Chap TWENTY-SIX
Napakabilis ng pangyayari, andaming putukang bumulagta sa napakaharap ng mga mata ko pa.
Pero hindi ko mapaniwalaang hindi mag-isa si Dionne nang dumating s'ya, at ang mga kasama n'ya pa ay... ang mga PULIS.
Para lang akong estatwang nakatayo dito ngayon habang pinagmamasdan ang pagtatalsikan ng mga dugo. Nanginginig ako at patuloy ang panghihina ng katawan ko mula tuhod. Dahan-dahan nang tumulo ang mga luha ko nang masink-in na sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari ngayon, why should this happen? Nakakalungkot makita ang mga taong nagpapatayan na hindi naman talaga dapat ginagawa.
Hindi ko na matanaw si Dionne dahil sa dami ng mga tao, at ayaw ko din s'yang makitang pumapatay.
At bigla nalang akong may naramdamang kamay na nakahawak sa leeg ko, hindi ko s'ya kilala pero sigurado akong isa s'yang member ng Venom. He choked me at hirap na hirap ako sa pagsasalita, panay lang ang pag-ubo ko!
Sa oras na 'yun ay nahagilap ko din si Dionne na seryosong nakatingin sa'kin, pumipikit-pikit s'ya at para 'yung isang signal na pumikit din ako, napakunot ako ng noo but I ended up following what he said, pumikit nga ako. And in that very moment, I heard a particular sound of gunshot, nanginginig ako, it's not what I'm thinking, right? Hindi s'ya 'yun, 'diba? Hindi s'ya 'yung gumawa no'n?Ramdam ko ang pagbitiw nu'ng lalaki sa pagsakal sa'kin at dahan-dahan ko ding iminulat ang mga mata ko. Namulat ako sa katotohanang, si Dionne nga talaga ang bumaril sakan'ya. Napatakip ako ng bibig habang kita ang lalaking 'yun na nakahandusay at dumudugo ang noo nito, it was a headshot.
Sunod kong tinignan ay si Dionne at sobrang nakokonsensya ako, it was because of me! Pumatay si Dionne dahil sa'kin! At alam kong hinding-hindi ako matatahimik.
I'm so sorry, Papa G.
Nagsibuhusan na parang ulan ang mga luha ko at nanlalabo ang mga mata ko. Hindi ko alam kung may papalapit na naman sa'kin para subukan akong patayin ulit at wala na'kong pakialam ngayon. I was covering my face and cried in so much guilt.
Hanggang sa naramdaman ko ang isang yakap, hindi 'yun tuluyang nakapagpahinahon sa'kin pero I admit it was one of what I just need right now.
He removed my hands which covered my face and lifted up my chin after. We were in the middle of great chaos at naalala ko pa ang usapan namin kagabi,
"'Diba nga, sabi mo nakita mong inilagay 'yun sa bag ko?...bakit hindi mo nalang ninakaw? I mean, b-bakit mo pa kinailangang magpakita't magpakilala sa'kin?" At guluhin ang lahat? I looked at him sincerely. Ando'n pa rin ang lakas ng kabog ng puso ko sa kung ano man ang sasabihin n'ya.
"Siguro, ayoko nang maging criminal at baka ginusto ko lang din 'yun."
Patuloy pa ang pag-agos ng luha ko lalo na nang makita ko nang klaro ang mukha n'ya. "I-I'm sorry, dahil sa'kin n-naging kriminal ka na n-naman," humagulgol pa ako lalo pero kusang natigil 'yun nang punasan n'ya ang mga mata at pisngi ko.
He ended up cupping my face at naging dahilan 'yun para mas matitigan ko lang s'ya. My heart was feeling mixed emotions, it could explode anytime from now."Look, Ezralynne Beleazar. Ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak. I always have seen you smile pero alam kong hindi lahat 'yun ay dahil totoo kang masaya." He stared at my eyes just as how he used to have.
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa-gawa.
"Hindi mo kasalanan 'yun, it was my own will. At kagabi ko lang napagtantong kaya ko palang banggain sinuman para sa'yo, may it mean becoming a criminal again." He was full of genuinity when he said that at hindi ko 'yun maintindihan, what I knew was that it made my heart beat even more fast. Natutulog at nananaginip lang ba ako ngayon? Is this a dream? Is this really happening right now?
Pinagmasdan ko na ang paligid at mga bangkay ng myembro ng Venom at ibang mga pulis ang nakaratay doon.
"Ma'am, dadalhin namin kayo sa ospital." I heard a policeman say that at gusto ko na sanang hindi pumayag pero naintindihan ko ang titig na binigay sa'kin ni Dionne.
I ended up coming with the policemen pero habang papalayo ay panay lang ang titig ko kay Dionne.
Papa G, I've never felt this kind of love before. Totoo pala talagang hindi katagalan ang basehan sa pagmamahal. Because I've liked for years before, they were what my standards suggested me but now, until this very second, I couldn't find out how I ended up loving a criminal within the very few weeks I met him.
...
"Jusmeyo marimar, Rang!" Rinig ko ang malakas na sigaw at pag-iyak ni Auntie habang papalapit sa kung nasaang room ako.
Agad n'ya akong inakap at hinagkan sa noo, klarong-klaro ko ang pag-aalala n'ya. She then looked at me with pity dahil din sa konting mga pasa ko sa mukha.
"Ano ba talaga'ng nangyaring bata ka?!"
Huminga muna ako bago magsalita.
"Auntie,---" pero bigla nalang nabasag ang boses ko at nagsilabasan na naman ang mga luha ko. Tinakpan ko ang mukha ko at humagulgol pero naramdaman ko din ang yakap ni Auntie sa'kin. This was the very first time I've cried in front of her.Pagkatapos kasi nu'ng aksidenteng nangyari nina Mama at Papa ay sobrang nasaktan ako. Napakalaki ng pasasalamat ko nang kupkupin ako nina Auntie kaya ginawa ko lahat ng best ko para hindi maging pabigat sa kanila. I've never shown them my weaknesses, there were even nights na umiiyak lang ako nang tahimik habang nakahiga katabi ni Zeph na natutulog.
I've known Jesus that time but I wasn't really able to know him well and establish a stronger connection with him, maybe also due to my young age. But Auntie kept bringing me to church every Sunday, pinapasali n'ya pa nga ako sa choir, sa mga magbabasa, sa youth, at kung ano pang service na pwede kong magawa sa simbahan.
That was how I came to know Jesus, na nando'n lang naman pala talaga lagi, He was there when I was crying by myself endlessly, He was there when I was in my deepest sorrow, and He will always be there for me and for everyone who's desperate for Him. He was my journal, sakan'ya ko sinasabi at ineexpress 'yung mga nararamdaman kong kilig noon kay Isaiah, He was my very bestfriend, may pagkaloner kasi ako lalo na kapag wala si Zeph, pero kung may nakikipagkaibigan ay nakikihalubilo din naman ako, like Lexi, pero maging sa mga kaibigan ko ay hindi ko din naexpress ang mga tunay kong nararamdaman, iba lang kasi talaga ang openness eh, He's never comparable.I strived hard to appear strong in front of everybody, I never wanted to become a problem to anyone.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a Criminal
Novela JuvenilEzralynne Beleazar, a lawyer to be is also to be in love with a criminal. Which one? There are lots of them. Started: 24 July 2019 Ended: 7 November 2019