Chapter 17: Panganib

2.1K 106 2
                                    

"Maawa ka sa akin…" nanginging na sabi nang ginang habang lumuluha…

Ngumiti lamang ang batang babae at saka unti unting nagpaangat nang upuan… sa pamamagitan nang kanyang isip…

Lumingon siya sa kanyang ina at biglang mabilis na tumilapon ang upuan papunta rito…

Mabuti na lamang at nakailag ang ina kaya naman ang braso na lamang nito ang natamaan nang tumilapong upuan…

"Anak… maawa ka…" pakiusap nang ina…

"Awa?  Ilang ulit ko iyang isinigaw sa tatay.! Ngunit panakingan ba nya ako..!! Hindi.!!! Hindi.....!!!!!!!!"  Sigaw nang batang babae.. nag-angatan ang mga gamit sa bahay.. nasiputukan ang ilaw at nabasak ang bintana..

"Wala akong ginawang masama sa iyo anak..." lumuluhang pahayag nang ina..

Nagalit nang husto ang bata kaya naman sabay sabay na nagsitilapon ang mga nakalutang na gamit sa bahay patungo sa lumuluhang ina…

Hindi na sya nakailag habang paulit ulit siyang natatamaan nang bawat tumilapong gamit sa kanyang katawan…

Puno nang sugat at pasa ang ina nang magsibagsakan ang mga gamit… patuloy ang pag agos nang dugo mula sa kanyang ulo……

Dahan dahang lumapit sa ina ang bata…"iyan ang kasalanan mo ina…Wala kang ginawa…"  lumuluhang bangit nang bata…

Ibinuka nya ang kanyang kamay at mabilis na lumipad sa ere papunta sa kanya ang isang malaking kutsilyo…

"Nag bulag bulagan at nagbingi binihan ka lamang habang gabi gabi ay paulit ulit akong ginagahasa nang tatay…!!!! " lumuluhang sambit ng bata.. itinaas nya ang hawak nyang kutsilyo at paulit ulit itong iwinasiwas sa katawang nang nagmamaka awa nyang ina..

Wala kang maririnig kundi ang pagmamaka awa at pagtangis nang ina at malakas na paghalakhak nang anak..

Nang bgla nalang tumilapon ang bata at bumanga sa pader.. unti unting tumulo ang sariwang dugo sa kanyang ulo.. tumayo ang bata at ngumisi na tila ba walang nangyari...

Castiel's pov:

Huli na ang lahat nang matunton ko ang bata… Tama ako sa aking hinala… sya ang pumatay sa lalaking nakita namin di kalayuan mula sa palengke…

Tulad din sya ni Meg…! Ngunit hindi sya nagsasagip at nagliligtas nang buhay., bagkus ay kumikitil sya nang buhay..!  Isang batang babae..!!! Nagawang pumatay ..!! Nang sarili nyang magulang..!

"Dapat kang mawala… " sabi ko sa bata… hndi ko hahayaang makalapit sya kay Meg…

"Nakakatawa…dahil pareho lang tayo nang sasabihin…" ngumisi ang bata at unti unting nagsi angatan ang mga gamit sa bahay…

Ganito pala kalakas ang kanyang kapangyarihan…

Itinaas ko ang aking kamay at nag ipon ng aking kapangyarihan…mabilis na tumilapon sa akin ang mga gamit ngunit bago pa iyon tuluyang makalapit ay nagawa kong kontahin ang kanyang kapangyarihan… naiwang nakalutang sa ere ang mga gamit…

Sa isang iglap ay nagawa kong ibalik sa kanya ang lahat ng tumilapong mga gamit… ngunit wala na doon ang bata…

Narinig ko nalamang ang mahina nyang pagtawa mula sa aking likuran… napatingin ako sa aking dibdib na unti unting nababasa nang dugo ang aking damit… lumingon ako sa bata at nakita syang hawak ang kutsilyo habang nakatarak ito sa aking likod… halos tumagos na ito patungo sa aking dibdib…

Unti unti akong napaluhod habang sinabunutan nya ako at hinila ang aking ulo.. napaliyad ako habang paulit ulit nyang itinatarak ang kutsilyo sa aking likod.. tumulo ang dugo mula sa aking bibig.

"Ang akala ko ay mahihirapan akong patayin ang babaeng yon… kaya naman nagpangap pa akong mahina para makalapit sa kanya… wala naman pa lang problema dahil mahina ang kanyang keeper…"

itinulak nya ako kaya napadapa ako sa sahig… hindi ako makagalaw at unti unti nang nanlalabo ang aking paningin… namimigat na rin ang talukap nang aking mata…

Tumawa nang malakas ang bata habang unti unti naglalaho…

Kailangan ko siyang sundan…!!!

Nasa panganib si Meg..!!!!

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon