15

145 6 0
                                    

SEO REYNJIN's
POV

"Are you okay?"

Tanong agad ni Changbin sa akin. Nandito kami sa labas ng condo building ni Savanah. Madaming pulis at may ambulansiya.

"I'm okay pero Changbin si Han..." naluluha kong sagot.

Kumpleto sila lahat na nandito. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari kay Han. Nabaril siya ni Savanah dahil ako dapat ang patatamaan nito ng iniharang niya ang katawan niya.

Iyak din ng iyak si Savanah. Mukhang nagui-guilty pero hindi ko siya mapapatawad o kung mapapatawad ko man siya ay hinding-hindi ko na makakalimutan pa 'yong ginawa niya.

Niyakap ako agad ni Changbin.

"Shh, magiging maayos din ang lahat. He'll be okay."

Nag-unahan sa paglabas ang luha ko dahil sa pagyakap nito sa akin at dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung magiging okay ba talaga ang lahat.

"Huwag mo 'kong masyadong yakapin. 'Yung d-dugo ni Han sa kamay a-at damit ko baka k-kumapit sa 'yo." sinisinok-sinok kong sabi sa kanya ngunit hindi niya 'ko binitawan.

"Shh... It's okay, Ryejin." pang-aalo pa nito.

HOSPITAL

"Darating daw sina Tita pero hindi pa sigurado kung kailan. Kahit daw gustuhin nilang makita si Han. Eh, hindi naman daw sila makaalis doon."

Rinig kong sabi ni Leeknow habang nakatitig pa rin ako kay Han na nakahiga sa kama niya at hindi pa rin gumigising hanggang ngayon.

"Okay lang. Hindi naman natin pababayaan si Han, eh." sagot naman nang kausap nitong si Chan.

"Si Savanah pala? Anong nangyari do'n?" tanong naman ni Changbin na may bahid ng galit at inis.

"Nakakulong na daw." sagot naman ni Seungmin.

"Tama lang sa kanya 'yon. Tangina, muntikan ko ng makalimutan na babae siya, eh." sabi naman ni Leeknow.

"Buti na lang tulog si I.N, ang lutong no'n." si Hyunjin at binatukan si Leeknow.

"Magigising naman siya, 'di ba?" natahimik ang lahat sa tanong ko.

I look at them, puno ng pag-asa ang mga mata.

" 'Di ba?" pag-uulit ko.

"Oo naman!" si Chan.

"Sabi ng doctor magigising siya. Kailangan lang niya ng pahinga." si Changbin.

I smiled at them sadly.

"I love you, Han." I whispered.


EDITED.

 My Picture | Han Jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon