21

125 6 0
                                    

SEO RYEJIN's
POV

"Here's the money, Hija. Good job."

Nanghihina man ay umiling ako bilang pagtanggi.

"Hindi na po. Hindi ko po matatanggap 'yan." nakayukong saad ko.

"Hija, ayoko na sanang makikita kang kinakausap o lumalapit sa anak ko. Malalaman ko agad kapag may hindi ka sinunod." banta nito.

I nodded and forced myself to stopped my tears from falling.

"O-opo." I answered politely and bit my lower lip.

"Leave the country as soon as possible. Ayokong magkita kayo ulit ng anak ko. Understood?" tumango na lang ako kasabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

"Good." saad nito bago lumabas ng bahay namin.

Agad akong nilapitan nina Mama at Papa at nag-aalala nila akong niyakap.

"Anak, hindi mo kailangang gawin ito." sabi ni Papa.

Agad akong napahagulgol.

"A-ayoko pong m-mawala kayo n-ni Mama." pigil hikbi kong sagot.

"Ryejin anak, kung mahal mo si Han. Ipaglaban mo siya. Hayaan mo na kami. Alam mo naman na mas magiging masaya lang kami kapag nakita ka naming masaya." si Mama habang hinahagod ang likod ko.

"Ma, mag-iingat kayo ni Papa. Babalik din ako at 'pag balik ko... maipaglalaban ko na kayo ni Papa." at pati na rin ng lalaking mahal ko.

That day, I decided to leave with a heavy heart.

I'll miss you, Han Jisung. Let's meet each other again when I came back.

I promise I'll tell you everything at sana pagdating ng araw na iyon, hindi pa huli ang lahat.

EDITED.

 My Picture | Han Jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon