Chapter 29: Paglisan

2K 100 1
                                    

Meg's pov:

"Kailangan mong iligtas si Castiel…Meg"

Ito ang narinig kong sinabi nang lalaking iyon… tinignan ko si Castiel… hinaplos ang kanyang noo…

Ano ba ang kanyang ibig sabihin…? Nasa panganib ba si Castiel..? Kaya ba balisa sya at tila may iniindang sakit kanina nang makasalubong ko sya sa banyo.?

Tinitignan lamang ako nang lalaki habang sya ay papalapit sa amin. Tinakpan ko nang kumot ang aking kahubaran.

Tumingin sya sa akin na tila ba nagtataka..

"Hintayin mo ako sa labas nang kwarto…magbibihis lng ako,." Hndi sya sumagot ngunit unti unti syang naglaho

Nagmamadali naman ako sa pag bibihis  at lumabas nang pinto..

Nakita ko ang lalaki na nakatanaw sa malayo mula sa bukas na bintana nang kusina., tulad ni Castiel ay nakahubad din ang lalaki kaya naman inabutan ko sya nang damit .. ngunit hindi man lang syang nag abalang suotin iyon.

"Bakit mo sinabing kailangan kong iligtas si Castiel…?" malumanay kong sabi sa lalaki,.

"Ako si Gadril… isa rin akong  anghel…ilang oras mula ngayon ay maglalaho na si Castiel dahil sayo… "

"Anong ibig mong sabihin…?"

"Dahil wala sa katawan nya ang kanyang liwanag kaya unti unti syang nagiging tao… at kapag tuluyan na syang naging tao ay hudyat na ito ng kanyang pag laho,,,"  seryosong sabi nang lalaki.. ni wala man lang kahit konting emosyong nadarama..

Habang nag uunahan naman ang paglandas ng luha sa aking mga mata..

"Paano ko maibabalik ang kanyang liwanag..?"

"Simple lang…buong puso mong ialay sa kanya ang iyong buhay…ganyan din ang ginawa nya nang halos wala ka nang buhay sa kanyang kandungan…"

"At pagkatapos ay hahalikan ko siya…?"

"Gusto kong malaman mo na kapag nawala sa katawan mo ang liwanag ay hindi na ito maaaring ibalik sa iyong katawan…"

"Walang kaso sa akin iyon…"

"Nagkakamali ka Meg… maari mo itong…"

"Gadril…" hindi na nagawang ituloy pa ni Gadril ang kanyang sinasabi dahil nagsalita si Castiel…

Sabay naman kaming napatingin sa gawi ni Castiel… nakasandal sya sa hamba nang pinto… kapansin pansin ang pamumutla nang kanyang muka…

"Castiel… " agad akong yumakap sa kanya… nakangiti naman sya sa akin at hinalikan ang aking noo…

"Gadril… umalis ka na…" malumanay na sabi ni Castiel…

"Kailangan maibalik ang iyong liwanag kundi malalaho ka na ilang oras mula ngayon…!!! " sigaw ni Gadril.

Ngumiti lamang si Castiel at buong pagmamahal na lumingon sa akin…

"Ayaw kong maglaho ka Castiel… mahal na mahal kita… hayaan mong maibalik ko sa iyo ang iyong liwanag… pakiusap pumayag ka na…"   lumuluha kong sabi sa kanya habang nakayakap nang buong higpit…

"Kung maglalaho man ako ay tatangapin ko… dahil mahal na mahal din kta…" gumanti sya nang yakap sa akin…

"Isa kang hangal…!! Mas pipiliin mong maglaho wag lang sya mamatay..!"

Napalingon ako kay Gadril.. "anong ibig mong sabihin…?"

"Maaari kang mamatay kapag nawala sa katawan mo ang liwanag ni Castiel…"

"Tama na Gadril…!!! " galit na sigaw ni Castiel..

Muli akong yumakap sa kanya.. binuhat naman nya ako at ihiniga sa Kama..

Tatayo sana sya ngunit pinigilan ko ang kanyang kamay… hinila ko sya papalapit sa akin kaya naman napadagan sya sa aking katawan…

Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang batok at inilapit ang kanyang muka sa akin… nang maglapat ang aming mga labi ay naramdaman ko ng unti unting nagliliwanag ang aming katawan…

Nakita ko ang nanlalaki nyang mata na tila ba hndi nya inaasahan ang lahat…

Handa kong ialay ang aking buhay upang masiguro ang kaligtasan nang aking mahal… ibinabalik ko na ang kanyang liwanag …

Itinulak nya palayo ang aking katawan kaya napaghiwalay ang aming mga labi...

"Bakit…!!!! Bakit ..!! " nakita ko ang luha sa kanyang mata.. alalang alala sya sa akin..  "handa naman ako… handa akong mamatay para sayo…!! Kaya bakit mo ginawa to.."       patuloy ang kanyang pagtangis habang niyakap ako nang napakahigpit na tila ba isang batang humahabol sa kanyang ina..

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang kanyang luha.. hinawakan nya ang aking kamay at hinalikan ito hbang patuloy parin ang kanyang pag iyak.

Pilit kong nilalabanan ang pamimigat nang aking mga talukap… "Castiel…tulad mo ay nakahanda din akong mamatay para sayo… mahal na mahal din kita…"

Naririnig ko pa ang  pag tawag nya sa aking pangalan… ang pagyugyog sa aking balikat ngunit hndi ko na magawang idilat ang aking mga mata…

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon