Chapter 12: Kakayahan

2.3K 107 1
                                    

Meg's pov:

Habang tumatakbo ang bawat segundo , ang taning nang kanilang buhay ay papalapit na nang papalapit sa sukdulan...

Ngunit ano ang dapat kong gawin.?? Ano..!

"Limang minuto…" mahinang bangit sa akin ni castiel.

Anung gagawin ko..?! Ano..?!

Pumikit ako at huminga nang malalim. Naisip ko na kung sana magagawa kong makausap ang nagmamaneho nang van..

Ngunit pano ko gagawin iyon.?

Nang bumukas ang aking mata ay nasa ibang lugar ako..

Sa loob ng van...!!!!

Matindi ang pinagtatalunan nang mag asawa.. nagsisigawan sila..

Ito pla ang dahilan kung bkt sila magkakabangaan ng bus..

Hndi ko alam kung pano ko nagagawa ang lahat ng ito.. pero hindi na muna iyon mahalaga..

Hinawakan ko ang kanilang balikat.  Hindi man sila lumingon sa akin ay pareho silang natigilan..

Tinignan ko ang babae at saka sya binulungan… "hindi ka dapat na nakikipagtalo sa iyong asawa… makakasama iyan sa batang dinadala mo… kailangan mong habaan ang pasensya mo…"

Lumingon ako sa lalaki at muling bumulong…"hindi mo dapat patulan ang init ng ulo ng asawa mo… normal lang iyon dahil ipinagbubuntis nya ang inyong kambal…ituon mo ang atensyon mo sa pagmamaneho at maging maingat ka para makaiwas kayo sa kapahamakan…"

Nakita ko namang nawala na ang tensyon sa pagitan nang mag asawa… naging maayos na rin ang pagpapatakbo nang lalaki,

Pigil hininga kong hinintay ang papalapit nang bus..

Pumikit ako nang halos kasalubong na namin ang bus..

Ilang segundo din akong nakapikit at wala akong naramdamang kakaiba..

Dahan dahan akong dumilat...

Nakalampas na sa van ang bus,..!!! Ligtas ang lahat..!

"Magaling ang ginawa mo… binabati kita…"

Lumingon ako at nakita ko si castiel sa aking tabi…

"Kailangan na nating makabalik sa kasalukuyan… masyado ka nang napagod …" 

Napansin kong may mainit na likidong lumabas sa aking ilong… agad ko itong pinunasan ngunit sadya atang hndi sasapat iyon dahil patuloy pa rin ito sa pag agos… tinignan ko ang aking kamay…

Dugo…!! Napatingin ako sa mag asawa na patuloy pa rin sa pag ddrive na tila hndi nila alam na naririto kami ni castiel kasama nila sa loob ng van...

Muli kong tinignan si castiel ngunit nanlalabo na ang paningin ko..

Castiel's pov:

Humahanga ako sa kanya… ilang daang taon akong namalagi sa mundo ngunit ni minsan ay hindi ako nagtangkang gumawa ng labag sa nakatakda kong gawin…

Ni hndi na nya kinailangan ang pag gabay ko… unti unti na lamang lumabas ang taglay nyang kapangyarihan…

Habang dahan dahan syang lumalakad papunta sa mga nag aaway na kalalakihan ay unti unti syang naglalaho sa paningin ng mga tao.. tanging mga nilalang na tulad ko lamang ang makakikita sa kanya.

Napakaganda nang lumalabas na liwanag mula sa kanya.  At nang hawakan nya ang dalawang lalaki ay dahan dahang gumapang ang liwanag mula sa kanyang mga kamay papunta sa balikat ng dalawang lalaki... unti unti itong bumalot sa buo nilang katauhan..

Nagawa nyang pasunurin ang mga ito dahil lamang sa kaniyang mga salita..

Dahan dahan syang tumingin sa akin.. mukang maging sya ay nagtataka sa kung paano nya ito nagawa..

"8 minuto bago magkabangaan ang bus at ang van…"

Nakita ko ang tensyon sa kanyang muka… at nang muli syang pumikit ay unti unti nanaman syang nawala maging sa aking paningin…

Magaling ang kanyang ginawa… dahil dito ay nagawa nyang mailigtas ang maraming buhay na nakatakda na sanang mawala …

Ngunit kapalit naman nang paggamit nya nang kanyang kapangyarihan ay ang pag abuso nya sa kanyang kalusugan…

Nang bumagsak sya sa aking katawan ay niyakap ko sya nang mahigpit…

Kailangan na naming makabalik sa kasalukuyan…

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon