Meg's pov:
Kasabay nang paglandas nang tubig sa aking hubad na katawan ay ang mga kamay nang lalaking nakayakap sakin mula sa likuran…
Habang nakayakap sya sa aking bewang ay hinahalikan nya ako sa leeg at tenga…
Lumuluha lamang ako habang patuloy sya sa kanyang ginagawa…pinaharap nya ako at hinalikan habang mahigpit syang nakayakap sa akin…
"Alam mo bang kamuka mo ang pinakamamahal ko…? nang makita kita ay parang muli syang nabuhay.." nakangiti sya habang binuhat nya ako at dinala sa kama..
Muli nya akong hinalikan habang pinaghihiwalay ang ang aking hita..
Patuloy lang ako sa pag iyak .. ginawa ko ang lahat nang magagawa ko upang makagalaw ngunit hindi ko magawa..
Pikit matang tatangapin ko nalamang ang aking kapalaran
Muli akong dumilat nang huminto sya sa paghalik sa akin.. tumitig sya sa akin at dahan dahang lumayo at pumunta sa tapat nang bintana.. hindi alintana ng hubad nyang katawan ang malamig na simoy nang hangin na nagmumula sa bukas na bintana.
Muli syang lumingon sa akin at itinaas nya ang kanyang kamay. Sa isang iglap ay nakawala na ako mula sa kanyang kapangyarihan..
Agad kong kinuha ang kumot at ipinantakip sa hubad kong katawan,.
"Patawarin mo ako Meg.." muli nyang ibinalik ang kanyang tingin sa bintana..
"nang makita kita ay inakala kong ikaw siya… at kahit pa nalaman kong magkaiba kayo ...ay ginusto kong mabuhay sya sa katauhan mo… ngunit hndi ko kayang makita kang umiiyak… dahil pakiramdam ko ay sya ang umiiyak dahil sa ginagawa ko sayo…" lumapit sya sa akin at dahan dahang inaabot ang aking muka..
"Castiel…" mahina kong tawag sa lalaking aking mahal…
Bago nya ako tuluyan mahawakan ay bigla na lamang sya tumilapon at tumama sa pader…
nang biglang bumukas ang pinto… at pumasok si castiel…
Itinaas ko ang aking mga kamay… agad syang lumapit sa akin… hinalikan nya ang aking noo at saka nya ako niyakap… nakita kong tumayo na ang lalaki ngunit hndi sya umatake … nanatili lamang sya nakamasid sa aming dalawa ni castiel…
"Umuwi na tayo" ngumiti sya sa akin at kapwa kaming pumikit habang unti unting naglaho…
Ben's pov:
Hindi ko gustong saktan si Meg… ngunit nang makita ko siya ay parang nakita ko narin ang aking si isabel..
Nang mamatay sya dahil sa matinding sakit ay wala akong ibang gnawa kundi ang umiyak .. ibinuhos ko ang lahat nang aking oras sa pag lilok nang kanyang katauhan mula sa isang mahabang kahoy..
Kamukang kamuka ni isabel ang nalilok kong puppet..ngunit wala itong buhay. Araw araw ipinagdasal ko na sana ay magawa kong mapagalaw ang puppet. Isang araw ay nagawa ko na lamang ito.. hndi ko alam kung anu nangyari at kung paano ko ito nagawa..
Naging mas malakas pa ang aking kapangyarihan nang magawa kong makabuo nang tinig mula sa aking mga puppet.. ngunit magkagayon man ay wala parin itong buhay..
At nang makita ko si Meg ay isa lang ang gusto ko.. ang maging akin sya.. kaya naman gnamit ko ang aking kapangyarihan upang makontrol ang kanyang katawan.. ngunit hndi pala kaya ng konsensya kong pagsamantalahan ang kahinaan nya...
Kaya naman nang dumating na ang anghel ay hndi na ako lumaban kahit pa alam kong kayang kaya kong talunin ang kanyang anghel.. masyado na itong mahina.
Kung tutuusin ay mapagkakamalan mo na syang tao.. tulad ngayon.. ang paraan nang pagtingin nya kay Meg. Ang yakap at halik nya..
Mukang isa lamang syang lalaki na nagmamahal sa isang babae..
Ngunit imposible yun dahil walang emosyon ang mga anghel..
Hindi kaya nagiging tao na si castiel.?
BINABASA MO ANG
The Garden's keeper [Completed]
FantasiaNagsimula sa matinding pananakit nang ulo hanggang umabot sa panaginip nang mga brutal na pagkamatay nang mga taong hndi naman nya kilala.. Ito ba ang kasagutan sa kanyang mga dasal..? o isa itong sumpa na hndi kaylan man matatakasan.? Lalo pa at an...