Chapter 11: Baguio (2)

2.4K 100 2
                                        

Meg's pov:

Habang bumabyahe ay patuloy ang malakas na pagkabog nang dibdib ko..

Nangangamba ako sa maaaring mangyari..

Habang pumapanik sa matarik na daan ang bus ay may ilang kalalakihan ang sumakay. Madami silang dala dalang gamit kaya naman umalma ang ilang pasahero.. nagkaroon nang pagtatalo sa pagitan nang mga bagong dating at mga pasahero..

Tinangka ko sila lapitan ngunit humarang si castiel sa aking daraanan..

"Hndi tayo maaaring makielam sa mga bagay na nakatakda nang  mangyayari " malumanay na sabi sa akin ni castiel.

"Hindi ako pwedeng magpasawalang bahala…! Kailangan ko gumawa nang paraan…!" Pigil ang galit kong sinabi sa kanya..

"Dapat mong malaman na sa bawat pagbabago na gagawin sa nakatakdang mangyari ay makagugulo sa kamatayan at pagkabuhay nang mga tao"

Tinignan ko ang kanyang mga mata…

"Nang hawakan mo ang kamay nang matandang 4 na taon nang may stroke ay napagaling mo sya sa kanyang karamdaman. Kaya naman nagawa nyang ituro sa mga pulis kung sino ang pumaslang sa mag anak.."

"Tama lang ang ginawa ko castiel…! Hndi kaya ng konsensya kong makita ang lahat at wala man lang nagawang paraan,, kung totoo man na nagawa kong pagalingin ang matanda.. ipinapasalamat ko iyon.."

"Nagkakamali ka… dahil sa ang matanda ay tuluyan mong pinagaling ...bumalik sya sa kanyang bisyo… muli syang naligaw ng landas… 2 araw matapos ang libing ay nakatakda siyang pumanaw ngunit tiniyak kong sa langit sya pupunta dahil humingi sya nang kapatawaraan sa ama.. ngunit dahil sa ginawa mo  muli syang nakagawa nang kasalanan.,,"

"Ano ba ang ginawa nya…?"

"Muli syang lumapastangan nang batang lalaki… ang ama at ang panganay na anak ay parehong dumanas nang ganitong pangyayari… mula sa matanda.. ngunit wala silang pinagsabihan ng kanilang dinaranas.."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin..

"Araw araw silang nagdadasal na sana isang araw ay magbago na sa masamang gawi ang matanda… dilingin ang kanilang panalangin nang ito ay magkastroke.."

Nabigla ako dahil sa aking nalaman.. ang buong akala ko ay nakatulong ako.. ngunit mukang nagkamali pla ako sa aking akala..

"Castiel…" lumingon sya sa akin.  "Ano ang nakatakdang mangyari sa sa bus na ito…?"

"Nakatakda itong mahulog sa bangin at sumabog…"  simpleng sagot nya…

Ni walang emosyong makikita sa kanyang muka… samantalang ako naman ay halos panawan na nang ulirat…

"Ano ang dahilan bkit ito mahuhulog.?"

"magkakaroon nang away sa loob ng bus… at aksidenteng mababaril ang  driver…" malumanay na sabi nya sa akin…

"Kailangan ko itong mapigilan castiel…"

"Kapag hndi nahulog ang bus na ito ay makakabungo ito nang kasalubong na van… mamamatay ang lahat nang pasahero nang van na iyon … "

Anong gagawin ko …? Bkit bnigyan ako nang ganitong kakayahan kung hndi ko naman magagawang magkapagligtas nang tao..!

"10 minuto mula ngayon ay mahuhulog na ang bus na ito.. kailangan na nating bumalik sa kasalukuyan.."  hahawakan sana nya ang aking noo ngunit pinigil ko ang kamay nya..

"Kailangan kong subukang magligtas ng buhay castiel"

Hndi ko alam kung ano ang dapat kong gawin…pumikit ako at huminga nang malalalim…

Kailangang mapigilan ko sila sa pag aaway…

Lumapit ako at pumagitna sa dalawang lalaking nag sasagutan… natigilan sila nang hawakan ko silang pareho sa  balikat…

"May bakanteng pwesto sa likuran… doon na kayo umupo nang mga kasama mo…" lingon ko sa mga bagong dating na mga lalaki…

"At ikaw… wag mo nang bunutin ang dala mong baril… umupo ka na at matulog…" lingon ko sa lalaking kaaway nang mga bagong dating…

Hndi ko alam kung bkit nasabi ko kung sino sa kanila ang may hawak nang baril… parang bgla nalang akong kinutuban…

At lalo namang hndi ko alam kung bkit tahimik silang sumunod sa akin…

Nang lumingon ako kay castiel ay matiim lang syang nakamasid sa akin…

"8 minuto mula ngayon ay makakaka bunguan na sila ng bus"

Kailangan kong makagawa nang paraan para mailigtas ang van ngunit paano..??

Paano!!!!!!!

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon