Castiel's pov:
"Ano ang ibig mong sabihin Gadril…?" Tanong ko sa kanya..
"Nasaan ang iyong liwanag…?" Lumapit sya sa akin at pilit na tumingin sa aking mata habang pilit naman akong nagiiwas nang tingin..
"Pinahiram ko kay Meg … malubha ang kanyang karamdaman kaya naman ibinigay ko iyon sa kanya upang magaling sya…"
Kumunot ang noo nya at tumingin sa bukas na pinto nang kwarto…
"Hindi ka tumupad sa ating usapan… nangako ka sa aking ibabangon mo ang aking karangalan…nangako kang hahanapin ang susi sa hardin ni eba at adan …"
Natatandaan ko ang pinangako ko sa kanya…ang hanapin ang susi sa hardin upang maibigay sa mga kaluluwa ang paraisong ipinangako nang ama sa mga tao……
Si Gadril ang taga pag ingat nang hardin nang nilikha nang ama si adan at eba… ngunit sa isang pagkakamali ay natukso ng ahas si eba na ialok kay adan ang makasalanang prutas… hndi naging maingat si Gadril sa pagbabantay kaya naman lubos syang sinisi nang mabuo ang kasalanang mortal nang mga tao dahil kay adan at eba…
Ang hardin ay paraiso para sa mga kaluluwa nang mga namayapa… ito ang bahagi nang langit na inilaan lamang para sa kanila…
Ngunit ipinasara ito ng ama at itinapon ang susi sa lupa…
Kaya naman nangako ako kay Gadril na hahanapin ko ang susi at muling bubuksan ang hardin…
"Alam mo naman ang mga tulad nating anghel ay hindi dapat makielam sa mga tao… hndi ka lamang nakielam… ibinigay mo pa ang iyong liwanag upang mailigtas ang buhay nya…!!!" Sigaw ni Gadril..
"Napakatagal na panahon akong namalagi sa mundo para lamang matupad ang ipinangako ko sa iyo…ngunit hindi ko pa nahahanap ang susi Gadril…" malumanay kong sabi
"Sinungaling…!!! Nasayo na ang susi ngunit ayaw mo itong ibigay sa akin..!!"
"Anong ibig mong sabihin Gadril…?"
"Isa ang babaeng yan sa parte nang susi Castiel… hindi sya kompleto dahil nasa iba pa ang ibang parte…" naguguluhang tumingin ako sa gawi ni meg…
Nasa kanya ang parte nang susi…?
"Buuin mo ang susi Castiel… hanapin mo ang iba pang parte .." malumanay na sabi sa akin ni Gadril..
"Wag ka nang mangamba Gadril… tutuparin ko ang aking pangako…"
"Kuhanin mo sa kanya ang iyong liwanag Castiel…kailangan mong maibalik sa iyong katawan ang iyong liwanag… dahil unti unti kang mamamatay… mahina na ang iyong kapangyarihan… ilang linggo o buwan mula ngayon ay tuluyan kang maglalaho kapag hndi ka nakinig sa akin…"
"Ngunit maaari nyang ikamatay kung kukuhanin ko sa kanya ang aking liwanag…" kunot noo kong sabi kay Gadril…
"Piliin mo ang iyong sarili Castiel… dahil ang mga tulad natin ay walang kaluluwang makapupunta sa langit… maglalaho lamang tayong parang bula…"
Ito ang ang kanyang huling sinabi habang unti unti siyang naglalaho …
Bumalik ako sa kwarto… humiga at buong magdamag na pinagmasdan ang kagandahan nakahanda kong pag alayan nang aking buhay…
Mas nanaisin kong maglaho kaysa sa yakapin ang walang buhay nyang katawan…
Ama… nagmamahal ako nang isang tao… isang pambihirang babae… handa kong ialay ang aking buhay upang masiguro ang kanyang kaligtasan…
BINABASA MO ANG
The Garden's keeper [Completed]
FantasyNagsimula sa matinding pananakit nang ulo hanggang umabot sa panaginip nang mga brutal na pagkamatay nang mga taong hndi naman nya kilala.. Ito ba ang kasagutan sa kanyang mga dasal..? o isa itong sumpa na hndi kaylan man matatakasan.? Lalo pa at an...