O2

530 14 0
                                    

SEO RYEJIN's
POV

"D'you want me to carry your bag?"

Pang-ilang beses nang tanong ni Youngjae na nakasunod sa 'kin habang naglalakad ako sa hallway.

Inis ko siyang tinignan.

"Ano ba'ng hindi mo maintindihan sa 'No, Thanks', ha?" mataray kong sabi sa kanya.

Sumimangot naman ito pero halatang nagpapacute.

"Aw, I just want to help you."

Ilayo niyo nga sa 'kin 'to!

Baka ma-nose bleed ako! Ang aga-aga. Nagtuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa matigilan dahil biglang lumitaw si Chan.

Nagmamadali ako, eh! Gusto ko sanang maiwasan si Han hangga't maari dahil nahuli niya 'kong pini-picture-an ko siya noong isang araw.

Eh! Nakakahiya. Sobra. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para maiwasan siya. Kaka-transfer ko lang kasi at classmate ko pa siya.

"Oh? Saan ka, Ryejin?" tanong ni Chan ng makita ako.

"Oo nga? Nagmamadali ka yata?" singit ni... Han?!

Agad na nanlaki ang mga mata ko at nataranta. Lalakad na sana ako ng mabilis ng harangan niya 'ko.

Nakamasid lang sina Chan sa 'min at Youngjae. Ang shunga ko naman! Lintek.

Nakakaloko ang ngisi nito.

"Iniiwasan mo ba 'ko?" tanong nito at ibinaba ang mukha sa mukha ko.

I gulped. Masyadong malapit. Baka mahimatay ako nito. Jusko, kapit lang. Self, kapit lang. Please.

"A-ano? Hindi, ah!" utal pang pagtanggi ko.

Oh, bakit nauutal?! Huhuhu, Mama. Help me.

Lalo itong ngumisi ng nakakaloko.

"Iniiwasan mo yata ako, eh." pamimilit nito.

Umatras naman ako ng unti.

"Luh? Desisyon ka ba?" mataray na sabi ko at inirapan siya.

"Oh? Baka magka-inlove-an kayo d'yan, ah!" pang-aasar ni Chan.

"Hoy, akin lang si Han." comment pa ni Leeknow na biglang sumingit kung saan.

"Tse! Imposible!" sabi ko.

I heard Han chuckled. Ganoon pa rin ang pwesto naming dalawa.

Teka, paano ba 'ko aalis dito? Bigla kasing sumusulpot, eh.

"Iniiwasan nga ako, eh." sabi nito kina Chan.

"Oh? Ba't ka naman iiwasan ni Ryejin?" curious na tanong nito kay Han.

Lumapad lalo ang ngisi ni Han at tumingin sa 'kin bago kay Chan na nasa likod ko lang.

"Paano kasi nahuli kong kinukuhanan ako ng-" I immediately covered his mouth.

Pinandilatan ko ito. Alam kong namumula na 'ko sa kahihiyan. Jusko, please lang.

"Shup up." mariin kong sabi sa kanya.

Tinatanggal naman nito ang kamay ko sa bibig nito. Bago ko ito pakawalan ay tinapakan ko ang paa ko.

"Aray!" sabi nito at ako naman ay kumaripas na nang takbo.

Baliw ka, ah. Sasabihin mo pa talaga. Buti nga sa'yo.

EDITED.

 My Picture | Han Jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon