24

118 5 0
                                    

HAN JISUNG's
POV

"Anong ginawawa niyo dito?"

Tanong ko kina Leeknow Hyung at ibang tropa. Nandito silang lahat sa kwarto ko.

Chan Hyung sat beside me.

"Para damayan kang damuho ka." sagot nito.

Natawa naman ang iba pero hindi ako makatawa. Hinahanap ko si Ryejin. Gustong-gusto ko siyang makita pero hindi ko siya mahanap. Alam yata niyang hahanapin ko siya kaya pinalitan niya ang pangalan niya or what.

I already used my connections, but I still can't find her. Nawawalan na ako ng pag-asa na makita pa siya. Argh, damn this.

"Alam mo, Han? Ako na lang kasi." sabat naman ni Minho at nagtaas-baba ang kilay habang nakangisi ng nakakaloko.

"Ulol, sumbong kita kay Crisha." naiiling na sabi ko sa kanya.

For the first time, I laughed. We all laughed. Tumalon si I.N pahiga sa kama ko at niyakap ako.

"Group hug!" sigaw nito kaya agad naman akong dinumog ng iba.

"Aray! May naiipit, tangina!" sigaw ni Felix.

"Hoy, ang lakas ng boses mo! Ang lalim pa!" si Minho na natatawa pa.

Natawa na naman kami nang may magsalita.

"Ang sarap niyo namang panoorin." sabi nito.

Napahiwalay sila sa akin ngunit hindi maalis ang mga ngiti namin. Si Dad pala.

"Hi, Tito! Looking good!" si Changbin.

"I know right." sagot naman ni Dad at kinindatan siya

Nagbiruan pa sila bago bumaling sa 'kin si Dad.

"Anak, dumating na pala ang Mommy mo. Tapos 'yung school niyo naman iniimbitahan kayong magperform ng mga kaibigan mo sa isang event." sabi nito.

"Ayos!" si Seungmin.

"Oo nga at ang tagal na ng huling tugtog natin." si Chan Hyung.

"Sige, Dad. Tanggapin namin." sagot ko kay Dad.

He smiled sadly.

"Anak, sorry." sabi nito bigla.

Nangunot ng bahagya ang noo ko.

"For what, Dad?" I asked, confused.

He look at my friends and look at me again. Then, he shook his head.

"It's nothing." he answered.

Hindi ako naniniwala pero tumango na lang ako at ngumiti.

"Mga Hijo. Bumaba muna kayo't may meryenda." at tumalikod na si Dad.

Agad naman sumunod ang mga loko at si Chan Hyung naman tinapik ako ng marahan sa balikat.

"Sorry, Dude. Pagkain 'yon, eh." natawa na lang ako ng nagmamadali din itong lumabas.

Nangingiti na lang akong umiling. Ryejin, i'll find you.

EDITED.

 My Picture | Han Jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon