Chapter 18: Keeper

2K 104 1
                                    

Meg's pov:

Na alimpungatan ako nang may gumalaw mula sa aking kama… dahan dahan kong iminulat ang aking mata…

Naaninag ko ang nakangising muka nang batang babae… mahina din ang kanyang pag tawa…

Nanlaki ang aking mata nang umupo sya sa aking tiyan at nag angat ng kamay nyang nakahawak sa kutsilyong puno nang dugo…

mabuti na lamang at nailag ko ang aking muka kaya naman tumarak sa unan ang hawak nyang kutsilyo… ubod nang lakas ko syang itinulak at nagulat  ako nang tumilapon sya at tumama sa pader… hndi ko alam kung kanya o sa iba ,, ang dugo sa kanyang muka at katawan… ang tanging alam ko lamang ay delikado ang batang ito at gusto nya akong patayin…!!

Tumatawa pa ang bata habang bumabangon....muli nyang itinaas ang kamay nyang may hawak na kutsilyo..

Tumayo ako at naghanap nang pwedeng ipang laban sa kanya..

Ibinato ko sa kanya ang nahawakan kong lampshade.. ngunit bago pa ito tumama sa kanya ay bgla itong huminto at naiwan sa ere.

"Mamamatay ka katulad nang iyong keeper…" biglang tumilapon papunta sa akin ang lampshade na ibinato ko.  Hndi ako nakaiwas ngunit naisangga ko ang aking kaliwang braso..

Nabasag ito sa aking braso at natamaan ako nang ilang bubog at nagkasugat sa aking pisngi..

Muling tumawa ang bata nanlilisik ang matang tumakbo sya papalapit sa akin..

Itinaas ko ang aking kamay at pumikit dahil sa takot..

Ilang segundo na ang nakalipas ngunit wala pang patalim ang tumama sa aking katawan.. dahan dahan kong binuksan ang aking mata..

Nakita ko syang nagpupumilit lumapit sa akin ngunit kahit ilang hakbang ay hndi nya magawa.. tinignan ko ang aking kamay.. ako ba ang may gawa nito.?

Nang ikuyom ko ang aking kamay ay para naman syang sinasakal at hndi makahinga... nagpupumilit syang makawala ngunit hndi nya magawa..

Kaya ko bang pumatay nang isang batang paslit..? Nakita kong hirap na hirap na sya kaya naman unti unti kong niluwagan at binukas ang aking kamay..

Napaluhod sya at nag umpisang umiyak..naawa ako sa bata kaya nilapitan ko saya at umakmang yayakap.. ngunit bgla syang ngumisa at iwinasiwas ang hawak nyang kutsilyo

napaupo ako habang hawak ang dumudugo kong braso napapikit ako sa sakit..

Naramdaman ko ang matinding init mula sa aking mata..

At nang iminulat ko ang aking mata ay bigla nalamang nagliwanag ang paligid. Narinig ko pa ang pagtili nang bata.. muli akong pumikit dahil pakiramdam ko ay silaw na silaw ako sa liwanag na iyon at sa pagmulat nang aking mata ay ang abo na nang bata ang nakita ko..

Ako ba ang may gawa nito..?

Nasaan si castiel at bakit sinabi nang bata na patay na sya..!!

Hindi ito maaari..!!!

Kailangan ko mahanap si castiel...!!!!

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon