Chapter 19: Halik

2.2K 108 1
                                    

Meg's pov:

Pilit kong hinanap sa buong bahay si castiel… ilang ulit ko na rin tinawag ang kanyang pangalan.

Lumabas ako nang bahay habang umiiyak.

"Castiel....!!!! Castiel...!!!  " sigaw ko habang umiiyak..

Kung saan saan ako tumakbo upang hanapin sya.. ilang ulit akong pumikit  at itinuon ang aking kapangyarihan upang mahanap sya.. ngunit hindi ko talaga sya makita..

Napaupo ako sa gitna nang kalsada.. at umiyak… nasaan ka na Castiel…!! Naninikip ang dibdib ko at hndi ko mapigilan ang umiyak.

"Meg…" mahina lamang ang pagtawag na iyon  ngunit naghatid iyon nang lakas at sigla sa akin…! Lumingon ako sa aking likuran at nakita si Castiel na nakaluhod habang hawak ang dibdib nya.. puno ng dugo ang kanyang damit  ngunit nagawa pa rin nyang ngumiti sa akin...

Agad akong tumakbo papunta sa kanya.. agad ko syang niyakap at kapwa kami unti unting naglaho sa gitna nang kalsada..

Nang dumilat ako ay nasa ibabaw na kami nang aking kama..

"Castiel paano kita mapapagaling…" hinaplos ko ang kanyang muka… habang umiiyak…

Ngumiti sya sa akin at nagsalita "patawad…"

Hinawakan nya ako sa batok at unti unting nilapit ang kanyang muka sa akin…

Tumingin ako sa labi nya na halos ga hibla lang ang layo mula sa aking labi…

Napapikit ako nang maglapat ang aming mga labi… napadilat ako nang lumayo sya sa akin…

Muli syang ngumiti ngunit tila walang nagbago…… nagunahang pumatak ang mga luha ko…

Hinawakan nya ang aking muka at pinaraanan nang kanyang daliri ang aking labi…

Muli nyang pinaglapat ang aming mga labi… ngunit sa pagkakataon na iyon ay lumalim ang kanyang halik…muli akong napapikit habang dahan dahan akong napahiga habang nakadagan sya sa akin…

Nang dumilat ako ay nakita kong nakapikit sya at hindi gumagalaw…

Niyakap ko ang kanyang katawan… at dahan dahan akong tumagilid upang mapahiga sya sa aking tabi…

Nang maihiga sya ay ipinatong ko sa kanyang dibdib ang aking ulo…lumuha akong muli nang wala akong marinig na tibok ng puso… muli akong tumingin sa kanyang maamong muka…

Hinalikan ko ang kanyang labi… "wag mo akong iwan Castiel…"

Muli kong nilagay ang aking ulo sa kanyang dibdib… nanlaki ang aking mata nang maramdamang unti unti man ay tumitibok ang kanyang puso…

Muli akong tumingin sa kanyang muka… isiniksik ko ang aking muka sa kanyang leeg at niyakap nang mahigpit ang kanyang katawan…

Masaya ako dahil ligtas si castiel… hndi ko kakayanin kung mawala sya sa akin…

Nakatulog akong nakayakap pa rin sa kanya…

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon