' at iba pang mga matatamis na salita, 'yun ba 'yun?"

Taimtim kaming lahat na nakikinig sa inilelecture ni Ruth sa'min, ang president ng youth dito sa aming parish.

"P'wes, nagkakamali kayo dahil ang totoong kahulugan ng pag-ibig base sa sulat ni San Pablo sa mga Corinto ay ang mga ito:

•Matiyaga at magandang-loob
•Hindi mainggitin
•Hindi mayabang ni mapagmataas
•Hindi magaspang ang pag-uugali
•Hindi makasarili
•Hindi magagalitin o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa
•Hindi natutuwa sa masama
•Nagagalak sa katotohanan."

...

Agad akong napamulat ng mga mata ko at napahinga nang malalim habang ala-ala ang mga napanaginipan ko.

It was a nightmare. Nakita ko lang naman si Dionne na nakikipagbarilan habang tumatawa.

Kaya ako natatakot magmahal ulit eh, kasi lagi akong nangangamba at hindi mapakali, dumadami lahat ng nga what ifs ko at mas lalong sumisiguradong wala talagang sigurado.

Inalala ko ang mga itinuro sa'min noon at napaisip ako. Kahit hindi s'ya gano'n, kahit halos lahat nang iyon ay kasalungat ng ugali n'ya, pa'no ko s'ya minahal? Magtatagal ba ang pagmamahal ko sakan'ya? Mababago ko ba s'ya gamit ang pagmamahal na ito?

Pero nang ibalik ko ang paningin ko sa realidad ay laking gulat ko kung ano'ng posisyon ko ngayon!

Nakahiga lang naman ako sa paanan ni Dionne at hindi tulad nang kanina, nasa iisang selda nalang kami at wala nang mga kadenang nakatali. Hindi ako gumalaw maliban sa mga mata ko, tiningala ko s'ya at hindi naman ako nabigong mahulog sa karisma n'ya habang nakapikit. Kasabay ng pagtingin ko sakan'ya ay ang bilis din ng tibok ng puso ko at kahit napakacornyng pakinggan ay para lang akong hindi nakakulong dito ngayon. Speaking of nakakulong, tinignan ko din ang buo kong paligid at hindi ko rin inakalang mapupunta ako sa ganitong sitwasyon ngayon, I mean, my life was just ordinary, not after he came and disarranged everything from my mind up until my heart.

Sino ba namang mag-aakala na ang isang law student na kagaya ko ay mahuhulog sa isang taong ganito? Isang taong hindi ko rin naman maituturing na masama talaga. I hate to address him like this but as a future lawyer, I must be honest, he is a criminal. And I'm in love with a criminal.

"Okay ka na?" Agad akong natauhan at napatingin kay Dionne nang nanlalaki ang mga mata. Sinubukan kong tumayo pero...AGAD N'YANG INAKAP ANG BEWANG KO sa gano'ng posisyon!

"Hindi mo pa kaya," it was his cold voice which always gave me shivers running down to my spine.

Hindi ako makasagot at parang sasabog na ang puso ko sa pagpipigil na ngumiti at kiligin, EZRA! Nakakulong ka! How could you?!

Humiga nalang ako ulit pero hindi n'ya pa rin inalis ang kamay n'ya sa bandang t'yan ko!

Kahit hindi ko s'ya tignan ay ramdam ko ang mga titig n'ya sa'kin, mamamatay pa ata ako sa kalandian kesa gutom at pag-aalala ngayon eh.  Pero natandaan ko nalang bigla 'yung tungkol sa Dianne na 'yun. Parang nawala nang parang isa lang bula ang lahat ng nararamdaman ko.

Pero nagsalita s'ya,

"Venom. 'Yan ang tawag sa grupong 'to. Kumukuha sila ng mga lugmok na tao para sanayin at gawing tauhan, kumakalaban sa gobyerno, pero hindi NPA..."

Ano naman ang ginagawa nila?

"...pumapatay sila..."

Agad n'yang nasagot ang tanong ko at napalunok nalang ako.

"...'yung nangyari sa bus terminal, 'yung pagnanakaw sa Jelaitan, 'yung ibang pagpatay ng mga tao, ay kagagawan ng grupong 'to..."

Hindi ako makapagsalita, wala akong mahanap na salitang lalabas sa bibig ko dahil na din siguro sa bigla at kaba.

"...at kasamahan din ako nila..."

Pero mas natigilan ako sa sinabi n'yang 'yun. Napakunot ako ng noo at parang nanghina ulit ang buo kong katawan, gustong tumulo ng mga luha ko, iba pa rin pala kapag nanggaling na talaga sakan'ya.

"...noon..."

Napatingin ako sakan'ya pero nasa kawalan ang tingin n'ya.

"...umalis ako sa grupo at hawak nila ang kapatid ko kapalit ng kalayaan ko..." nararamdaman ko ang kalungkutan sa boses n'ya at and'yan na naman ang mga mata n'yang blangko pero andaming gustong sabihin.

"...timing at may isang kagaya ko na gustong umaklas mula sa grupo pero ayaw n'yang madamay ang pamilya n'ya kagaya ng nangyari sa kapatid ko. Kaya gumawa s'ya ng isang dokumento kung saan nandoon ang lahat ng ebidensya at katunayan na may grupo ngang ganito na may utak sa ilang mga krimen dito sa syudad para ipangblackmail..."

Pinahaba n'ya ang pagdugtong do'n at tumingin na sa'kin, hindi ko naman na sinubukang mag-alis ng tingin dahil interesado ako sa mga sinasabi n'ya.

"At nasa flash drive 'yun, flash drive na nasa'yo."

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon