39

122 6 0
                                        

SEO RYEJIN's
POV

Naglalakad na ako pabalik ng room namin. Umalis na si Chinha. Nagpaalam na may gagawin pa daw siya. Tsaka classmates pala sila ni Changbin.

Ang lokong 'yon hindi gumagawa ng assignments, amp. Ang tamad talaga kahit kailan.

Papasok na ako ng classroom ko ng biglang may tumawag sa akin.

"Ryejin..." that soft voice.

Nang harapin ko ito ay nakita kong si Cristina nga. Sabi ko na nga ba, eh. Familiar 'yung boses.

"What are you doing here?" tanong ko, kunot-noo.

Mukhang maiiyak na siya tapos bigla na lang lumuhod. Nagulat ako at nakaagaw 'yon ng maraming atensiyon ng mga estudiyante.

"I'm sorry about my sister, Ryejin." she said.

Natigilan ako.

"I-it's okay... I know she's just protecting you." I said.

Ngunit hindi pa rin ito umalis sa pagkakaluhod.

"Please! Don't do this to me, Ryejin! I'm sorry! Hindi naman sinasadya ng kapatid ko." pagmamakaawa pa nito na parang aping-api.

What the hell is she doing?

Nagsimula nang magbulungan ang mga tao.

"Stand up, Cristina." mariin na ani ko.

Umiling ito ng lumuluha na.

"No! I can't."

"Stand up, Cristina. Ako ang nagmumukhang masama." bulong ko sa kanya.


Umiling ito.

"No! Bakit ba ayaw mo akong patawarin, Ryejin?!"

"Hala. Grabe naman."

"Kawawa naman."

"What?"

"Kanina pa sinasabi nung ni Ryejin na tumayo na kasi napatawad na tapos ayaw nung Cristina."

Itatayo ko na sana siya ng may umalingawngaw na sigaw.

"What the fuck is happening here?!" si Han.

Nabitawan ko tuloy si Cristina. She immediately stood up at kumapit kay Han.

"Pinaluhod niya ako, Han! Sabi niya kung gusto ko daw mapatawad niya si Ashley lumuhod ako." sumbong nito agad.

"Please, Ryejin. Forgive me!" anito habang umiiyak pa at ngumisi ng palihim sa akin ng nawala sa kanya ang paningin ni Han.

"This is not right, Ryejin. Walang kasalanan si Cristina. Hindi rin niya alam na may planong gano'n ang kapatid niya. Stop doing this to her..." my heart ached.

He defended her without even knowing what exactly is happening here, he defended her like she can't do something bad to me, he defended her, he chose her and left me here alone not knowing what to do.

"I-I didn't-" i just zipped my mouth.

Kahit anong sabihin ko paniniwalaan ba niya? Alam ko naman na si Cristina pa rin ang kakampihan niya.

Nagulat ako ng may umakbay sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko.

"M-mingyu..." I uttered.

What is he doing here? Akala ko ba nasa America siya?

Kinindatan niya 'ko.

"Your one and only." nakangisi nitong saad.

Rinig ko ang singhapan sa paligid at kanya-kanyang comment na ang gwapo raw ni Mingyu, sobra.

"What are you doing here?" mahinang tanong ko.

We exchanged numbers after that incident. Medyo guilty din ako, eh. Sinapak ba naman ni Han tapos hindi pa nag-sorry.

"I'm here to help you." malambing na sagot niya.

Magsasalita pa sana ako nang balingan niya si Cristina at Han. Si Han ay masama ang titig sa amin. Samantalang, si Cristina ay mukhang gulat na gulat.

"Stop doing these shits, Cristina. I saw everything." Mingyu coldly said.

Biglang nagbago ang aura niya nang bumaling kay Cristina.

"Shut up, man. You don't know everything." si Han.

Napayuko na lang ako. That hurt. So much.

"I don't know everything? Nah. Cristina is my ex-girlfriend and we've been together for 6 years. We lived in the same house and I already know her true color. Tell me, sino ang mas may alam sa ating dalawa?"

EDITED.

 My Picture | Han Jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon