Castiel's pov:
Sa pagkamatay ni Meg ay nabuksan ang pinto nang hardin…
Napaka ganda nang luntiang kapaligiran.. lalo pa itong naging maganda nang dumating na ang mga kaluluwa nang taong karapat dapat sa paraisong ipinangako nang ama sa mga tao.
Ilang taon na ang nakakalipas.. ngunit hndi ko pa rin nakita ang hinahanap ko..
Bilang parusa sa pagkamatay ni Gadril. Ako ang ginawang tagapag ingat nang hardin.. sa utos na rin ni Michael..
Araw araw kong nililibot ang bawat parte nang paraiso sa pagbabaka sakaling makikita ko sya..
Araw araw kong ipinagdasal na sana ay makasama ko syang muli..
Ilang taon na ang lumilipas ngunit hndi pa rin ako nawawalan nang pag asa..
Na balang araw ay makikita ko siyang muli.. naputol ang aking pag mumuni muni nang lumitaw sa aking harapan si Michael.
"Kapatid… may maganda akong ibabalita sa iyo… may napili na akong makakasama mo sa pagbabantay sa hardin…"
Kahit hndi interesado ay pinilit kong ngumiti…
"Kakaiba ka sa lahat nang anghel Castiel…"
Tumingin ako kay Michael . Muli syang nag salita.
"Maging ako ay nagtataka sa kung paano nanatili sa iyo ang pakiramdam at emosyon…"
Tumingin ako sa kanya at nagsalita…
"Michael… tama ang ama… napakagandang nilalang ang mga Tao… nilikha sila ng ama na marunong makaramdam at magkaemosyon… napakasarap sa pakiramdam …"
"Hindi bat ngayon ay nakakaramdam ka nang matinding kalungkutan…?" Muling tanong sa akin ni Michael.
Ngumiti lamang ako at umupo sa isang malaking ugat nang puno.. muli akong nagsalita habang pumapatak ang aking luha..
"Higit sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon ang kasiyahang nadama ko habang kasama ko sya…para sa akin ay nagawa nyang ibuwis ang kanyang buhay…hindi ko dapat iyon ikalungkot… dahil ang pagmamahal na naramdaman ko at ang mga ala ala ko habang kasama sya ang araw araw kong aalalahanin upang makayanan pa ang mga susunod pang mga taon na wala sya sa aking piling…"
Lumapit si Michael sa akin at umupo sa tabi ko..
"Kailangan ko nang umalis..papupuntahin ko na lamang ang makasasama mong magbantay dito...." tinapik nya ang aking balikat hbang naglakad papalayo..
Patuloy ang aking pag iyak.. gustong gusto kong makita at mayakap ang tanging babaeng minahal ko.. yumuko ako at pumikit habang ipinagdasal na sa sana ay makasama kong muli si Meg..
Hindi ko pinansin ang mga paa na nakatayo sa aking harapan.. patuloy lamang ako sa pag iyak habang naka yuko..
Naramdaman kong umupo sya sa aking harapan at tumingin sa akin.. dahan dahan nyang hinawakan ang aking baba at inangat upang magpantay ang aming mga muka.,
Nanlaki ang aking mga mata....hindi ako makapaniwala...!
Unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang magandang muka.. mahigpit ko syang niyakap..
"Salamat…salamat at bumalik ka… Meg…"
"Si Michael… ginawa nya akong kasama mo sa pagbabantay sa hardin… hinding hindi na tayo magkakahiwalay mahal ko…"
Kapwa kami lumuluha habang magkalapat ang aming mga labi……
BINABASA MO ANG
The Garden's keeper [Completed]
FantasíaNagsimula sa matinding pananakit nang ulo hanggang umabot sa panaginip nang mga brutal na pagkamatay nang mga taong hndi naman nya kilala.. Ito ba ang kasagutan sa kanyang mga dasal..? o isa itong sumpa na hndi kaylan man matatakasan.? Lalo pa at an...