Chapter 14: Asul na mata

2.2K 98 1
                                    

Castiel's pov:

Maliwanag na nang magmulat ako nang aking mata… mukang hindi ko namalayan ang oras…

Nakatulog ba ako…? Ito ang kauna unahang pagkakataon . Ngunit bkit.? Bkit ako nakatulog.?

Ang mga nilikha na tulad ko ay hindi nakakaramdam nang gutom at uhaw .. ang totoo nyan ay wala kaming emosyon maliban sa respeto at pagsunod sa ama.. ang mga tulad namin ay hindi tumatanda at hindi din natutulog.

Nakatulog b ako dahil ibinigay ko kay Meg ang aking 'liwanag'…? Ngunit ano ang ibig sabihin nang aking pag tulog.?

Pinakiramdaman ko ang aking sarili.. hndi na ako nanghihina katulad kagabi.. ang totoo ay maayos ang angking pakiramdam.

Tumayo ako mula sa kanyang kama at nagtungo sa bintana..  napakaganda talaga nang mundong nilikha ni ama.. nakalulungkot lamang unti unti itong nasisira dahil sa kagagawan nang mga tao..

Naramdaman ko ang paggalaw ni Meg sa kama.. mukang gising na sya.

Nang imulat nya ang kanyang mga mata.. ang nagliliwanag na asul nyang mga mata ang aking nakita. Muli syang pumikit at dahan dahang naglaho ang asul na liwanag sa kanyang mata at napalitan ito nang natural nitong kulay na itim.

"Good morning.." nakangiting bati nya sa akin..

"Kamusta na ang pakiramdam mo…?" Tanong ko sa kanya..

Nagkibit balikat lamang sya at bumangon..

"Sandali lang at mag hahanda ako nang makakain natin…" nagtungo sya sa kusina para mag luto..

Sinundan ko na lamang sya nang tingin..

Nang magpunta ako sa kusina ay nakatapos na pla sya sa pagluluto. Masigla ang kanyang pagkilos.. hndi mababakas sa kanya na kagabi lamang ay halos wala na syang buhay..

Pinagmamasdan ko lamang ang kanyang niluluto. Lumingon sya sa akin at ngumiti..

"Nagugutom din ba ang mga tulad mo…?"

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ang mga tulad ko ay hindi nakakaramdam nang gutom ngunit kumakalam ang aking sikmura..

"Halika na sabayan mo ako sa pagkain…"

Meg's pov:

Hndi ko maiwasang hindi matawa sa ginagawa ni castiel… noong una ay ayaw nyang kumain ngunit ngayon ay para syang bata na takam na takam sa pagkain..

"Bakit…?" Takang tanong nya sa akin..

"Pupunta ako sa palengke…gusto mong sumama…?"

Masigla ang aking pakiramdam dahil nakapagligtas ako nang mga buhay..

Malaki din ang naitulong sa akin ni castiel.. sya ang naging gabay ko kaya naman nakapaglistas ako ng buhay nang marami.. hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sya.. malang patuloy pa rin ako sa pagaakalang panaginip lang ang lahat ..

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon