Chapter 26: Ang Susi (1)

2.3K 96 3
                                    

Madilim ang kapaligiran. Maputik at madumi.. ngunit ito ang paboritong lugar nang lalaking ito.

Dito sya madalas magtago sa twing pinagdidiskitahan sya nang mga kaedad nyang mas malaki kaysa sa kanya.

Ngunit iba na ngayon.. dahil sinadya nyang madala sa lugar na ito ang mga lalaking humahabol sa kanya.

Bglang umulan nang malakas kaya naman parepareho silang nabasa.  Ito na ang hudyat nang kanyang pag ganti..

Itinaas nya ang magkabila nyang mga kamay.

At nagupisa nang kumulog at kumidlat.. natakot ang mga lalaking kanina lamang ay bumubog bog sa kanya.

Tumawa sya nang malakas nang tamaan ng kidlat ang basang kalsadang kanilang kinatatayuan. Ang lahat nang kanyang kalaban ay nangisay habang unti unting nasusunog ang balat dahil sa lakas nang kuryenteng dumaloy sa kanilang katawan.

Habang sya ay tila nakikipag laro pa sa kidlat. Dahil may kakayahan syang kontrolin ang kidlat.

Isa lamang ang pakay nang lalaki..

Ang nakawin ang kapangyarihan ni Meg.. gagawin nya ang lahat makuha lamang ang gusto nya.' Maging kapalit man nito ay buhay..

Isang anghel ang nagsabi sa kanya ang lokasyon nang babaeng ito. Ilang oras na lamang ay mag tutuos na sila,,

Castiel's pov:

Matagal tagal na rin akong nakaupo sa may paanan nang kama ni Meg…hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang usapan namin ni Gadril kagabi…

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat… ang dahilan nang unti unting pagbabago nang aking katawan… ang pang hihina nang aking kapangyarihan at ang mga emosyong ngayon ko lang nadama…

Nakakalungkot mang isiping hndi ko makakasama si Meg nang mahabang panahon, sa ngayon ay susulitin ko na lang ang ilang linggong natitira sa akin upang makasama sya..

Naputol ang aking pag iisip nang yumakap mula sa likuran si Meg. Nakadikit ang kanyang dibdib sa aking likod. Nag bigay ito nang kakaibang init sa aking katawan.. sa loob nang ilang daang taon ng pananatili ko sa mundo.. ngayon lang ako nakaranas nang ganito. Naninikip ang dibdib ko twing iisipin kong isang araw ay magigising si Meg na wala na ako sa kanyang tabi..

"Good morning…" tila ina antok pang sabi sa akin ni Meg…

Tumingin ako sa maganda nyang muka… ilang linggo mula ngayon ay mawawala na ako… sana ay makayanan nya ang lahat…

Ngumiti sya sa akin… hinawakan ang aking pisngi at saka ako hinalikan…

Sana kahit wala na ako ay magawa pa rin nyang ngumiti nang tulad ngayon…

Tinugon ko ang kanyang halik nang buong pagmamahal… mahal na mahal ko sya… at maliban sa ama… sya lamang ang kauna unahang minahal ko nang sobra sobra…

Namalayan ko na lamang ang mga luhang naglandas sa aking pisngi…natigilan sya at nagtatakang tumingin sa akin…

"Castiel bakit…?"  lalo pa akong napaluha nang makita ko ang pagaalala sa kanyang muka..

Ayokong umalis.. ayokong maglaho.. gusto kong manatili sa kanyang tabi.. makasama nya sa araw araw.. Ama.... ito ba ang parusa sa akin.? Dahil Nakielam ako sa kapalaran nang mga tao.? Natuto ako magmahal nang tao Ama, ngunit hindi ko naman sya makakasama nang matagal..? Mahal na mahal ko sya.. Ama..

Niyakap ko sya nang mahigpit.. tila isang bata na natatakot mawalan nang ina.. wala na bang ibang paraan..? Kapag kinuha ko ang aking liwanag.. siguradong ikamamatay nya. At kapag hindi ko naman kinuha.. siguradong ako naman ang mawawala.. anu mang piliin ay hindi kami maaaring magkasama..

"Castiel…!!!!!!" Hinawakan nya ng kanyang kamay ang aking pisngi.. maging sya ay umiiyak na rin..

Pinilit kong ngumiti at pinunasan ang kanyang mga luha.. hindi ko kayang makita syang umiiyak..

"Pasensya na… bigla na lang pumatak ang aking luha…" nakangiti kong sabi sa kanya…

Kahit hindi kunbinsido  nagkibit balikat nalamang sya at muli akong hinalikan..

Buong araw akong inilibot at ipinasyal ni Meg sa kung saan saan..Pareho kaming masaya dahil magkasama kami..

Natatawa sya habang ginagaya ang sayaw nang tao sa tv.. nakakapagtaka.  Nakita ko namang ang karamihan nang taong nakikinood ay nakikisayaw na rin.  Pawis na pawis na sya sa kakasayaw pero masiglang masigla parin ang kanyang galaw..

Bigla akong tumakbo papalapit sa kanya nang makitang sumabog ang tv na nasa harapan nya..

Kasabay nun ay ang pagkawala nang kuryente sa buong mall...

Isang mahinang tawa ang aking narinig..

Nilibot ko ang pinaggalinan nang tawa na iyon. Isang binatiyo na payat at maliit at may salamin pa.. kung titignan ang panlabas nitong ano ay mapagkakamalan itong lampa at mahina,,

Ngunit batid ko ang lakas ng kapangyarihan nya.. higit sa kapangyarihang meron kami ni Meg.

Niyakap ko si Meg at pumikit.. itatakas ko sya..!

"Hindi kayo makatatakas" bulong nang binatilyo sa aking tenga…

Napakabilis…!!

The Garden's keeper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon