Castiel's pov:
Sa pagmulat nang aking mata ay nagbalik na kami sa kwarto ni meg., nagkayakap pa rin kami tila ba ayaw magkahiwalay..
Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.. ayaw nyang humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin.. patuloy syang umiiyak habang binuhat ko sya at ihiniga sa kama..
"Matulog ka na muna Meg…" mahina kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok… pumikit sya kaya naman inayos ko ang kumot na bumabalot sa kanyang hubad na katawan…
Tumalikod ako at tumayo… ang balak ko ay ikuha sya nang damit na maaari nyang suotin… ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay tumayo na sya at hinawakan ang aking kamay…
Nang lumingon ako ay nakita ko ang kumot na nasa sahig…dahan dahan akong napatingin sa kanyang binti, hita , balakang, bewang , dibdib, balikat leeg at muka.. puno nang pangamba ang kanyang muka.. hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at hinalikan..
Ilang beses na akong nakakita nang hubad na katawan nang tao.. ngunit ngayon lang ako nakaramdam nang init habang nakatingin sa kanyang katawan..
Tinugon nya ang aking halik kaya naman lalo ako naging mapangahas.. hinawakan ko ang kanyang batok at bewang upang palalimin pa ang halik..
Nang yumakap sya sa akin ay agad ko siyang pinangko at ihiniga sa kama habang patuloy kaming magkayakap ay patuloy ang halik na aming pinagsasaluhan.. nakadagan ako sa kanya kaya naman nailang ako na baka nagbibigatan na sya sa akin.. tinangka kong bumangon ngunit humigpit pang lalo ang kanyang yakap sa akin.. maging ang kanyang mga hita ay pinulupot nya sa aking bewang..
Ngumiti ako at hinalikan saya sa noo, nakita ko namang napapikit sya..napakaganda nya talaga.. sa tuwing malapit sya sa akin ay masaya ako at kapag malayo naman sya ay nangangamba ako na baka mapahamak sya..
Pinagmasdan kong mabuti ang kagandahang nasa ilalim ko.. nakangiti sya habang tila nag hihintay sa susunod kong gagawin..
"Napakaganda mo…" mahinang sabi ko sa kanya…
Natawa sya at hinila ako papalapit sa kanya hinalikan nya ako…
Matinding init ang nararamdaman ko habang hinahalikan ko ang kanyang buong muka papunta sa kanyang leeg… hanggang sa pagitan ng kanyang dibdib… napakagat sya sa kanyang labi habang nakapikit at nakahawak ang magkabila nyang kamay sa aking ulo…
"Castiel… castiel…" napahinto ako nang marinig ang tinig na iyon mula sa aking isipan..
Dumilat si Meg at nagtatakang tumingin sa akin..
Ngumiti ako at hinalikan sya sa noo.. unti unting pumikit ang talukap nang kanyang mga mata..
"Matulog ka nang mahimbing aking mahal…" mahina kong sabi sa nahihimbing na si Meg…
"Kapatid kong Castiel…"
Napahinto ako at lumingon sa paanan nang kama..nakatayo doon ang anghel na si Gadril..
"Gadril…" muli kong tinignan ang mahimbing na pagtulog ni Meg… inayos ko ang kumot nakapatong sa kanyang katawan…
"Anong ginagawa mo Castiel…" seryoso ang bawat katagang lumalabas sa kanya…
Napangiti ako dahil tulad ko rin sya noon… walang emosyon…
"Ilang daang taon tayo nagkahiwalay aking kapatid… hindi mo man lang ba ako yayakapin at kakamustahin…?" Nakangiti kong sabi kay Gadril..
"Anong nangyari sa iyo Castiel…? Bakit bigla kang nagbago.."
Ngumiti lamang ako at nagtungo sa kusina.. kumuha ako nang malamig na tubig..
Inubos ko ang laman nang baso dahil uhaw na uhaw ako.. nagtataka namang nakatingin sa akin si Gadril..
"Anong ginagawa mo Castiel…" seryoso nyang tanong sa akin…
"Ilang beses mo ba balak itanung iyan sa akin…?" Natatawa kong sabi sa kanya..
"Unti unti ka nang nagiging tao kapatid ko…"
Napalingon ako kay Gadril…
"Kung magkagayon man ay ikatutuwa ko iyon…" nakangiti kong sabi sa kanya…
"Nagkakamali ka Castiel… sa oras na maging ganap kang tao ay ang oras na maglalaho ka na parang bula…"
Napatingin ako sa aking kapatid… anong ibig nyang sabihin…?
BINABASA MO ANG
The Garden's keeper [Completed]
FantasyNagsimula sa matinding pananakit nang ulo hanggang umabot sa panaginip nang mga brutal na pagkamatay nang mga taong hndi naman nya kilala.. Ito ba ang kasagutan sa kanyang mga dasal..? o isa itong sumpa na hndi kaylan man matatakasan.? Lalo pa at an...