Chapter 21: The Pupeteer (1)

2.1K 108 1
                                    

Meg's pov:

Ilang araw na rin ang nakalilipas ngunit walang kakaibang pangyayari sa paligid.. bored na rin ako sa bahay kaya naman naisip kong ayain si castiel na manood nang sine..

Nang makarating sa sinehan ay may umagaw sa aking pansin.

LIVE SHOW: THE PUPETEER (Master Ben and Carl)

Hinila ko si Castiel papunta sa ticketbooth nang live show…

Makatapos nang mahaba habang pag pila ay nakaupo na rin kami 3 hilera  mula sa stage…

Nang mamatay ang ilaw at bumukas ang spotlight ay may dahan dahang lumabas mula sa makapal na kurtina ang isang lalaki…

Tanging tunog nang kanyang papalapit na sapatos ang mariring habang papalapit ang lalaki sa nakatayong mic. Sa gitna nang stage... may dala dala syang malaking maleta..

Nang tuluyang makita ang muka nang lalaki ay nagtilian ang mga babae.  Napakagwapo.!!

Ngumiti sya at kumaway sa mga nanunuod..

Mula duon ay inilabas ng lalaki mula sa kanyang maleta ang isang pupet. Muka itong batang lalaki na naka toxedo  ngunit gawa ito sa kahoy... hndi ko alam kung bkt imbis matuwa sa cute na pupet ay kinabahan pa ako nang makita ko ito..

Creepy..

Nagsimula na ang show.. nakakatuwa at nakakalibang ang pagsayaw at pagkanta ng pupet.. tawa ako nang tawa sa pagbabatuhan ng lalaki at ng pupet ng kani kanilang jokes..

Nang tignan ko si castiel ay tahimik lamang sya at nakakunot ang noo..

"Ikinagagalak na makilala ni carl ang magandang binibining nasa ika tatlong hilera mula sa akin…" masiglang sinabi nang lalaki…

"Binibi ni anong pangalan mo…? Pwede bang manligaw ..? " sinabayan pa ng pupet ng matinis na pag tawa..

Tumutok sa gawi ko ang ilaw at inaya ako nang lalaki na pumunta sa stage. pinipigilan sana ako ni castiel ngunit pumunta pa rin ako..

masayang nakipag usap sa akin ang pupet..

"Binibini maganda ka daw sabi ni Master…!  Hahaha"sabi ng pupet

Tinignan ko ang muka nang lalaki habang nagsasalita ang pupet tila ni hindi man lang gumagalaw ang mga labi nang lalaki..  ang galing.!

Nagtalo ang lalaki at ang pupet at halos sabay pa sila kung magsalita..pano nya nagawa iyon..? Magkaibang boses at sabay na nagsasalita..

Bgla silang tumigil at sabay pang tumingin sa akin..

Hinawakan nang lalaki ang aking kamay at hinalikan iyon habang patuloy parin sa pagtitig sa aking mga mata.

Narinig ko naman ang panunukso nang pupet sa gnawa nang kanyang master..!! Ngunit panu nya iyon nagawa..! Tila ba may sariling buhay ang kanyang pupet..!

Tulala pa rin ako nang matapos ang show.. tahimik naman si castiel habang nakatingin sa akin..

Nang makauwi sa bahay ay humiga na ako sa aking kama habang humiga naman sa sofa sa labas ng kwarto si castiel..

Malalim na ang gabi nang maalimpungatan ako.. init na init ang aking pakiramdam..parang may mga lubid na dahan dahang pumupulupot sa magkabila kong kamay . Dahan dahan dahan ding pumupulupot sa aking paa papunta sa aking binti at hita.

Pinilit kong gumalaw lalo n at nararamdaman ko ang pagpulupot nang parang lubid sa aking leeg..

Nang idilat ko ang aking mata ay nakita kong nakaupo sa dibdib ko ang pupet na nakita ko sa show..!

Ngunit nasaan ang kanyang master..!? Gumagalaw itong mag isa..!

"Buhatin mo ako at dadalhin kta kay master…"

Bglang gumalaw ang katawan ko at binuhat ang pupet..

Anong nangyayari...! Bkt wala akong control sa sarili kong katawan..!

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon