Chapter 10: Baguio (1)

2.4K 97 1
                                    

Meg's pov:

Kasabay nang pagmulat ng aking mga mata ay ang pagdampi nang malamig na hangin sa aking balat..

Hindi na ako nagulat.. alam ko na isa nanaman ito sa aking mga panaginip..nasaang lugar kaya ako..?

Nagulat pa ako nang mapansing katabi ko si castiel na lumilingon lingon na tila ba inaalam kung saang lugar na kami na padpad..

"Castiel … anong ginagawa mo sa panaginip ko…?" Sabi ko sa kanya,

Lumingon sya sa akin na tila ba nagtataka sa sinasabi ko..

"Hindi ka nananaginip … bkit mo naman naisip iyon…?" Nagtatakang tanong nya sa akin..

"Anong ibig mong sabihin.? "

"Ang buong akala ko ay alam mo na na may taglay kang kapangyarihan…"sabi nya sa akin habang dahan dahang tumawid sa kabilang panig ng kalsada..

"Ang pagkakaalam ko ay nalalaman ko ang mangyayari sa hinaharap sa pamamagitan ng panaginip…"  lumingon sya sa akin at bglang naglaho…

"nakakapaglakbay ka sa pagitang nga ibat ibang panahon.." nagulat ako nang biglang nasalita sya sa tabi ko…

"Paano mo nagawa iyon…!!!bakit ka bigla kang naglaho at biglang napunta sa tabi ko…!!!?"

"Katulad lang din sa kung paano ka nakapunta dito ngayon. Ito ay 3 araw sa hinaharap.. hndi ko alam bkit dito mo napiling maglakbay.... "

"Hndi ko maintindihan … ibigsabihin naroroon talaga ako sa mga lugar na iyon…? Ngunit paanong wala ni isa sa kanila ang nakakita sa akin,.? "  nagtataka kong tanong kay castiel..

"Nakita ka nila ngunit binubura ko ang ala ala nang ilan…"

"Ngunit bakit nandito tayo ngayon castiel…?"

"Yun ang hindi ko alam…"

Ilang sandali pa ay dumating ang isang bus… patungong baguio ang byahe nito…

Sabay kaming sumakay ni castiel sa bus na iyon..

Ano kayang mangyayari.??

Mayron kayang kamatayang naghihintay sa mga pasahero ng bus na ito..?

At kung mayron man, magagawa ko ba itong pigilan..?

Tumingin ako kay castiel...

Ano bang kapangyarihan ang taglay ko.? At bakit ako mayron nito..?

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon