Meg's pov:
napaka amo nang kanyang muka… makapal ang kilay nya at bilugan ang brown nitong mata… matangos ang ilong at mapula ang labi…
Bigla itong umupo mula sa pagkakahiga sa kama... wala itong pang itaas na damit...
maganda rin ang pangangatawan nito at may kaputian…
Ngunit hndi ibigsabihin nun ay mabuting tao na sya…! Maari katulad lamang sya nang lalaking pinatay ang kanyang pamilya para sa droga..!
Dahan dahan syang tumayo at laking gulat ko nang makitang wala syang kahit anong saplot sa katawan.. natatakpan lang pala ng kumot ang hubad nyang katawan kanina..
Lumapit ito sa akin at nagsalita..
"Isa kang espesyal na babae Meg… " seryosong sabi nya sa akin…
Natakot naman ako dahil sa kanyang sinabi… paano nya ako nakilala at paano sya nakapasok sa aking kwarto gayong sinigurado kong nakakandado ang buong kabahayan…
"Ang pangalan ko ay Castiel… isa akong anghel…" seryoso pa rin nitong sabi sa akin…
Unti unti ay nagagawa ko ng gumalaw kaya sinubukan kong magsalita…
"Pakawalan mo ako…" sabi ko sa kanya…
Naramdaman ko namang tuluyan akong nakawala sa kung anu mang mahika ang kanyang ginawa…
Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at papunta sa pinto palabas ng bhay ngunit pagkalabas ko pa lang nang kwarto ay nakita ko na syang nag aabang sa akin sa pintuan…
"Wag kang matakot sa akin…hndi ako masama…"
"Patunayan mo..! Umalis ka dito..! Iwan mo ako..!" Sigaw ko sa kanya..
"Patawad ngunit hindi ko iyon magagawa…" dahan dahan syang lumalapit sa akin…
"Dyan ka lang…! Bakit hndi mo ako pwedeng iwan..?" Sabi ko sa kanya..
"Hindi ko alam… pilit akong hinihila papalapit sa iyo… alam ko na naguguluhan ka… maging ako man ay naguguluhan din…" paliwanag nya sa akin…
Matagal dn kaming nagusap… at sa paguusap na iyon ay naging palagay ang loob ko sa kanya…
"Hindi ka ba naiilang sa itsura mo…?" Tanong ko sa kanya habang pilit na nag iiwas nang tingin.,
"Wala akong dapat ikailang sa aking itsura… gnawa ako nang ama na maganda at kaayaaya sa lahat…" nagtataka nyang sagot sa akin…
"Hndi naman iyon ang gusto kong sabihin … nakahubad ka…" pilit ko paring iniwas ang tingin ko sa kanya…
"Wala namang masama … maging si eba at adan ay nakahubad… at lahat ng tao na isinisilang ay nakahubad… kaya wala akong nakikitang masama dito…"
"Pero kasi…"
"Iyan ang problema sa inyong mga tao… masyado na kayong nagiging mapagmalisya … masyado kayong nagnanasa sa mga walang kabuluhang bagay… maging ang pagniniig na dapat ay gnagawa lang nang mag asawa ay gnagawa nyo sa kahit na sino na lamang.. hndi ko kayo maintindihan..." kunot noo na sabi nya sa akin.
Natawa ako sa sinabi nya at nahihiya din dahil tama naman sya..
"Pero hndi ka maaaring lumabas ng bahay nang nakahubad…" kumuha ako ng ilang damit na pupwede nya magamit ngayong gabi…
Nang masuot nya iyon ay nagmuka na syang tao… hehe
"Gabi na at napapagod na ako… gusto ko na sanang matulog…" sabi ko sa kanya…
Lumapit sya sa akin at itinapat ang dalawa nyang daliri sa aking noo… unti unti namang pumikit ang aking mga mata… binuhat nya ako at dinala sa kama…
Narinig ko pa syang nagsalita…
"Matulog ka na nang mahimbing… nandito ako para mabantayan ka…"
BINABASA MO ANG
The Garden's keeper [Completed]
FantasíaNagsimula sa matinding pananakit nang ulo hanggang umabot sa panaginip nang mga brutal na pagkamatay nang mga taong hndi naman nya kilala.. Ito ba ang kasagutan sa kanyang mga dasal..? o isa itong sumpa na hndi kaylan man matatakasan.? Lalo pa at an...