Chapter Twenty

16 1 0
                                    

Chap TWENTY

It has been an hour since nakaalis si Dionne. Sina Auntie ay may pinuntahang burol daw kaya ako nalang ang naiwan dito, Sabado eh. Nags-scroll lang ako sa newsfeed ko dahil wala naman akong kachat, kapag may mga kung sino namang magmemessage sa'kin ay nagrereply naman at itinotopic ko ang tungkol kay God tapos walang tumatagal eh, except Zeph of course.

Tumunog bigla ang phone ko dahil may nagchat, kinlick ko 'yun at nalamang 'Genesis Ivan Alcantara' ang pangalan ng nagchat, si Genesis kaya 'to? Halata namang mukha n'ya 'yung profile pic eh.

G: 'Hi, Ez, It's been long!'

Ngumiti ako ng tipid bago nagreply.

Me: 'Hi Genesis!'

Typing...

G: I missed you!
G: 'Uhm... actually, birthday ko kasi ngayon.'

Hala, ano'ng rereplyan ko d'yan? Ang awkward naman ng I miss you too.

Agad nalang akong nagtype ng--- 'Uy, Happy Birthday palaaaa!'

G: 'Thank you, iimbitahin nga sana kita eh.'

Ang bilis magreply ahhh.

Me: 'Saan?'

G: 'Sa SC City sana eh, lunch?'

Me: 'Naku, nakakahiya naman! :*)'

G: 'Sorry, ikaw lang kasi ang kaibigan kong available ngayon. Pero okay lang namang tumanggi :('

Tss, okay lang ba talaga? Eh kakainin ako ng konsensya ko.

Me: 'Sige na nga.'

G: 'YES!'

Me: 'Pero magpapaalam muna ako kina Auntie.'

Typing...

G: 'Ang cute mo talaga,'

I awkwardly smiled sa sinabi n'ya.

Bakit may nag-iba ata sa'kin? I mean, bakit hindi na ako kinikilig kagaya ng dati? Ahhhh, hindi naman siguro ako nagbigay ng motibo kay Genesis na gusto ko s'ya, 'diba?

Inalala ko ang mga nagawa ko noong nakikita ko si Genesis at napasampal nalang sa sarili. Ito na nga ba'ng kinatatakutan ko kapag nagkagusto ako eh, hindi ko nakocontrol ang damdamin ko, pwede 'yung magbago kahit kailan at pwede pa akong makasakit nang hindi sinasadya. Kaya kung ano man 'tong kalokohang nararamdaman ko kay Dionne ngayon? Mawawala din 'to, titiisin ko lang muna, sanay naman na  ako eh, nagawa ko nga noon kay Isaiah, ngayon pa ba? Arghhhhh. Infatuation is never an easy situation.

---

Sinundo ako ni Genesis dito sa'min gamit 'yung kotse n'ya no'ng hinatid n'ya kami ni Dionne noon. I wore a simple plain pink cropped-top at high-waisted jeans which is usually my style. Hinayaan ko lang ang buhok kong bumagsak and I'm done.

I'm feeling so awkward right now dahil kami lang dalawa ni Genesis sa kotse n'ya. I can't think of any topic to be discussed about pero susubukan ko.

"So, ilang taon ka na?" I looked at him for a little while habang nakangiti.

Marami pa pala akong hindi alam kay Genesis. I would get to know him better.

"26 years old, ikaw?" Sagot n'ya at nakatuon lang sa daan ang tingin.

"24. Uhmmmm, bakit dito ka nalang nagcelebrate ng birthday? Why not... in Duma?"

I saw him half-smiled.

"Wala lang, may aasikasuhin kasi ako dito."

I continued asking him questions pero napakageneralized ng mga isinasagot n'ya.

My trust issue is arising again.

"I'm sorry, I-I'm just sensitive when it comes to my personal life." Nagbow s'ya nang konti at binalik sa daan ang tingin.

Napalunok ako, baka naman kasi napakamaintriga ko lang. Eh gan'to talaga ako eh, matanungin, kaya nga future lawyer eh. Pero ilugar ko naman siguro dapat, Papa G, 'diba?

"Sorry," tanging naiusal kong napangiwi at napakagat-labi ng konti.

Nakarating na kami ng San Carla City at dumiretso lang sa City Mall.

"Com'on, magsalita ka naman, Ezra."  Napatawa pa nang konting sabi ni Genesis at ngumiti naman ako ng napipilitan, which only I can define.

"Do'n tayo kumain sa kung sa'n tayo ikalawang nagkita," nakangiti n'yang ani habang tinutukoy ang Chowking.

Naalala ko tuloy 'yun, tss, I was so much weird when I kept staring at him that time! Aghhhhh!

"Dito ko nalaman ang pangalan mo,"  I said as I showed a genuine smile.

In my peripheral vision, I could see that Genesis was looking at me pero nagkunwari lang akong hindi ko 'yun napansin, I don't know what I should feel with how he looked at me kasi hindi 'yun ang kadalasang pinapakita n'ya sa'kin eh, his eyes were never able to give me a genuine reaction.

Kumain kami at sa gitna ng nakakabingi naming katahimikan, he talked.

"Uhm, Ez." He cleared his throat at itinaas ko naman ang mga kilay ko para magtanong.

"By any chance, posible bang nakakita ka ng flash drive in an uncertain place?"

Napakunot ako bigla ng noo at napatawa nang konti. "B-bakit ka naman napunta sa usapang 'yan?" Nakangisi kong sabi at sumubo.

"I guess... naubusan na'ko ng topic?" Nagbikit-balikat s'ya at tumawa naman ako kunwari do'n.

Ano ba'ng nangyayari sa'kin? It seems like biglang nawala 'yung pagkacrush ko kay Genesis at ngayon, I feel awkward. Hindi naman ako nakaramdam ng ganito nu'ng kami lang din ni Dionne sa treehouse nu'ng isang araw ah? Ganito ba talaga 'yung crush 'no?

Pero normal lang ba talagang makaramdam ako ng pagdududa kay Genesis? Like, he is an ideal man of mine and I never saw any flaws within him, 'yun siguro ang maling hinahanap ko, he's too good.

We finished eating at pagkatapos naman ay nag-cr si Genesis. Hindi ako mapalagay ngayon, my instinct just shouts way too loud that there's something weird going on.

Napalunok ako nang maisip kong sundan si Genesis at mag eavesdrop.

Nasa tapat ako sa pintuan ng CR ng mga lalaki at kinakabahan din ako sa ginagawa ko ngayon, hindi lang talaga ako matahimik sa kaloob-looban and I really hope I am wrong. I hope there really is no hidden agenda behind all those 'destined'-like meetings. At may narinig nga akong boses at walang iba ang nagtataglay no'n kundi si Genesis.

'Hello? Yes, kasama ko na s'ya. Let me just enjoy this last day, dadalhin ko din naman d'yan.' Klaro sa boses n'ya ang pagngisi n'ya ngayon.

Those simple words came across my heart at para bang naimarka na 'yun doon. I'm very certain na ako ang tinutukoy n'ya, Papa G, may you guide me. I touched a part of my chest kung saan nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko hindi dahil sa takot, kundi dahil sa katotohanang nabigo na naman ako sa pagpili ng kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan.

'Nakuha ko na ang tiwala n'ya, that's nothing to worry about.'

I wanted to cry right this instant pero hindi ko dapat inuuna ang emosyon, as a future lawyer, I know that very well.

Hindi ko na hinintayng may marinig pang iba at agad nang naglakad paalis. Binilisan ko ang paglalakad para agad na makaalis doon, hindi ako aware sakung ano ang kayang gawin ni Genesis para hanapin at ituloy ang kung ano'ng plano nila.

I grabbed my phone at nakita ang mga missed calls ng isang unknown number! Ang bilis namang napansin ni Genesis ang pagkawala ko! I turned it off knowing na pwede n'ya akong matrack gamit 'to.

Papa G, what could've I done wrong? Please help me and make my faith stronger.

I called Papa G repeatedly in my head because He's always the one I could lean upon especially in times like this.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa pasakayan ng van para mas madali at mas matagal akong mahanap ng kung sino pa'ng nagbabalak ng masama sa'kin or worse, sa'min ng pamilya ko.

I'm in Love with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon