O3

328 13 0
                                    

Seo Ryejin's
POV

Matapos ang harutan- este habulan namin ni Han. Eh, sabay kaming nagtungo ng classroom at kasalukuyang nakikinig sa boring na teacher namin! Hindi naman siya naglelesson! Laging buhay niya ang nilelesson niya.

Tell me para saan ba ang eskwelahan? Hindi ba't para may matutunan? Tsk, ang boring naman kasi pero okay lang din naman kasi ayokong bumagsak.

"Pssst! Ryejin." may sumitsit at bumubulong na tawag sa 'kin kaya agad akong lumingon sa paligid para hanapin kung sino 'yon.

*Lingon sa kanan*

*Lingon sa kaliwa*

Pagtingin ko sa kaliwa ay nakita kong si Han pala 'yun. Psh, ano na namang kailangan nito?

"Bakit?" bored na tanong ko sa kanya pero pabulong lang.

"Cutting tayo?" sabi niya at pabulong lang din habang nakatalikod si Ma'am at nagsusulat sa white board namin.

Agad ko siyang inilingan.

"Ayoko nga. Good girl ako." sabi ko at inirapan siya.

Ngumisi ito ng nakakaloko.

"Ayaw mo?" tanong niya na naman.

Tumango na lang ako at hindi na siya nilingon. Bahala siya d'yan! Mag-cutting siyang mag-isa. Mamaya d'yan mahuli pa kami.

Maya-maya pa ay nag-bigay ng quiz si Ma'am. Gusto kong magwala! Pasalamat na lang ako talaga ako sa stock knowledge.

Binigay na niya 'yung sasagutan sa board at kumuha na 'ko ng papel para siyempre sagutan 'yun dahil easy lang naman pala.

Nasa kalagitnaan ako nang pagsagot nang may bumato ng papel sa 'kin.

Buti nasalo ko at inis akong napalingon kay Han.

"Buksan mo." he mouthed.

Ano na naman ba 'to? Tsh. Ang daming alam. Pagbukas ko, shit! Hala. Sagot 'to, ah?! Dali-dali kong nilukot ulit na pabilog at ibabato na sana sa kanya kaya lang...

"MISS SEO, WHAT IS THAT?!" inis na sigaw ni Ma'am.

Shuta. Tumama kasi sa kanya, lagot.

"Hala! Kasi Ma'am Pusit- este Ma'am Purie si Han po talaga ang nagbato niyan! Hindi po ako, promise!" agad na sabi ko.

Pinulot niya ang papel na naka-crumple at binuksan niya. Shit! Mukhang mas lalong nagalit si Ma'am.

Bumaling ito sa akin na galit na galit na naman.

"GO TO THE DETENTION OFFICE, NOW!" napatayo ako sa sigaw niya.

Nakakatakot. Agad itong bumalik sa table niya kaya lumingon ako kay Han para samaan siya ng tingin pero dumila kang ng nakakaasar ang loko.

"Kasama ka, Mr. Han." dagdag ni Ma'am kaya ako naman ang dumila sa kanya.

TIME SKIP

"Kasalanan mo 'to, eh."

Sabi ko at kakatapos lang naming maglinis ng buong school. Imagine-in mo? Buong school, tsong, pare, dude! Nakakapagod.

Tangina naman kasi-

"Sorry." sabi niya na parang nagui-guilty.

Napairap nana lang ako sa kawalan.

"Ayos lang. Tapos na, eh." sabi ko na lang kasi totoo naman.

Past is past.

"Ang bait mo bigla tapos kanina napaka-sungit mo." puna niya.

Agad naman akong nag-iwas ng paningin sa kanya.

"Eh, kasi... ano." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ayoko namang sabihin na crush ko siya kaya ko siya sinusungitan. No way! Hindi ako aamin sa kaniya.

Nakaabang lang ito habang nakatitig sa akin.

"Kasi ano?" tanong niya pa.

Agad akong umiling sa kanya.

"Wala. Gano'n lang talaga ako." sabi ko na lang at tinignan siya.

I bit my lower lip.

"Uwi na tayo." aya ko.

Then, he look at me again.

"Sabay na kita. Dala ko kotse ko." sabi niya at kumindat.

Iniwasan ko na naman ang tingin niya at umarte ng normal.

"Ay! 'Yun, oh. Thank you." sabi ko na lang to hide the kilig na nararamdaman ko

At ayon nga sumabay ako sa kanya at nagkwentuhan kami habang nasa kotse niya.

Hala, Friends na kami! Eh, kinikilig ako.

EDITED.

 My Picture | Han Jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon