Meg's pov:
Kinabukasan ay naipasa ko ang istorya tungkol sa isang pamilya… nakita kong tuwang tuwa si madam sa kwentong gnawa ko…nakakuha nanaman ako nang bonus…
Dapat sana ay pupunta ako sa pamilihang bayan ngunit hndi ito ang sadya ko ngayon… pupunta ako sa sementeryo na aking napaginipan…
Habang nasa daan ay palakas ng palakas ang kabog nang dibdib ko lalo pa at ang mga bahay na nadadaanan nang jip ay syang mismong hilera nang kabahayan na nasa panaginip ko…
Hndi na ako tumuloy sa sementeryo dahil nakita ko ang mismong bahay sa aking panaginip…
Kinilabutan ako ng malapitan ko ang nasabing bahay… puno ito nang mga taong nakikidalamhati… dahan dahan akong lumapit sa mga kabaong at sumilip sa isa sa mga iyon..
Halos panawan ako ng ulirat nang makita ang taong nakahimlay sa kabaong.. walang iba kundi ang tatay sa aking panaginip...!!!
Lumayo ako sa kabaong ng nanginginig at natatakot. Ndi ko na tinitignan ang dinaraanan ko.. nang may mabanga ako..
Ito ay walang iba kundi ang panganay na anak..! Ang salarin sa pagpaslang sa buo nyang pamilya..!!!
Tinignan nya ako na waring nagtataka.. gayon pa man ay ngumiti sya sa akin at nagsabi... "malayo ka ba naming kamag anak…? O katrabaho ka nang itay..?"
Tumingin ako sa maamo nyang muka.. hndi mo talaga aakalain na sa likod nang mukang anghel nitong itsura ay nagtatago ang isang demonyong nagawang pumatay nang sarili nyang pamilya para sa droga..
"C-condolence" ito lamang ang tanging nabangit ko.. tumingin sya sa akin ngunit agad ding nabaling ang tingin nya sa grupo nang mga pulis na dumating..
Nang makita ko ang matandang lalaki na nasa wheelchair ay agad ko itong nilapitan. At kahit naistroke makikita mo sa kanyang muka ang labis na pagdadalamhati..
Hrap gumalaw at hndi na nakakapagsalita ang matanda ngunit hndi maampat ang kanyang luha habang nakatingin sa 5 kabaong sa kanyang harapan..
Hnawakan ko ang kamay ng matanda at nakidalamhati sa kanya.. hndi maawat ang pagpatak ng aking luha hbang nakatingin sa kanya.. ipinalangin ko na sana ay maging malakas nang muli ang matanda upang magawa nyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamilya..
Magalang akong nagpaalam sa matanda umalis na..
Habang papauwi ay umatake nanaman ang matinding sakit ng aking ulo.. sobrang sakit nito na parang anu mang oras ay maaari na itong mabiyak..
Nang makarating sa bhay ay agad kong kinuha ang binili kong alak at dere detsong tinunga ito.. hndi na tumatalab sa akin ang gamot kaya naman para makatulog ay kailangan kong maglasing..
Tulad ng dalawa ko ng panaginip... bgla na lamang akong dumilat ng nasa ibang lugar..
Ngunit iba ngayon dahil kilalang kilala ko ang lugar na ito..
Walang iba kundi ang opisinang pinagpapasahan ko ng aking mga kwento....
BINABASA MO ANG
The Garden's keeper [Completed]
FantasyNagsimula sa matinding pananakit nang ulo hanggang umabot sa panaginip nang mga brutal na pagkamatay nang mga taong hndi naman nya kilala.. Ito ba ang kasagutan sa kanyang mga dasal..? o isa itong sumpa na hndi kaylan man matatakasan.? Lalo pa at an...