Meg's pov:
Napakabilis nang mga pangyayari… namalayan ko na lamang na nasa likuran na namin ang binatilyong iyon…
Tinangka nya akong hawakan ngunit naging maagap si castiel na nakailag…
Pilit akong itinatago ni Castiel sa kanyang likuran…
Itinaas nya ang kanyang kamay at natigilan ang binatilyo…tila hndi ito makagalaw… ngunit hindi ito nakasapat dahil ngumisi sya kay Castiel at dahan dahang humakbang… nagkakagalos na sa katawan ang binatilyo dahil sa pwersa nang pagpigil ni Castiel… ngunit talagang mapilit ang binatilyo…
Biglang bumagsak at nawalan nang malay si Castiel… agad akong lumapit sa kanya…nakita kong dumudugo ang kanyang mata at ilong…!!! Natakot ako..
Nang tignan ko ang binatilyo ay nabigla ako dahil gahibla na lamang ang pagitan nang aming mga muka...
Ngumisi sya at hinawakan ang aking braso...
"Bitiwan mo ako…!!!!" Sigaw ko sa kanya.
"Bibitawan kta kapag nasiguro ko na ang kamatayan mo..!!!!"
Naramdaman ko ang pagdaloy nang kuryente sa aking katawan..napaka sakit..! Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at tumili habang halos masunog na ang aking braso,, napakahapdi at napaka kirot.! Halos panawan na ako nang ulirat..
Naramdaman ko ang katawan ko na bumagsak sa sahig di kalayuan sa katawan ni castiel,,
Bakit nya ako nabitawan.? Tumingin ako sa binatilyo at nakita ko ang maninipis na parang sinulid na nakapulupot sa kanyang katawan..
Nagpupumilit syang kumawala ngunit hndi nya magawa..
"Malaki ang naging sugat mo Meg"
Lumingon ako sa lalaking nakaluhod sa tabi ko… ito ay walang iba kundi si Ben… ang Puppeteer…
"Kailangan mong pagalingin ang sarili mo…gamitin mo ang kapangyarihan mo Meg…"
Pumikit ako at pilit na ginamit ang natitira ko pang kapangyarihan… ipinagdasal kong sana ay magawa kong mapagaling ang aking mga sugat…
Nang mag mulat ako nang mata ay nakita ko ang madugong laban ni Ben at nang binatilyo… pilit na iniiwasan ni Ben ang kuryenteng ihinahagis sa kanya… nanlaki ang mata ko nang makita ang ga bundok na bangkay nang tao di kalayuan sa pwesto kung saan naglalaban ang dalawa…
Sunog na sunog ang mga katawan nang mga biktima… magkakapatong sila na tila ba mga tuyot na dahong inapuyan…
Puno na nang paso at sugat ang katawan ni Ben…
maging ang katawan nang binatilyo ay puno na din nang sugat… patuloy ang kanilang paglalaban habang patuloy din ang pag agos nang kanilang dugo…
Ginamit ni Ben na tila isang latigo ang kanyang binagbuklod buklod na sinulid habang tila isang malaking espada naman nang kuryente ang gamit nang binatilyo…
Patuloy ang kanilang laban hangang mapaluputan ni Ben ang Leeg nang Binatilyo… namula hangang nangitim ang muka nito dahil sa sobrang higpit nang pagkakasakal nang lubid sa kanyang leeg… bumagsak ang binatilyo habang paika ika naman ang paglapit ni Ben sa akin…
"Halika na Meg kailangan nating mapagaling ang mga su…" hindi na naituloy ni Ben ang kanyang sinasabi…
Sa kanyang likuran ay naroon ang nakangising Binatilyo hbang nakatarak sa batok tagos muka ang espada nyang kuryente… unti unting nasunog ang katawan ni Ben…
Wala akong nagawa kundi ang sumigaw habang unti unting naging abo si Ben…
Nag init ang aking pakiramdam… nanlabo ang aking paningin… tumayo ako at muling sumigaw…
Ibinuhos ko ang lahat nang natitira kong lakas…
Galit na galit ako…! Lalo pang tumindi ang init na naramdaman ko at nang magmulat ako nang mata ang takot na takot na binatilyo ang aking nakita.,
Lumapit ako sa kanya ngunit tumakbo sya palayo sa akin pababa nang hagdan.,
Nakita ko ang pagtakbo nya sa ground floor. Mukang tatakas talaga sya.. ngunit hndi ako papayag.,
Mula sa 3rd floor ay tumalon ako hangang mapunta ako sa harapan nya.. sindak na sindak sya sa kanyang nakita.. ngunit wala akong pakielam.. hinawakan ko ang kanyang leeg nang napakahigpit at siniguro ko na hindi sya makahihinga.. ngunit hndi pa ako kuntento.. lalo ko pang hinigpitan hanggang sa papunit ang balat at laman sa kanyang leeg. Nagsisigaw sya sakit ngunit hndi ako tumigil nag iinit parin ang aking pakiramdam..
"Meg…tama na…" mahinang sabi sa akin ni Castiel…
Unti unting nawala ang init na nararamdaman ko … lumingon ako sa kanya at binitiwan ang walang buhay na katawan nang binatilyo…
Niyakap ko ang nanghihinang katawan ni Castiel
"Umuwi na tayo Castiel" bago kami tuluyang maglaho ay nakita ko ang isang lalaking nagmamasid sa amin… napakaamo nang kanyang muka…
Gadril's Pov:
Kompleto na ang susi.. ngayon ay maaari nang mabuksan ang hardin.. si Meg ang susi...
Ako ang nagdala sa binatilyong iyon ay Meg.. ang mga tao na biniyayaan nang kapangyarihan ay ang mga susi.. kada isang siglo ay nagkakaroon nang apat na parte ang susi nang hardin... apat na tao na may pambihirang kakayahan.. at kailangan nilang mabuo upang makumpleto ang susi. At dahil nagsimatay na ang tatlo ay isa na lang ang susi.. ang nakompleto na sa katawan ni Meg ang susi...!! Napakasaya ko..!!!
Ngunit isa na lamang ang problema.. ang susi ay kailangang mag-alay nang kanyang buhay upang mabuksan ang hardin..
At alam kong hindi makapapayag si Castiel.,,,
Kailangan ay kusang loob ang pag aalay nang buhay kaya hindi ko puwedeng pilitin si Meg..
Ano ang gagawin ko...!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/25201670-288-k199957.jpg)
BINABASA MO ANG
The Garden's keeper [Completed]
FantasyNagsimula sa matinding pananakit nang ulo hanggang umabot sa panaginip nang mga brutal na pagkamatay nang mga taong hndi naman nya kilala.. Ito ba ang kasagutan sa kanyang mga dasal..? o isa itong sumpa na hndi kaylan man matatakasan.? Lalo pa at an...