Gadril's pov:
Ito na ang araw na pinakahihintay ko., ang araw na mababawi ko na ang aking nawalang karangalan. Mabubuksan na ang hardin.
Ipinatawag ni Michael si Castiel upang pasalamat sa katuparan nang kanyang misyon. Ang hanapin ang susi..
Ngunit hindi alam ni Castiel na kasabay nang pagbukas nang hardin ay ang kamatayan ni
Meg. Dahil ang kanyang dugo ang makapagbubukas nang pinto..
Nang masigurong wala na sa lupa si Castiel ay saka lamang ako nagpakita kay Meg..
Sinalubong nya ako nang kanyang ngiti.. pansamantala akong natigilan dahil sa ngiti nyang iyon..
Alam kong masasaktan nang husto si Castiel sa oras na malaman nyang ang buhay ni Meg ang makapagbubukas nang pinto sa hardin..
"Ito na ang oras… handa ka na ba…?" Malumanay kong tanong kay Meg...
"Ano ba ang dapat kong gawin Gadril…?"
"Kailangan mong ialay ang iyong buhay…" nakita ko ang pagkagulat nya… bkas sa muka nya ang pagkalito at takot…
"Hindi ko maintindihan… ang sabi mo ay ako ang susi… bakit ko kailangan mamatay,..?"
"Ang iyong dugo ang makapagbubukas nang pintuan…" inabot ko sa kanya ang gitong patalim…
"Hindi…! Ayoko..! Ayokong iwan si Castiel.....!!" Sumigaw sya at ihinagis sa akin ang patalim.
"Patawad ngunit wala nang ibang paraan…"
Bigla na lamang akong tumilapon papunta sa pader.' Halos masira na ang pader sa lakas nang pwersa.. alam ko na kung sino ito..
"Castiel...!!!!!" Sigaw ni Meg habang patakbong yumakap kay Castiel.
Ngunit bago pa makalapit si Meg ay tinabig na nya ito palayo dahil sinaksak ko gamit ang gintong patalim ang Balikat ni Castiel..
Gamit ang patalim na ito ay hindi magagawang pagalingin nang kahit anong mahika ang sugat na maaari nitong likhain...
"Mapaparusahan ka Castiel kapag nakielam ka pa… ito ang kapalaran nang susi…!"
Nahawakan nya ang patalim kaya nagpambuno kaming dalawa..
"Hindi ako makakapayag na saktan nang kahit na sino si Meg…!! " sigaw nya habang paulit ulit ang pagtarak nang patalim sa aking dibdib.,
Nakita ko ang tumatakbong si Meg na papalapit sa amin., pilit nyang pinipigilan si Castiel..
Tumingin ako sa muka ng aking kapatid. Puno nang galit ang kanyang mga mata...
Tinabig nya si Meg ng ubod nang lakas.. walang tigil ang kanyang pagsaksak at halos panawan na ako nang ulirat nang biglang dumating si Michael..
"Kapatid…alam mong napakalaking kaparusahan ang naghihintay sa iyo… kapag pumatay ka nang isang anghel..kayat habang maaga pa ay tumigil ka na.."
Ngunit tila wala na sa sarili si Castiel ... unti unting nababalutan nang mala abong kulay ang puti nang kanyang mata..
Agad syang hinawakan ni Michael.. at pilit syang pinatatayo..
Kailangang bumalik sa ulirat si Castiel.. hindi ito maari.. kapag tuluyang naging itim ang buo nyang mata., wala nang magagawa si Michael kundi ipatapon sya sa impyerno kasama nang isa pa naming kapatid..
Kailangang matapos na ang lahat.. matitigil lamang si Castiel sa pagwawala kapag tuluyan nang nbuksan ang hardin.. ito ang maglilinis ng lahat nang kasalanan..
Nakita ko namang papalapit sa akin si Meg .. umiiyak sya habang pilit na tinatakpan ang aking sugat upang maampat ang dugo.,
"Gadril… patawarin mo si Castiel… hndi nya alam ang kanyang ginagawa…"
"Kailangan mapigilan ang pag itim nang kanyang mata… kapag tuluyan syang nawala sa pag ka anghel ay itatapon sya ni michael sa impyerno…"
"Anong gagawin ko…???"
Ibinigay ko ang gintong patalim kay Meg. Alam kong alam na nya ang dapat nyang gawin.
Kinuha nya ito at itinapat sa kanyang dibdib at Ubod nang lakas nya itong itinarak.. unti unting umagos ang sariwang dugo mula sa kanyang dibdia at umagos ito sa sahig.. unti unti itong nag hugis malaking bilog...
"Castiel… tumigil ka na…" lumingon sa kanya at nanlaki ang mata… unti unting bumalik sa normal ang kanyang mata kaya naman binitiwan na sya ni Michael…
Agad agad nyang nilapitan ang duguang katawan ni Meg…
"Wag mo akong iwan Meg …pakiusap…" lumuluhang sambit ni Castiel…
"Patawarin mo ako… kailangan kong gawin ito upang mailigtas ka… ayaw kong ipatapon ka sa impyerno…"
Niyakap nang mahigpit ni Castiel ang nanghihinang katawan ni Meg…
"Mahal na mahal kita Castiel…"
"Mahal na mahal din kta Meg… " hinalikan ni Castiel si Meg ngunit wala nang pagtugon ang nagmula sa babae… habang unti unting bumubukas ang pinto na nagmula sa dugo ni Meg… unti unti din na lumalabas ang nakakasilaw na puting liwanag…
Ang pagtangis ni Castiel ang huli kong narinig habang unti unting namigat ang talukap nang aking mga mata…

BINABASA MO ANG
The Garden's keeper [Completed]
FantasyNagsimula sa matinding pananakit nang ulo hanggang umabot sa panaginip nang mga brutal na pagkamatay nang mga taong hndi naman nya kilala.. Ito ba ang kasagutan sa kanyang mga dasal..? o isa itong sumpa na hndi kaylan man matatakasan.? Lalo pa at an...